ATLAS
3 hours na din ang nagdaan since that encounter with our dragon of an adviser.
3 hours na ang nagdaan at malamang pare-parehas na kami ng nararamdaman ng mga kasama ko.
3 hours na ang nagdaan at salamat, makakain na din kami. Fudge that old man! Ang tagal kaming palabasin eh obvious naman na orientation lang today at pinatatagal niya lang.
Nakita ko pang hinhimas himas niya yung braso ni Linus kanina nang lumapit siya sa likod at sabihan ito na magpakilala. Napaigtad din ang kaibigan ko ng maramdaman ang paghaplos ng matandang bakla na yun.
At ngayon, papunta na nga kami sa Cafeteria ng aming school. Yes, amin. May share kasi ang pamilya ng barkada ko sa university na ito.
Habang naglalakad ay napansin kong kakaunti lamang ang mga estudyanteng nakatamabay. Maybe, it is because of our sched. I phoned my mom a while ago because curiosity will really eat me alive and she told me that schedules were arranged properly para di masyadong maraming student ang nasa Caf.
Ang course na Engineering ay sabay ng Architecture mag-vacant. While Accountancy and Business ay sabay. Tas Education and those who are taking up Psychology naman ang magsasabay ng lunch break.
How about the teachers? Naisip ko iyon pero agad ko din inalis dahil why do I care? Ano bang pakialam ko kung makakasabay kong kumain ang babaeng yun na malaki ang noo or hindi? Malamang ay busy yun sa trabaho niya.
At teka, bakit ko ba siya iniisip? Kakakilala ko lang sa kanya at pinahiya niya ako. Bakit ako concerned sa kanya? Bwisit na babae.
Hindi ko namalayan na nasa loob na kami ng Caf.
"Saan tayo pupwesto?" Tanong ni Cyd
Iniikot namin ang mata sa paligid at nakita ko ang couch kung saan kasya ang anim na tao at malapit sa glasswall.
"Doon" turo ko at lumapit kami sa pwesto.
"Tapat lang pala nito ang faculty oh!" Masayang sambit ni Eros.
Mukhang maligaya na naman ang ugok dahil malalapit siya sa adviser naming pinaglihi sa sama ng loob.
"Kitang -kita din ang office nila dito. Dalawang palapag." Deskripsiyon naman ni Linus
"Uy! Diba si Miss Ganda yun? Yung adviser natin oh!" Turo ni Ioan habang nangingiti.
Sinundan naman namin ang tinuturo ng daliri niya at oo nga, yung adviser namin na may kausap pang isang babae. Napasinghap kami ng sabay-sabay ng ngumiti ito. Shit!
"Teka, pre. Wala akong problema sa reaksyon natin pero bakit parang ang dami ng suminghap?" Takang tanong ni Eros kaya ng lumingon kami ay ganoon na lang ang gulat namin dahil pati pala ang iba naming classmate na lalaki ay nakikinood din.
Sinamaan ko sila ng tingin nang mapansin nilang nakatingin kaming lima sa kanila. Nagkukumahog naman ang mga itong bumalik ng pwesto nila.
"Tsk. Mukhang may amats din ang mga lalaki nating kaklase kay Miss Ganda. Maraming ka-kumpetisyon." Naiiling na komento ni Ioan na ikinalingon namin dito
Ka-kumpetisyon? What the hell? Don't tell me?
Magsasalita sana kaso tumayo na ito at nag-inat.
"Tara, order na tayo."
"Una na kayo. Ako na muna dito." Pagpapauna ko sa kanila Ioan, Eros, and Linus.
Naiwan si Cyd habang matamang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay kahit alam kong pambakla yun dahil ayokong magsalita para magtanong kung anong problema niya.
"What's up with you?" Tanong niya
Kumunot na ang noo ko sa tanong niya. Anong ibig nitong sabihin? Mukhang nakita niya naman na alangan ako kaya pinagpatuloy niya.
"I mean, the aura and the attitude a while ago. Hindi ka naman nagpapaapekto sa paligid mo so why with that girl?" He asked confusingly.
I exasperated a sigh and answered him.
"I don't know, dude. She really got into my nerves. Yung tipong hindi man lang siya naaapektuhan sa presensiya ko. It irritates me." I answered honestly
I know na ang hirap paniwalaan na ang isang Kyros Atlas Argus ay magpapaapekto sa isang tao and hell, sa teacher niya pang babae na ginagawa lamang ang trabaho niya sa loob ng klase.
Narinig kong bumuntong-hininga si Cyd saka nagsalita muli.
"Alam mong type siya ni Eros, so don't tell me na baka mag-away pa kayo sa babaeng yun."
Naiiritang tumingin ako dito bago sumagot, "Cyd, I am not interested with that woman! I am interested in making her suffer because of what she did to me inside the class." I hissed
The guy just shrugged and gave me a smirk. He finds this amusing! Tsk.
Magsasalita pa sana ulit ako nang dumating na ang tatlo.
"O eto, nag-order na din kami ng inyo para hindi na kayo pumila pa." Sabi ni Linus
"Tsaka alam naman namin na sa ating lima, ako ang pinakagwapo." Sabat ni Ioan na nakatikim ng batok kay Linus at Eros
"Gago! Wag kang mahangin." Pagtatama ni Eros saka bumaling sa amin at nagsalita, "Dude, hindi naman kasi kayo maarte sa pagkain lalo na at wala naman kayong allergy." Pagpapatuloy nito.
Nagsiupo na din sila at magsisimula na sana kaming kumain nang mapahinto ang ingay sa Caf.
Akala ko mga bad boys at mga grupong sikat lamang at kinakatukutan ang pwedeng maging sanhi ng katahimikan sa loob ng University pero damn, nakapasok na kami sa loob. Wag mong sabihin na may mas malupit pa sa kamandag at kagawapuhan namin.
Napangisi ako sa iniisip saka bumaling sa pinto ng Caf.
Pumasok doon ang dalawang babaeng masayang nagkwekwentuhan. Nahinto ako sa pagkain ng mapansing pati mata ng babae ay tumatawa. Tila nagniningning.
Pinansin ko ang mga kaibigan ko.
"Are you seeing what I am seeing?" Ioan said.
"Damn, she's a tamed dragon right now and her friend looks hot" sambit ng babaero naming kaibigang si Linus.
Hindi ko na yun pinansin at binalik muli ang tingin sa dalawang magkaibigan na mukhang hindi alintana ng paligid. Humiwalay ang sa tingin ko ay Professor din dito sa university, habang si Prof. Constantine naman ay naghahanap ng pwepwestuhan.
Palapit ito sa aming upuan kaya tumalikod ako. Napansin kong nagsimula din kumain ang mga kasama ko at hindi na muli ito pinansin.
Napahinto lang ako ng magsalita si Eros
"I really like her."
Kasabay ng paghinto ng dalawang pares ng sapatos sa harapan namin.
Damn, she feels like thunder and lightning all in one.
•••••
Thank you so much for reading my story! Please do vote and read.
Sorry kung lame yung update, sadyang sabaw lang ako from work. ✌️
BINABASA MO ANG
Seductive Student (VV SLOW UPDATES)
General FictionYes, I am a teacher and my student seduced me. A seduction like never before.