Part Twenty: The Queen's Knight

2.7K 93 1
                                    

KINAGAT ni Cerise ang pang-ibabang labi ng mariin. Kumikirot ang dibdib niya sa narinig. Pinigilan niya ang sariling tumakbo sa taas at puntahan si Ledge. She owed him her life. Magpapaalam na sana siya kay Armie nang may bigla siyang maalala. "Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina tungkol kay Ruffy Olis?"

"Ah. Si Ruffy Olis, na ninong pa ni Ledge sa binyag, ay isa sa mga benefactor ng sindikato. Siya ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Edsa Crebillo, sa panggugulo sa condo mo, pati na rin ang pagtatangka sa buhay mo."

That good for nothing son-of-a-bitch. I knew there was something wrong with that old man! She suddenly remembered her conversations with him, on how he would sometimes try to pry about Edsa's assignment. At nakasalubong niya ito sa Herald office noong araw na pagtangkaan siyang barilin sa Starbucks! Mariin niyang ikinuyom ang mga palad. "Nand'yan ba sila sa labas?"

Umiling si Armie. "Nasa Crame na sila. At 'wag mo nang sayangin ang lakas mo sa mga taong 'yon. Justice will be served to them. Ang isipin mo, si Ledge. Biruan nga namin, nag-prosti siya, ma-solve lang ang kasong 'to." Nangingiting sabi nito, bago umiling-iling. Mayamaya ay sumeryoso na ito. "Traumatic yung pinagdaanan ni Ledge ngayon gabi, so thank you for taking him in."

She closed her eyes, filled her lungs with air. She exhaled loudly and opened her eyes again. "Andami-dami na niyang naisakripisyo at naitulong sa 'kin."

"He's a good guy. 'Wag mo nang pakawalan."

Napamaang siya sa sinabi ni Armie ngunit hindi na siya nakapagsalita pa dahil bumaba na sina Mac nang hagdan. Sabay silang tumayo ni Armie. "Thanks, Armie," she said as she offered her hand, ngunit sa halip na makipagkamay ay niyakap siya nito.

"Take care of Ledge," bilin nito sa kanya.

Tumango siya, bago nakipagkamay at nagpasalamat din kay Mac.

Inihatid pa niya ang mga ito hanggang sa gate bago malalaki ang hakbang na pinuntahan niya ang kwarto ni Ledge. Halos takbuhin niya paakyat ang hagdan. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto ni Ledge ay huminga muna siya ng malalim bago binuksan iyon.

She saw Ledge still wearing a straitjacket, but with each hand and foot tied at the four corners of the bed. Tiningnan siya nito at mukhang nagmamakaawa. Agad siyang lumapit sa tabi nito. Pawis na pawis ito habang pinipilit nitong magsalita ngunit hindi niya maintindihan ang gusto nitong sabihin dahil sa nakatakip sa bibig nito. Panay ang galaw ng katawan nito as if writhing in pain, then he'd do hip thrusts on air.

"Ledge..." Naiiyak na hinaplos niya ang mukha nito. Pumikit ito ng mariin at idinikit pang lalo ang pisngi nito sa palad niya. She bit her lip and removed the silver tape covering his mouth.

"Cerise... Please... Help me... It hurts... It hurts like fucking hell... Cerise... Please..."

"W-What do you want me to do?"

"Untie me... Please... It feels like a thousand needles on me... Cerise..."

Kagat-labi niyang tiningnan ang kabuuan ni Ledge. Ang pag-aalala nito sa kaligtasan niya ang puno't dulo kung bakit nangyayari ito ngayon. Kaya bakit niya kainakailangang magdalawang-isip sa pagtulong dito? What's the worse thing that could happen to her? This guy risked his life, his pride, his masculinity, for her.

She took a deep breath and started to remove the straps that held Ledge's feet. Pagkatapos ay sinunod niyang tanggalin ang pagkakatali ng kaliwang kamay nito. His free hand immediately wandered around her body. Pumasok agad iyon sa loob ng pang-itaas na suot niya at mariing pinisil ang kanang dibdib niya. Napaungol siya at bahagyang napatigil sa ginagawang pagkalas ng natitirang tali nito.

Nang sa wakas ay matanggal na niya mula sa pagkakatali ang kanang kamay ni Ledge, nagmamadali nitong inilabas ang isang kamay na kanina ay abala sa paglalaro ng dibdib niya. Sinapo ng mga kamay nito ang magkabilang pisngi niya.

"I love you, Cerise," pagkasabi noon ay hinalikan siya nito sa labi ng mariin.

The Queen of Heralds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon