II

162 4 0
                                    

NARRATOR

It is an early morning for someone. Napaka-unusual kaya nagbihis muna it ng cotton shorts and gray muscle shirt saka nagsuot ng rubber shoes para makapag-jogging sa loob ng village na pagmamay-ari ng pamilya niya.

Sinuot nito ang wireless earphones sa tainga saka ikinabit sa bluetooth ng kanyang phone at lumabas na ng bahay. He checked his watch for the time. 5:14 am pa lang. Napailing na lang siya sa sobrang aga saka tumakbo.

Kung nagtataka kayo, the guy's body clock is 7am in the morning. Nasanay kasi ito na ganoon ang gising dahil sa ibang bansa siya nag-aral until 3rd year college. Hindi naman niya gustong umuwi dahil kuntento na siya na manatili sa Greece kung saan nagmula ang kanyang ama but his mom keeps on telling him to go back to the Philippines— to puerto galera to be exact— upang sa mismong company nila siya mag-OJT. Ayaw man niya ay napilitan siya dahil ayaw niyang magtampo ang mom niya.

Ang parents ng lalaki ay magkaibang lahi. His dad is pure greek while his mom is a pure Filipina.

Nawala lang ang pag-iisip niya ng mawala ang tugtog sa earphones niya dahil sa tumatawag. His bestfriend, Eros is calling. Sinagot niya naman ito at nagsimula na muling magjogging, huminto lang siya para masagot ang tawag.

"Atlas!"

Bati ng nasa kabilang linya habang nasa maingay na background. Napangisi na lamang siya dahil alam niyang nasa bar na naman ang tropa niya.

"Eros, remember that its our first day."

Malamig na turan nito sa kabilang linya. Sanay na sila na ganyan ang lalaki. Walang emosyon dahil sa dami ng pinagdaanan ng pamilya niya.

Tumawa naman ang kausap nito at nakikita na niya ang mukha nitong mapang-asar na naiiling na lamang.

"I know but we couldn't help it. Last day na ng bakasyon kahapon pero di ko naman akalain na mapaparami ang inom ng mga gunggong."

Sagot ng kaibigan na sinabayan pa din ng pagtawa.

Malamang ay yung tatlong ugok na naman ang nag-aya at ginawang baby sitter si Eros. Buti na lamang ay in-off niya ang phone niya kagabi kung hindi ay gagambalain din siya ng mga ito.

"So the three eggs ditched me just to go to the club. Tell 'em to ready their ass later."

Sagot niya sa kaibigan at binaba na ang tawag.

Kung tinatanong niyo ay kahapon lang dumating si Atlas sa Pilipinas at nag-offer ang tatlo niyang kaibigan na susunduin siya sa airport ngunit walang ni isa ang dumating. Si Eros kasi ay busy sa pagpapalakad ng bar. Ang tatlong kaibigan na nangako ay sina Cyd, Linus, at Ioan. Kapawa mayayaman ang pamilya ng bawat isa ngunit di matatawaran ang yaman ng pamilya nila Atlas.

Pabalik na ang lalaki sa kanilang mansion sa Pilipinas. Kokonti lang ang nakatira sa village na pagmamay-ari nila dahil na nga rin sa kamahalan at pagiging exclusive nito.

Pag-akyat nito sa kwarto ay naghubad ito ng damit at nagtungo sa banyo. Isang malamig na tubig ang umaagos ngayon sa mukha nito. Perpektong ilong, mahahabang pilikmata, messy brown hair, square jaw, brown eyes, broad shoulders with a six-pack abs. Masasabi mo ng perpekto talaga ang mukha nito sabayan mo pa ng talino na angkin ng lalaki.

Nang matapos maligo ay nakatapis lamang ito ng tuwalya na nagtungo sa walk-in closet nito at namili ng susuotin. Isang plain v-neck white shirt and faded jeans plus back boots lamang ang suot ng binata.

Bumaba na ito at sumakay na sa kanyang black hummer h3. Ang latest ng sasakyang hummer at siya lamang ang meron noon sa kanilang lugar kaya ng mailabas na ng village ang sasakyan ay kapansin-pansin ang tingin ng nga tao dito. Napailing na lang ang binata dahil ayaw niya ng ganun. Ayaw niya ng atensyon.

Seductive Student (VV SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon