CHAPTER TWO

389 45 39
                                    

Nikki was on her way to their school cafeteria. She was about to pull the door when someone inside the café pushed it. To her horror, na-out of balance siya at paupong lumanding sa lupa. Hindi niya alam kung aksidente lang ba ‘yon o sinadyang isampal sa mukha niya ang glassdoor. She felt dizzy. May pakiramdam din siyang mainit na likido na umaagos mula sa noo niya.

“Damn! Four na nga ang mata mo, pero mukhang kulang pa din! Can’t you see na papalabas kami? Nerd ka na nga, Idiot ka pa!” singhal at maarte ang tono na sabi sa kanya nang sa tingin niya ay siyang tumulak sa glassdoor.

Kahit hindi siya nakatingin, alam niyang nakakakuha na sila ng atensyon sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya sa pinto at sa lakas ng boses ng babae na para bang ito ang nasaktan sa kanilang dalawa at hindi siya.

Damn! She didn’t want to get any attention! Kaya ipinasya niyang pulutin ang tumilapon niyang mga gamit at isa-isa iyong inilagay sa kanyang bag para makaalis agad sa lugar na iyon.

“I happened to see the whole incident Miss. Sinadya mong itulak ng malakas ang pagbukas sa glassdoor,” sabi ng baritonong tinig na kilalang kilala niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao niya.

Bago pa niya madampot ang notebook niya ay naunahan na siya nito. Napasinghap ang mga nakikiusyoso nang bigla na lamang siya nitong pinangko.

Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa mga mata ni Red na may bahid ng pag-aalala. Tila wala naman itong pakialam kung pagtinginan ng mga tsismoso at tsismosa sa school nila.

“I want you to say sorry to her for what you did. Siya ang nasaktan pero ikaw pa ang may ganang magtaas ng boses sa kanya na kung tutuusin ay wala naman siyang ginagawang masama sayo,” pormal ang mukha na sabi nto sa babae na hindi makapaniwalang nakatitig dito.

“Me?” sabay turo sa sarili. “You want me to say sorry to this nerd?! Are you crazy, Red?! And, d-do you even know her?!” kandautal na tanong nito patungkol sa kanya.

“Kung hindi ka mag sosorry sa kanya, ora mismo I’ll report this incident to the deans office!” sigaw ni Red na may bahid nang pagbabanata ang tono.

Mayamaya pa ay may narinig silang nagsalita.

“Apologize to her before anything harmful happened to you Christina. You don’t know who you’re messing with.”

Napalingon siya. She saw a teen girl who looked like a Japanese doll na may hawak na raketa at seryosong nakatingin sa babae na tinawag nitong Christina. Ngayon niya lang nakita ang babae sa tinagal na niya sa Gianci Sapphire University.

“I’m sorry”

Awtomatikong nalipat ang kanyang tingin kay Christina. Matalim ang mga matang tumingin muna ito sa kanya bago umalis kasama ang mga alipores nito.

“I’ll take you to the clinic,” nakayukong sabi ni Red sa kanya.

Gusto man niyang magprotesta ay wala na siyang ngawa. Masakit na masakit ang sugat niya sa noo at alam niyang hindi niya kakayanin na maglakad ng mag-isa. Nang mapatingin siya sa mga kaibigan nito na nasa di kalayuan na mukhang nakita din ang nangyari ay napansin pa niya ang palitan ng tingin ng dalawa at ang nagtatakang ekspresyon ng mukha ng mga ito.

*****

HI!”

Gulat na nilingon ni Nikki ang babae na umagapay sa kanya sa paglalakad. Si Japanese doll ang nabungaran niya.

“Japanese doll.”

Natawa naman ito. “Japanese doll? Do I look like a Japanese doll to you?”

A Love Too Great To DieOnde histórias criam vida. Descubra agora