Part Three: Love and Hate for Edsa

3.3K 104 0
                                    


TOTALLY out-of-way para kay Ledge na sunduin pa si Edsa sa bahay nito sa Pembo, Makati bago sila tumuloy sa Sta. Cruz, Manila, kung saan naroroon ang two-story building na headquarters ng The Philippine Herald. Ngunit dahil si Willow ang nakiusap, automatic "Oo" ang sagot niya.

"Is your mom okay?" tanong ni Ledge kay Edsa habang minamaniobra ang Ford SUV niya sa may kasikipang kalsada sa bahaging iyon ng Makati. Nakaupo ito sa likod ng sasakyan, habang nasa passenger's seat naman si Willow. He could not help but ask, dahil kahit sobrang payat na ng nanay ni Edsa ay nagawa pa rin nitong ihatid sa labas ng bahay ang anak nito, at magsabi ng pasasalamat sa kanya dahil pinayagan niyang magtrabaho si Edsa sa dyaryo niya.

"Hindi po, sir," sagot sa kanya ni Edsa. Sinulyapan niya ito sa may rearview mirror, ngunit hindi ito nakatingin sa kanya. Nakalingon pa rin ito sa nanay nito na nasa harap ng bahay ng mga ito at inaalalayan ng isa sa mga apo nito. "May problema po siya sa kidney."

"Glomerli—something?" ani Willow na nilingon pa si Edsa.

"Glomerulonephritis."

Humarap sa kanya si Willow. "Ayaw niyang pasabi sa inyo 'yan nung una. Ayaw daw niya kasing dahil lang sa awa kaya—"

"I doubt if the word 'awa' is in Cerise's dictionary," putol ni Ledge sa sinasabi ni Willow.

Sabay na tumawa ang dalawang sakay niya.

"Seriously," patuloy niya, "Kung sinabi mo man ang tungkol sa family mo during the interview, I don't think it would matter much. The paper would hire you for your competencies, not because of your family's story," aniya, sabay kibitbalikat. "But of course, you saving this weirdo artist sitting beside me—" Willow scrunched up her face and stuck out her tongue at him, "Earns you far more brownie points than other applicants."

Nasulyapan niya sa rear-view mirror ang sunud-sunod na pagtango ni Edsa. "Yes, sir. Tinatanaw ko pong malaking utang na loob kay Willow na tinulungan niya akong makahanap ng trabaho, lalo na ang makapasok sa Herald. Salamat po talaga."

"You're welcome, Edsa," aniya bago kinindatan ito sa may rear-view mirror. He cleared his throat and asked, "Bakit ka nga pala ipinangalan sa kalsada?"

Sabay muling napatawa sina Edsa at Willow sa kanya. Si Willow ang sumagot sa kanya. "Na-love at first sight kasi ang parents niya nung nineteen eighty-six EDSA Revolution."

"Love in the Time of Revolution," he said as he drummed his fingers onto the steering wheel. "Ang lakas maka-Gabriel García Márquez," tukoy niya sa nagsulat ng nobelang 'Love in the Time of Cholera'. "Gawan mo nga ng kwento sa strips mo, Willow."

"Kayo ni Cerise ang gusto kong gawang ng kwento sa comic strips ko, kaya lang baka ma-terminate ako bigla."

He smirked. "Kami ni Cerise?" Tiningnan niya mula sa salamin si Edsa. "Edsa, bagay ba kami ni Cerise?"

Saglit itong tumahimik bago siya sinagot. "Physically, sir, yes. You and Miss Cerise are two of the most beautiful people I've ever seen. Although no offense, sir, kapag kayo nagkatuluyan, parang pinilit n'yong pag-asawahin ang isang polar bear at isang camel."

Napuno ng tawanan ang kotse niya sa sagot ni Edsa.

---

IT WAS Edsa Crebillo's first day at work, and Cerise knew she was already given assignments by Lemuel, her editor sa hard news. Ibinilin niya kay Lemuel na tambakan si Edsa ng trabaho, yung tipong hindi na nito malalaman kung paano hahatiin ang katawan nito. Yung kulang na lang ay paghiwa-hiwalayin nito ang katawang lupa, kaluluwa, hanggang pati konsensya nito para lang matapos ang deliverables for the day.

The Queen of Heralds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon