Part Eleven: Breakfast at Ledge's

2.5K 91 0
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Cerise nang magmulat siya ng mata at isang hindi pamilyar na kwarto at hindi pamilyar na kama ang tinutulugan niya. Amoy bago ang unan at comforter ng kamang hinihigaan niya.

Kinusot niya ang mga matang mahapdi pa mula sa pag-iyak kagabi. Ilang beses siyang pumikit at dumilat para tuluyang makapag-aadjust sa liwanag na nagmumula sa mga bintana ng kwarto. Triple ang laki noon kaysa sa kwarto ng condo unit niya.

Saka lamang niya naalala na nasa guest room nga pala siya ng bahay ni Ledge. Doon sila dumerecho ng lalaki pagkatapos silang interview-hin dalawa ng mga pulis na nag-responde sa condo niya.

Napatakip siya ng mukha. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang mangyari iyon sa mga alaga. Hindi niya maisip kung sino ang sobra ang galit sa kanya para gawin ang panggugulong iyon sa bahay at sa buhay niya.

She thought about the lifeless bodies of Mary Lennox and Tiff that were placed in carton boxes ang were now inside the comfort room. Nangako si Ledge na sasamahan siya sa animal and pet crematorium sa may Mandaluyong para ipa-cremate ang mga ito.

As if Scarlett and Nikita were reading her thoughts, umakyat sa mga bisig niya ang mga ito. "Nope, hindi kayo pwedeng sumama. Dito lang kayo. Safe kayo dito," aniya sa mga ito. Nag-headbutt sa kanya si Scarlett, habang si Nikita naman ay tumalon pababa ng kama at pabalik-balik na nagtatakbo sa gilid ng kama.

She let out a sigh. Kinuha niya ang cellphone sa may nighttable at tiningnan ang oras. It was past eight o'clock in the morning. Tumayo siya mula sa kama at tiningnan ang suot na damit. Maluwag sa kanya ang t-shirt ni Ledge na naka-print ang "Basketball is my Girlfriend", habang garterized na basketball shorts naman ang pinahiram nito sa kanya bilang pang-ibaba. Hindi kasi kasya sa kanya ang ipinahihiram na damit ng mga kasambahay nito.

Tumayo siya at pumunta sa banyo ng kwartong iyon para maghilamos at magmumog. Pinigilan niya ang sariling buksan ang kahon na naglalaman ng nakabalot na katawan nina Mary Lennox at Tiff.

Bumaba siya sa first floor ng bahay. The house had a beautiful wooden staircase, with an equally elegant chandelier above. Kasunod niya sa pagbaba sina Nikita at Scarlett.

Isa sa mga kasambahay ang naabutan niya na naglilinis sa may salas. Ngumiti ito ng makita siya. "Good morning, Cerise. Nasa kitchen si Ledge, nag-aalmusal."

"Saan ho.. yung kitchen?"

"D'yan lang, liko ka lang sa may kanan. Lagpas ng dining area."

Tumango siya at nagpunta sa direksyong sinabi nito. Sina Scarlett at Nikita naman ay lumiko papunta sa may garden sa kaliwa. Sana lang ay walang siraing halaman o gamit ang mga ito doon. At kung meron man, well, si Ledge naman ang may gustong dito siya mag-stay. At alam din nitong package deal sila ng mga alaga niya.

Although she could not help but feel that the house was too big and too grand for a bachelor—dahil sa pagkakaalam niya ay wala namang kasamang iba sa bahay na ito si Ledge maliban na lang sa mga kasambahay nito.

Napahinto siya nang mabungaran si Ledge na nasa aktong kakagatin ang may anim na patong yata na french toast, ngunit huminto sa ere ng makita siya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Bakit?" Aasarin ba siya nito dahil sa suot niya?

"Just appreciating the beauty in front of me," pagkasabi noon ay itinuloy na nito ang pagkagat sa french toast nito.

Napailing na lamang siya sa narinig. Alam niyang binobola lamang siya nito. She was far from being and feeling beautiful today.

"This is my Nutella and bacon stuffed french toast," anito sa kanya pagitan ng pagnguya nang tuluyan na siyang makalapit dito. "Made it myself, I didn't even reach the dining area. Wait up, I'll prepare one for you." Ibinaba nito ang kinakain at tumalikod sa kanya. Narinig niya ang pag-on nito ang gas stove at pagsalang nito ng kawali doon.

The Queen of Heralds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon