Part Fourteen: Ledge's Anger

2.4K 80 0
                                    

"WH-WHAT THE HELL—" Iniikot ni Cerise ang tingin sa loob ng coffe shop at nakita ang ibang mga kostumer na nakatago sa ilalim ng mga mesa, ilan ay nakadapa, at ilan ay tarantang tumatawag sa cellphone.

Lumingon siya sa gawi ng pintuan at naabutan pa niya ang gwardiya na nakatutok ang baril sa kalsada. Basag ang kalahati ng pinto ng Starbucks pati na rin ang salaming dingding nito.

"M-Ma'am, okay lang po ba kayo?"

Saka pa lang niya na-realize na nakapatong pa rin siya sa barista na nagligtas ng buhay niya. "Y-Yes, I'm okay.." aniya bago itinuon ang magkabilang kamay sa sahig para itayo ang sarili, ngunit bumigay ang kaliwang kamay niya. Nang tingnan niya ang kaliwang balikat ay nakita niya ang pagdurugo noon.

"Ma'am, may sugat po kayo," anang barista sa kanya na inilalayan siya sa pag-upo.

"I—I guess..." wala sa loob na napahawak siya sa kaliwang balikat. The left side of her shirt was already getting soaked in her own blood.

Saka pa lamang nagsipaglapitan sa kanya ang mga tao sa loob ng coffee shop.

"Oh god, is she alright?"

"May tama yata siya!"

"Sino'ng marunong sa first aid?"

Umakto siyang tatayo at agad naman siyang inalalayan ng barista. "Kaya n'yo na ba, Ma'am?"

"I... I owe you my life..." mahina niyang sabi dito. Tinignan niya ang nameplate nito. "Thanks ha, JC."

"Ahm..."

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Cerise!"

Napalingon siya sa direksyon ng pintuan. She knew the voice too well.

"Ledge?" Bigla siyang nakaramdam ng takot sa galit na nakita sa mukha nito.

"What the fuck were you thinking Cerise!" pasigaw na sabi nito na ikinatahimik ng lahat, maski ang baristang si JC ay bahagyang napaurong at tinanggal ang kamay nitong umaalalay sa kanya. "Why did you leave the office without your close-in? Look at you! You could have died dahil sa tigas ng ulo mo!"

"Y-You don't need to shout," kalmado niyang sabi. Ayaw na niyang sabayan ang galit nito. Nakita niya sa likuran nito sang security guard ng Starbucks at si PO3 Khadusali na mukhang sinisisi ang sarili sa nangyari. "This guy here saved me." Aniya na ang tinutukoy ay si JC. "I only got a minor wound. Should I pay for the damages in their shop as well?" Wala sa loob na sabi niya. She wanted to say something— anything. Hindi niya matagalan ang itsura ni Ledge at ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya.

"Fuck the damages. I'm bringing you to the hospital." Pagkasabi ni Ledge noon ay yumuko ito at binuhat siya mula sa sahig. "Khadusali, tumawag ka ng taxi." Agad naman itong sumunod sa utos ni Ledge.

"K-Kaya kong lumakad!"

"NO." Mariing sabi nito na hindi pa rin maipinta ang mukha. "The last time you wanted to do something on your own, you ended up here with a gun-shot wound."

She bit her lip and chose to keep her mouth shut this time.   

--

THE DOCTOR that attended to Cerise stitched-up her wound, got her an anti-tetanus shot, gave her medicines good for a week, and told her she can go home already. Binigyan siya ng schedule ng follow-up schedule next week, kasabay na rin daw ng pagtanggal ng tahi ng sugat niya.

Sa buong oras na tinagal niya sa ospital ay hindi umalis si Ledge sa tabi niya, na kulang na lang ay pati sa CR ay sumama ito sa kanya. Ilan nga sa mga nurse ang kinikilig dito, saying how sweet he was as a boyfriend. Kapag tinatama naman niya ang mga ito at sinasabing boss niya si Ledge at hindi boyfriend, napapatanong ang mga ito kung saan siya nagtatrabaho at kung may opening pa daw sa kanila. May isa pa ngang humirit na willing daw itong ialay ang dalawang kalabaw nila sa probinsya, mabantayan lang ni Ledge kapag may sakit siya. Lahat nang iyon ay tahimik lang na pinakinggan ni Ledge. Paminsan-minsan ay ngumingiti ito, pero mas madalas itong seryoso. Maski tuloy siya naiilang na kausapin ito.

Ngunit nang hanggang sa makarating sila sa bahay nito ay tahimik pa rin ito, hindi na niya pinigilan pa ang sarili. Bago siya tuluyang umakyat ng hagdan, hinarap niya ito bigla at pinamewangan.

"You know what, Ledge, ako 'tong may sugat at muntik nang mamatay, pero ikaw 'tong moody at hindi makausap ng maayos. Ano bang problema mo? Galit ka pa rin ba? I said sorry na kanina, 'di ba?"

Tiningnan lang siya nito bago nilagpasan siya sa pag-akyat ng hagdan.

What the hell? She wanted to scream. Can't Ledge just be thankful that she is alive and all that she had was a grazed shoulder? Nakaawang ang mga labi niya habang sinusundan ng tingin si Ledge na naglakad paliko at papasok sa kwarto nito. The never of the guy to just ignore her like that!

Padabog siyang umakyat ng hagdan. Kung nagkataon lang na hindi matibay-tibay ang hagdan ng mga ito, baka lumusot na ang paa niya doon sa bigat ng mga hakbang niya.

Padabog din niyang binuksan at isinara ang pinto ng kwarto niya. Napabuga siya ng hangin. Saan kaya nagsuot sina Nikita at Scarlett? She needed cat hugs right now.

Nakakailang hakbang pa lamang siya mula sa pinto nang may kumatok doon. She smirked and imagined Ledge on the other side of the door, wanting to say sorry. Binuksan niya ang pinto. Tampo-tampo ka pa, hindi mo rin naman pala ako matitiis

"Yung 'bag n'yo daw ho, Ma'am Cerise," ang kasambahay na si Manang Perly ang napagbuksan niya.

Pinilit niyang ngumiti rito. "Uhm, thanks. Pakilagay na lang sa ibabaw ng kama," she said nodding at the direction of the bed.

Sinunod naman siya nito. Nang maibaba na nito iyon sa kama niya ay nagtanong ito kung may iba pa siyang kailangan. Nang umiling siya ay lumabas na ito ng kwarto niya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bag. Hindi niya pinansin ang 32 missed calls at 57 messages niya. Sa halip ay in-open niya ang music app nito at itinodo ang volume. Ibinaba niya ang cellphone sa tabi.

Hinubad niya ang sapatos gamit lang ang kanang kamay. Sunod niyang inalis ang blouse sa pagkaka-tuck in at sinimulang isa-isang tanggalin ang pagkakabutones nito. Hindi pa niya kasi magamit ng maayos ang kaliwang kamay niya nang hindi sumasakit ang sugat niya sa balikat.

"The perfect words never crossed my mind 'cause there was nothing in there but you," Gary Lightbody of Snow Patrol sang her all-time favorite rock song 'Signal Fire.' Naki-duet siya dito, sa halos pasigaw nang boses, "I felt every ounce of me screaming out, but the sound was trapped deep in me. All I wanted just sped right past me, while I was rooted—"

Napasigaw siya nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa noon si Ledge. He froze on the spot and stared at her. Saka lang niya na-realize na nasa dulong butones na ang natanggal niya. Napatakip siya ng sarili.

The Queen of Heralds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon