CHAPTER SEVEN

327 35 14
                                    

Whoa! I really can’t believe na makikita ko ulit siya at kasama mo pa!”

Gusto nang mapasimangot ni Red sa pambubuska sa kanya ni Mike mula ng matakasan nila ang media na ayaw paawat sa katatanong kung sino siya sa buhay ni Nikki na mas kilala ng mga ito bilang Arianne. Gusto sana niyang sabihin sa mga ito kung sino talaga siya sa buhay ng dalaga kung hindi lamang niya naisip na magagalit ito kapag sinabi niya ang nakaraan nila.

He can still see her expression ng makita nito si Mike, mukhang hindi pa talaga nito nakakalimutan ang ginawa nila noon.

“I don’t even know she knows me,” sabad naman ni TJ

“Seeing it by my own eyes, kayo na ulit Red?” tanong ni Lemuel sa kanya na siyang dahilan kung bakit nagpunta sila sa airport. Ngayon kasi ang araw nang pagdating nito sa Spain kung saan nakabase ang isang bar nito. “Nakikita ko siya sa Spain noon,” dagdag pa nito.

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito. Lemuel saw Nikki and he didn’t bother to tell him?

“Well, kadadating ko lang noon sa Spain. Nakita ko siyang umiinom mag-isa. Hindi iisang beses na narinig kong sinabi niya na pagbabayarin ka niya sa ginawa mo sa kanaya Red. Looking at her that time, I knew you hurt her a lot,” paliwanag nito.

“So, ibig sabihin, maaaring ‘yan din ang dahilan kung bakit bumalik siya? For revenge?” ani TJ na ang mga mata ay nakatuon sa kanya.

“In that case, mag-iingat ka Red. She’s not the innocent girl we used to know. Nagbago na siya. hindi lamang nagbago kundi nagbagong nagbago,” pailing-iling na paalala sa kanya ni Mike at tinungga ang iniinom nitong red wine.

Tama ito. Nang bigla siyang hilahin ni Nikki sa restaurant kanina kung saan niya ito hinintay na matapos sa pagkain nang sundan niya ito, he knew she’s up to something. Naramdaman niya din na galit na galit pa din ito sa kanya base na din sa takbo ng usapan nila. Hindi niya ito masisisi kung gantihan siya nito. Sana lang ay makaya niya ang sakit na dulot niyon.

Who’s he? Is he the guy from her past and the reason why she came back to the Philippines?

Gusto ng ibato ni Nikki ang dyaryong hawak niya ng makita ang hadline niyon. She can’t believe na nakunan pa din sila ng picture ni Red doon pa sa parteng hinalikan siya nito sa noo. Kitang kita ang gulat na nakabadha sa mukha niya sa ginawa nitong ‘yon. Pang-ilang linggo na ba niya sa Pilipinas at ganoon kaagad ang nangyari? She shook her head, as if in that position she will came up with an idea.

Nasa gano’n siyang posisyon nang mula sa itaas ay bumaba ang kaibigan niya. Mukhang alam na nito dahil palagay siyang kahit sa telebisyon ay balita ‘yon.

“So? Mind explaining me this?” panimula nito sabay hawak sa diyaryo na kabababa niya lamang kanina. “Who is he?” tanong pang muli nito hindi pa man siya nakakasagot.

“He’s nothing, Tash.”

“He’s nothing?” ulit nito. “Looking at this expression of yours, looks like you knew him all along, Ate Arianne.”

Kahit paano ay napangiti siya sa ginamit nitong pantawag sa kanya. Ipinilit niyang Ate na lang ang itawag nito sa kanya kapag silang dalawa lang. ilang ulit pa niyang kinulit ito dahil talagang nahihiya daw ito sa kanya. Tinawanan niya lang ang parang bata na sagot nito.

“Mind to tell me?” kulit na untag nito sa kanya at inulit ang tanong.

Wala siyang nagawa kundi ipaalam dito. “He’s someone from my past.”

Shocked was written all over her beautiful face. “Talaga Ate? What happened? Bakit kayo magkasama dito? Paano kayo nagkita?” sunod-sunod na usisa nito.

A Love Too Great To DieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang