ARISSA
Ilang minuto din ay nakarating kami sa City. Ang city ay bayan kung saan halos lahat ng kailangan mo ay nandoon. Malayo kasi ang school namin dito and obviously na mahal ang mga bagay na binebenta sa loob ng university kaya once every two weeks, I go here to shop everything I need para sa span ng time na yun.
Buti na lang din at nakasabay ko si Eros dahil naging clear naman sa kanya ang pag-ngiti ko after the kissing incident sa loob ng classroom. At least, walang malisya and nakapagkwentuhan din kami ng marami like our own personal lives.
Nalaman ko din na may need siyang bilhin dito kaya sasamahan niya na lang daw akong mag-ikot dahil baka sa pag-iikot oo daw ay makita niya din ang hinahanap niya.
Ipinarada na niya sa isang reserved slot dito sa open parking space ang sasakyan niyang mamahalin. Baba na sana ako ng mapahinto ako dahil sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Hindi ko man lang namalayan na ganun na siya kalapit.
"A-ah.. Eros, b-bakit?", Nauutal kong tanong kasi konting maling galaw ko lang mapapa-lips to lips na ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa nerbiyos.
Nakarinig na lang ako ng mahinang 'click' saka siya lumayo sa akin ng may malaking ngiti sa mukha at pasipol-sipol na bumaba. Ako naman ay pulang pula ang mukha at mabilis pa din ang tibok ng puso. Jusko
Nahimasmasan lang ako ng buksan niya ang pinto sa side ko at iniabot ang kamay niya. Hindi ko yun tinanggap kaya napakamot siya sa ulo batok niya na parang napahiya. Nagpatiuna na ako sa paglalakad para naman kumalma yung puso ko sa mabilis nitong tibok.
"Hey, Arissa!!! Wait up!", Sigaw niya sa akin habang hinahabol niya ako.
Hindi ko alam pero mas binilisan ko na lang yung lakad ko kaya hindi ko napansin na may motor na mabilis nagpapatakbo papunta sa direksyon ko.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko saka hinintay ang paghampas nito sa akin at pumikit.
Hinintay ko
Hinintay ko yung katapusan ko pero naramdaman kong walang tumama sa aking matigas na bagay. Nakapikit pa din ako habang kinakapa ang katawan ko hanggang sa may makapa akong matigas na braso sa beywang ko.
Tumawa ang nakayakap sa akin
"Enjoying my muscles too much are we Professor?" Sabi ng lalaking nakayakap pa din sa akin habang nakaupo kami sa semento. Mabilis akong nagmulat ng mata at humarap sa kanya.
Malaking malaki pa din ang mata ko at nalaglag ang panga ko ng makita ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Lalo tuloy akong hindi makagalaw.
"They say that staring is rude, but I say your stares makes want to just stay like this forever." Usal niya habang naiiling at nangiti. Namula naman ang pisngi at dali-daling tumayo
Ngunit hindi ko magawa dahil nakakapit pa din siya sa beywang ko kaya nadala ko siya pagtayo. Muntik pa kaming matumbang muli kung hindi lang siya magaling bumalanse.
"Woah, woman. Easy there."
"I'm okay. Thank you sa pagligtas mo sa a-akin." Nauutal kong sambit dahil nahihiya akong tumingin sa mga mata niyang nangingislap.
"I did what my heart told me to. Masama na bang sundin ang puso?"
"W-what?" Manghang tanong ko.
Umiling lang siya at di na sumagot pa. Nauna na siyang naglakad pero nilingon niya ulit ako nang makitang hindi ako kumilos. Binalikan niya ako at hinila ako sa pala-pulsuhan. Nagpatianod na lamang ako
"Tsk. Bakit ba ang dalas mo atang matulala pag kasama ako? Ganoon na ba ako kagwapo?" Tanong niya sa sarili habang hila hila siya. Tila naman natauhan siya kaya pilit niyang hinila ang kamay sa lalaki.
"Oh tapos ngayon, gusto mo namang kumawala sa akin? Masisiraan ako sa'yo ng bait eh."
"Bitawan mo kasi ako, hindi naman ako lumpo para akayin mo o hilahin." Inis na tugon ko na nagpangisi sa kanya bago bitawan ang kamay ko.
"Hindi ka nga lumpo pero parang naghihina yang mga tuhod mo pag malapit ako." Sagot niya na nagpamula ng pisngi ko kaya napahalakhak siya sa istura ko.
Badtrip naman talaga itong lalaking ito. Buti na lamang ay halos magkakasing-edad lang kami ng mga students ko. I am still older by 3 years or more.
Hinayaan ko na lamang siyang hawakan ang kamay ko at naglakad papunta sa mall.
Habang naglalakad kami ay maraming patingin-tingin sa amin. Yung iba nakataas ang kilay at iba naman ay parang kinikilig. Alam ko namang etong kasama kong lalaki sa kaliwa ang kinakikiligan habang ako naman ay talagang kinaiiritahan dahil bakit isang teacher ang kasama ng isang gwapong lalaki. Parang isang malaking sampal iyon sa propesyon ko at insulto din sa pagkatao ko bilang babae na hindi dahil guro ang napili kong propesyon ay hindi na ako malayang magmahal kung sino man abg magustuhan ng puso ko.
Pagkatapos namin maglibot at mabili lahat ng kailangan namin ay nagpasya si Eros na kumain kami bago bumalik sa University.
"Good afternoon, Sir and Madam. Table for two?"
"Yes, please." Sagot ni Eros at bumaling sa akin ng hilahin ko ang shirt niya.
"Hoy, mahal dito diba? Bakit ba kasi dito mo pa napiling kumain? Pwede namang sa Mcdo o Jabee?" Pabulong kong tanong sa kanya habang naglalakad na kami patungo sa table na paghahatiran sa amin
"Minsan lang naman mai-treat ang maganda naming adviser kaya bakit hindi dito?" Sagot niya sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako dito at naupo sa tapat ng upuan niya.
Inabot ng waiter ang menu at matiyagang naghintay sa order namin. Pansin ko namang patingin-tingin sa akin ang waiter kaya inirapan ko ito. Nag-iwas naman agad ng tingin at bahagyang namula ang pisngi.
"May nagustuhan ka ba?" Tanong ni Eros sa seryosong boses.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Eros has always this warm smile in his face. Parang sa kanilang magkaka-barkada, siya ang una mong mapapalagayan ng loob kaya ganun na lang ang pagtataka ko ng marinig kong parang may galit sa tono niya.
"Uhm... Wala akong maisip. Kung ano na lang ang iyo, ganun na lang din ang akin."
"Okay. Please give us 2 orders your best-seller and a red wine plus stop staring at my date." Pinagdiinan talaga ng batang ito ang date kaya ayun si kuya mukhang natakot at nagkukumahog na umalis sa harap namin.
"Bakit mo naman sinabing date mo ko?"
"Hindi ba? Pag lumabas ang isa't babae at lalaki, hindi ba date na iyon?" Tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.
Pero bago pa ako sumagot ay may mga kalalakihang pinagitnaan ako pati si Eros.
"So pwede na ba namin 'tong tawaging group date?" Saad ng bagong dating.
BINABASA MO ANG
Seductive Student (VV SLOW UPDATES)
General FictionYes, I am a teacher and my student seduced me. A seduction like never before.