VI

73 4 0
                                    

Note: Please listen to If I can't have you by Shawn Mendes.

EROS

Hindi ako makapaniwala

Hindi ako makapaniwala na isang diyosa ang adviser namin.

Expected kaming panot ito at matanda na, na menopausal. Alam kong she's way older than we are pero ano ba naman ang six years or five years gap?

Does even age matter in love?

Hindi naman siguro at kung sakaling pangit iyon para sa iba ay wala na akong alam basta for now, I like her. I really do.

At dahil gusto kong ma-impress si Arissa. Yep, I know her first name. Anong use ng private investigator? I also searched her in facebook pero wala namang nalabas na name kaya tinawagan ko na ang private investigator ng pamilya namin.

I wouldn't call her ate or even professor constantine like what my other friends call her. I want to call her on with my own words. Like telling everyone to back off.

Pero may isa pa akong napapansin. Napapaisip talaga ako kung bakit ganun na lamang ang reaction ni Ats sa kanya. Lagi naman itong walang pakialam kahit ihain mo pa ang magagandang babae at sobrang hot na kilala namin. I mean, I thought, actually we thought na bakla siya kaya wala siyang reaction sa mga ganyang bagay. I don't know what really triggered it kasi di naman din siya makwento kahit best of friends or brothers even ang turingan namin sa isa't isa. Basta isang araw na lamang, when we were seven years old that time, hindi na siya nagpakita ng emosyon.

Hindi namin alam ang nangyari but we respect each other's privacy. We all got each other's back.

So back to operation pagpapa-gwapo para kay Ms. Arissa, pupunta ako ng mall from campus. May sarili kasi akong kwarto sa boy's dorm dito.

Pumunta na ako sa parking and just hopped in my Lamborghini Huracán and started the engine. Pinaandar ko na ito palabas ng univeristy at kumaway din kay manong guard bago pa makalampas ng gate.

Hindi pa man nakakalayo ang aking sasakyan ay may nakita akong pamilyar na tao na nag-aabang sa may waiting shed na hinihintuan ng bus papunta sa city.

Binagalan ko ang takbo ng sasakyan hanggang unti-unting lumaki ang kaninang maliit na pigura.

Si Arissa!

Tama, si Arissa nga ang nag-aabang ng bus papunta sa city.

Binusinahan ko siya ng makalapit ako sa pwesto niya na ikinatalon niya. Napahawak pa siya sa dibdib kaya natawa ako sa reaksyon niya.

Tumigin siya ng masama sa driver seat kung nasaan ako pero dahil hindi niya makita dahil tinted ang sasakyan ay mabalis siyang kumatok sa pintuan ng side ko. Dahil gusto ko pa siyang pagmasadan ng ganito kalapit ay nagpasya akong i-compose muna ang sarili before opening it kaya nang mapatagal ako sa pagbukas ay halos idikit niya ang mukha niya sa salamin para siguro silipin kung sino ako pero dahil bigo ay lumayo it aalis na sana ng buksan ko ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto at pagbaba ko ng sasakyan ay unti-unti siya ulit bumaling kung nasaan ako sabay ng pagbaba ko ng shades na suot ko. Ang kunot nitong noo ay napalitan ng aliwalas at ngumiti na ikinagulat ko. Ilang sandali akong napatitig sa kanya sabay ng pagpitik niya ng daliri sa mukha ko na nagpabalik sa ulirat ko.

"Hey, Eros. Are you okay?", alalang tanong niya.

Umiling ako at tumango din agad ng makita kong hahakbang siya para siguro tignan kung may sakit ako, nagsalita din naman ako agad, "I mean, I am okay. Sorry to startle you with the horn." I sadi apologetically. Alam kong parang labas sa ilong yung sorry ko kasi natuwa ako sa nakuha kong reaksyon.

Ngumiti muli ito, tsk. Quota na yung puso ko sa daming beses nitong dobleng bilis kung tumibok dahil sa biglaang pagpapakita nito ng emosyon.

"Nagulat lang ako at obviously, nainis. Magugulatin kasi ako." pahayag niya

"Pasensya na, Arissa." Paumanhin kong muli

Natigilan ito ng mabanggit ko ang pangalan niya. Napakamot ako ng batok at nagsalita muli

"Sorry. Ayokong tawagin kang professor ngayong nasa labas tayo ng campus kasi awkward dahil di naman tayo magkakalayo ng edad." tumango tango ito na parang sinasabing naiintindihan niya ang rason ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon

"O sige, mukhang may lakad ka. Una na ako. Maghihintay pa akong bus eh." sambit nito saka nagsimulang maglakad patalikod sa akin. Bago pa man siya makalayo ay nahawakan ko na ang palapulsuhan niya at para akong napaso ng magdikit ang mga balat namin ngunit di ako bumitaw. Isang magandang klase ng pagkapaso.

Nagtaka itong tumingin sa akin at sa kamay kong nakahawak sa pala-pulsuhan niya kaya awkward akong bumitaw, "Uh, sabay ka na sa akin. Sa city ka din naman pupunta diba?"

"Paano mo nalaman na doon ang punta ko?" takang tanong nito

Natawa ako ng mahina dahil ang lakas ng akusasyon sa tono ng pananalita nito na akala mo ay isa akong stalker.

"Dahil stop to ng mga buses na papunta lamang sa city diba?"

Natawa na naman ako ng mamula ang pisngi nito at tumingin sa ibang direksyon. Iginiya ko naman ito papunta sa shotgun seat ng sasakyan ko. Nagpatianod ito marahil siguro dahil sa hiya.

"Salamat." banggit nito ng makaupo na siya sa passenger seat at bago ko pa maisara ang pinto. Tumango lamang ako at ngumiti saka umikot upang makpasok sa driver's seat.

Umalis na kami at naisip na kaya siguro ito pumayag na sumakay ay dahil sa tagal na din niyang naghihintay doon sa waiting shed. Naputol lamang ang pagiisip ko nang magsalita ito.

"Bakit mo pala ako hinalikan?"

Dahil nabigla ako sa tanong niya ay nagisip agad ako ng dahilan upang makalusot pero iba ang lumabas sa bibig ko, "Bakit ka ngumiti pagkatapos kitang halikan?" balik tanong ko.

Hindi ito agad umimik kaya sandali akong sumilip sa pwesto nito at nandun na naman ang maliit na ngiti tulad ng araw na iyon.

"Para kasi akong ate tas ikaw ang nakababatang kapatid ko at yung halik ay parang halik ng batang kapatid."

Napapreno ako dahil sa sagot nito.

NAKABABATANG KAPATID? WHAT THE FVCK?!

"Seriously?!"

"Oo, kasi sabik ako magkaroon ng kapatid. Ulila na kasi ako, kaya ng magkaroon ako ng advisory class ay ganun na lamang ang saya ko." sagot niya at di pinansin ang pagtaas ng boses ko.

Nagsimula na lamang ako magdrive papuntang city at di na inabala ang sarili ko sa babaeng kasama.

Sige, ngayon makukuntento muna ako sa tingin mo sa akin bilang isang bunsong kapatid or kung anong klaseng kapatid pa yan.

'Dahil hindi matatapos ang taon na ito na gugustuhin mo na akong gumawa ng magkakapatid mula sa akin.' Nailing ako sa isiping iyon at binaybay na ang city kasama ang babaeng nagpapabagal ng oras pag kasama ko siya.

•••••

Good morning, lovelies! ☀️ May your day be filled with beauty and grace. Take care!

Please do vote and read and comment. Love you!

Seductive Student (VV SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon