CHAPTER NINE

233 36 13
                                    

Umahon ka na diyan!” sigaw ni Nikki kay Red. Kasalukuyan silang nasa Castell Resort na pag-aari ni Tasha. Hindi biro ang nilampasan niya mapilit lamang ito na isara muna ang resort na iyon. Katakot-takot na tudyo ang inabot niya sa magaling niyang kaibigan.

“So, you’re under his charms again!” sabi nito habang humahalakhak na parang baliw.

Hindi siya tumanggi. Walang mag-aakala na sa likod ng seryoso nitong mukha ay may itinatago itong pagka-maldita.

“Babalik ka na sa Spain, di ba?” may pag-aalinlangan na tanong nito sa kanya.

Tumango siya.

“Do he know?”

Hindi siya sumagot. Alam niyang hindi papayag si Red na umalis ulit siya lalo pa at ginawa nito ang lahat pero hindi iyon maaari dahil may mga issue pa siyang kailangan ng kasagutan na naiwan niya sa Spain.

“Babalik ka pa ba dito?” tanong ulit nito.

“Hindi ko alam,” aniya na nasa anyo ang lungkot.

“Ang extra sweet mo naman ngayon.”

Naputol ang daloy ng pag-uusap nila ni Tasha ng marinig ang boses ni Red. Nilingon niya ito. Nakatingin ito sa mesa at sa mga pagkain na inihanda niya.

“Ayaw mo ba?” nakangiting sabi niya.

“Nagbibiro ka ba?” walang emosyon na sabi nito habang nakatingin sa kanya.

Napipilan siya.

“Paano ko aayawan ang kahit kaliit-liitang bagay kung ang nag-effort ay ang babae na mahal na mahal ko?” dugtong nito kapagkuwan ay ngumisi.

Binato niya ito ng kutsara. “Nakakainis ka ha!”

Humalakhak naman ito. “Paiyak ka na eh.”

Lumapit siya sa mesa kung saan ito naroroon at kinuha ang barbeque na kakagatin n asana nito. “Bilang parusa, hindi mo pwedeng kainin ang mga inihanda ko,” aniya at binelatan ito.

Nginisian naman siya nito. “Bilang ganti sa hindi mo pagpapakain ng mga iyan, halika na!” anito at binuhat siya! base sa tinatahak nito ay ibabagsak siya nito sa dagat na siya naman ngang ginawa nito. Nakanganga ng tumayo siya. “You!” sabay turo dito na tawa ng tawa.

Nanggigigil na hinila niya ito. Dahil hindi nito napaghandaan iyon kaya dire-diretso ito sa tabi niya. Naunang bumagsak ang ulo nito sa tubig kaya siya naman ang tumawa.

“Ayan! Para quits!” at inilubog pang lalo ang ulo nito.

“Ito ang quits!” sabay saboy sa kanya ng tubig. Tumawa siya. Para silang mga bata na nang araw lamang na iyon nakawala sa isang kulungan.

Kulungan ng kahapon…

*****

Magkahawak ang kamay na pinagmasdan ni Red at Nikki ang paglubog ng araw. Hindi niya maipaliwanag ang saying nararamdaman niya. She realized removing Red from her heart is really impossible.

“Red?”

“Hmm?”

“I remember when I used to be shy around you,” aniya rito at ngumiti.

Niyakap siya nito mula sa likuran. “Yeah. Palagi kang nakayuko noon. But now? Ikaw na ang tinitingala nila. Hindi ko pa ito sinasabi sayo but I am proud of you. I am proud I have you in my arms again. Years made me mature. It made me realize loving the person I love the most is like a bomb. No matter how hard I try to deny, it will explode anytime.”

A Love Too Great To DieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora