Part Seven: Edsa's Fate

2.4K 85 3
                                    

LEDGE cannot simply comprehend why his friend Mac would want to meet up at Equatorial Coffee in Katipunan, sukdulang isa na ito sa mga may matataas nang posisyon sa NBI. Anlakas kasi maka-college student ng lugar na iyon para sa kanya.

Ngunit dahil siya ang may kailangan dito, pumayag na siya sa lugar na gusto nito na pagtagpuan nila. Si Mac lang kasi sa mga kakilala niya ang may pinakamalaki ang posibilidad na matulungan sila ni Cerise. Sila dahil inaako na rin niya ang problema nito tungkol sa pagbibigay ng "hustisya" sa nagpakamatay nitong ex-fiancé. Aminado naman siyang foul na iyong naging biro niya kay Cerise, but really, gusto lang niya talaga itong inisin noon. Natutuwa kasi siya kapag nakikita itong napipikon sa kanya. Hindi lang niya talaga inaasahan na mas may malalim palang dahilan itong pinaglalaban. So here he was, pulling all the strings that he could for Cerise... and well, Edsa na rin.

Agad niyang natanawan sa loob ng coffee shop si Mac. Madali lang naman itong hanapin dahil ito lang naman ang may lakas ng loob na magsuot ng brown na leather jacket sa gitna ng nakakatustang init dito sa Metro Manila. Nagtaas ng kamay si Mac at sumenyas sa kanya. Tinanguan niya ito at naglakad siya papalapit dito.

Kumunot ang noo niya nang habang papalapit siya ay napansin niya na may kasama pala ito sa mesa. Mataas ang pagkakapusod ng kulay asul na buhok ng babae na nagpapaalala sa kanya ng mga animé character—

Naningkit ang mata niya. Was Mac cheating on his wife?

Nang tuluyan na siyang makalapit sa mga ito, nakahinga siya ng maluwag nang makita na si Willow lang pala ang kasama nito sa mesa. Naka-headset si Willow at abala sa pagdo-drawing ng comic strip nito sa ibabaw ng isang clipboard. Nakakalat sa mesa ang iba't ibang ballpen, mga marker, at maging ang cellphone nito, habang si Mac naman ay prenteng-prente sa pagkakape nito.

"Pare," aniya nang makarating sa tapat ng mga ito. Saka lang nag-angat ng tingin si Willow mula sa ginagawa.

"Hey, boss."

He smirked and playfully pushed her headphones down. "Blue talaga? Kailan pa 'yan?"

"Nung isang gabi lang."

"Broken hearted ka?" aniya matapos maupo sa tabi nito.

Nakasimangot na ibinalik nito ang headphones sa dating pwesto. Sa lakas ng naririnig niyang pagpapatugtog na ginagawa nito sa headset nito, hindi na siya magtataka kung bago pa ito umabot ng edad na sikwenta ay bingi na ito. Napailing na lamang siya bago tumingin kay Mac. "Let me guess, hitting two birds in one stone?"

"You know me well, Ledge. Yeah. Mababantayan ko na itong si Willow mula sa mga college boys na umaaligid sa kanya, and I get to meet you as well."

"Pano mo nalamang andito 'yan?"

"Twitter."
"May time ka pa para magbasa ng twitter?"

Mac grinned. "You have no idea. By the way, tungkol ba saan yung pag-uusapan natin? May hearing lang ako in an hour kaya baka hindi rin ako magtagal."

"Nope, this'll just be quick." Ikinuwento niya rito ang tungkol kay Cerise, sa late fiancé nito, at sa ginagawang imbestigasyon ni Edsa. Tahimik lang na nakinig sa kanya si Mac. Nang matapos siya ay saka lamang ito nagsalita.

"We've tracked and closed down a couple for women, there's one on children too, but a male sex den is something I really haven't heard of, lalo na 'yang ganyan na they are very choosy of the victims. It's either a new syndicate, or they are really good people involved – papalit-palit ng lugar, ng contact, at mataas magbigay ng suhol para sila pagtakpan. And Cerise is correct, wala pa kaming available na expert sa dark web, but I can have someone learn it for you."

"Thanks, man. I know I can count on you."

"No prob, man. Although I'd rather you leave the investigation to us, or even kina Armie, para hindi malagay sa panganib yung buhay ng mga tao n'yo. Mukhang may malaking tao na nasa likod niyan, kaya mabuti nang nag-iingat. Pwede naman kayong sumama sa entrapment operation, halimbawang may makuha nang warrant at sapat na mga ebidensya. And I can also assure you that it will be your exclusive story, if that's what you guys are really after."

"Believe me, I've tried convincing Cerise to follow police procedures pero... It's become too personal for her, kaya hindi ko siya masisi."

"Personal kay Cerise kaya personal na rin sa 'yo? At pare ha, ito yata ang unang beses na hiningi mo ang tulong mo. 'Yan na ba ang bagong style ng panliligaw mo, Ledge?"

"Tarantado—"

"Dati pa naman n'ya gusto si Cerise," sabat ni Willow na iniangat pa ang kanang bahagi ng headphones nito. "Ayaw lang niya aminin, dinadaan kasi lagi sa asar. Which is so high school, if you'd ask me."

"High school? Ito Elementary," Kumuha si Ledge ng isa sa mga marker sa ibabaw ng mesa at umakto siyang do-drawing-an ang pisngi ni Willow habang tatawa-tawa naman itong umiiwas sa kanya. Nahinto lang siya sa ginagawang pang-aasar ng biglang na-vibrate ang mesa nila.

"Zankoku na tenshi no you ni! Shounen yo shinwa ni nare!"

Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa cellphone ni Willow na nasa ibabaw ng mesa.

"Akala ko kung bakit may Hapon na kumakanta—"

"Wait lang, tumatawag si Edsa," ani Willow nang kuhanin ang cellphone nito at sumenyas na lalabas ito ng coffee shop. "Hey, Eds! Kasama ko boss natin—Cheryl? Anong nangyari? Bakit?"

Sa tono pa lang ng boses ni Willow ay nagkatinginan na sila ni Mac, bago sabay silang napatingin kay Willow. Nakakunot-noo ito at parang hindi maunawaan ang sinasabi ng kausap. Napatingin siya sa oras. Past 3PM pa lang. Ano'ng kaguluhan sa opisina na kinailangan pa tawagan ni Edsa si Willow?

"No, no, no, no, no!" Willow sat down abruptly, disbelief on her eyes. "That can't be her. Tumawag pa siya sa 'kin kanina. No. That can't be true. Hindi siya 'yon, I'm-I'm sure..."

Inakbayan niya si Willow. "Hey. What's wrong Wil?"

Paiyak na si Willow nang humarap sa kanya. "Si Edsa, Kuya Ledge..." Sinubsob nito ang ulo sa dibdib niya at hinayaang bumagsak sa mesa ang kamay nitong may hawak na cellphone.

"Willow Fey, ano'ng nangyari? Tell us para magawan natin ng paraan," si Mac naman ang nagsalita.

"Si Edsa... S-She's d-dead!" anito sa pagitan ng paghikbi. "M-May b-bumaril daw sa kanya na riding-in-tandem. D-Dead on arrival. Siya. Sa h-hospital. Kuya Ledge... Kasalanan ko ba... Kung bakit siya namatay? Kuya Ledge!"

The Queen of Heralds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon