Part Six: Wins and Losses for Cerise

2.5K 83 2
                                    


"WE LOST, Tiffany. But Shyron won as Best Photojourn, so okay na rin, right?" ani Cerise habang hinihimas ang ulo ng pusang si Tiffany. It was past one o'clock in the morning, na siya rin namang normal niyang uwi kapag galing siya sa TPH office. Hinatid siya hanggang sa baba ng condo niya ni Ledge who obviously was not taking their loss lightly. O siguro nahihiya lang iyon dahil sa ipinagmamalaki nito na may nakapagbulong umano dito na sila ang mananalo?

Iyan ang problema sa ganyang sources. Laging may posibilidad na kuryente lang ang balita.

She fished her keycard inside her bag and opened her door with her right hand, habang ang kaliwang kamay niya ay hawak-hawak si Tiffany.

"Scarlett, Mary Lennox, Nikita! Mommy's home!" bungad niya nang pumasok ng unit niya at ini-on ang switch ng capiz chandelier niya sa may sala.

Agad na naglapitan sa kanya ang mga alaga at nagpaikot-ikot sa paanan niya. "Missed me?" tanong niya sa mga ito. Sumalampak siya sa sahig sukdulang naka-dress at heels pa siya. Inilapit niya sa tatlo si Tiffany. "Cuties, I'd like you to meet Tiffany. Ex-human niya si Ledge—'yung boss kong gwapo nga pero incompetent? She was given to me kasi sinamahan ko siya sa awards night ngayon. I know as journalists we're not supposed to accept gifts but how can I resist—Mary Lennox!" sigaw niya nang biglang kalmutin ni Mary Lennox si Tiffany sa mukha. Tumakbo palayo si Mary Lennox sa kanila. Si Scarlett at Nikita naman ang lumapit kay Tiffany at inamoy-amoy ito. Mayamaya ay ibinabangga na ni Nikita ang ulo nito kay Tiffany. Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang matatanggap naman ng grupo si Tiffany.

Cerise stood and let the three play. Ibinagsak niya ang katawan sa sofa. This has been an extraordinary tiring day. Yun bang maski kaluluwa niya, pagod.

She reached out for her iPod Touch docked in a speaker. She turned everything on, and in a few seconds, a haunting piano intro filled her unit.

Sinimulan na niyang hubarin ang strappy sandals niyang suot. May paltos ang magkabilang hinliliit at bukung-bukong niya. Saglit niyang minasahe ang mga paa. Pilit niyang inalala kung may band-aid pa ba siya sa first-aid kit niya sa banyo.

Tumayo siya mula sa sofa at hinubad ang suot na dress. Iniwan niya ang pinaghubaran sa ibaba ng sofa at pinuntahan ang lalagyanan niya ng cat food. Nakita niya ang pagsilip sa kanya ni Mary Lennox mula sa paborito nitong pwesto—sa countertop ng kusina.

"'Wag ka nang magtampo d'yan, Mary Lennox. Kasalanan mo naman kung bakit kita nasigawan," aniya sa tonong nang-aamo. "C'mon, kain na kayo," yaya niya dito sabay pakita ng lalagyanan nito ng pagkain. Being the smart cat that she is, bumaba na si Mary Lennox at nagpunta sa kanya. Naglapitan na rin sa kanya sina Nikita, at Scarlett, kasunod si Tiffany. Dahil wala siyang extrang lalagyanan ng pagkain, ang sariling salad bowl na lang muna ang ginamit niya para lagyan ng pagkain nito. She walked to her bag again. Kailangan niyang isama sa to-do list niya ang pagbili ng cat bowl bukas. Mayroon siyang app para doon—

Napakunot-noo siya nang makitang nag-text sa kanya si Ledge. It read: Even if i know that the cat was the sole reason that u went with me, but i still want to thank u. Thanks for all your hard work for Herald. Good night and see u tom at the office.

She sighed. Inisip niya kung magre-reply ba siya dito. Kahit simpleng 'you're welcome' or 'good night' din, but she decided otherwise.

Pabagsak niyang iniwan ang cellphone sa sofa at tinungo ang banyo. 

--

"YOU KNOW well of our budget constraints, Cerise. Masyadong malaki ang thirty thousand para sa isang investigative story. At research part pa lang 'yan? I'm sorry, but no."

The Queen of Heralds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon