Part Fifteen: Signal Fire

2.3K 88 0
                                    

NAKITA ni Cerise na animo napahiya si Ledge at tumalikod sa kanya. 

"I—I was just about to give you your meds. Naiwan pala sa 'kin," anito na itinaas pa ang mga gamot na binili nila kanina.

"Hindi ka ba kasi marunong kumatok?" Pasigaw niyang sabi rito.

"Kumatok ako. Ikaw ang hindi marunong makinig."

She rolled her eyes at his remark. Nang akto na itong lalabas ng kwarto niya ay nataranta siya. "Wait, Ledge," pigil niya ito. Huminto naman ito sa paglabas ng kwarto niya ngunit hindi pa rin humarap sa direksyon niya. "Nandito ka na rin lang, ilagay mo na 'yang gamot ko dito sa kama."

Tumaas ang mga balikat ni Ledge, mukhang huminga ng malalim. Pumihit ito at tahimik na naglakad papunta sa kanya.

Gary Lightbody continued singing, filling in the thick silence inside her room. "There you are standing right in front of me. All this fear falls away to leave me naked. Hold me close, 'cause I need you to guide me to safety—"

Inilapag ni Ledge ang mga gamot sa bandang paanan ng kama, halatang iniiwas ang tingin sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at ini-off ang music player noon.

"Ledge."

"Yes."

"Tulungan mo 'kong maghubad."

Saka lamang ito napatingin sa kanya. Tinitigan siya nito na parang naninigurado kung tama ba ang narinig nitong sinabi niya.

Bumuntunghininga ito. "I'll call Manang Perly."

"Ikaw ang inuutusan ko."

"Is this your idea of torture?"

"Nagpapatulong lang ako sa 'yo magpalit ng damit. How is that torture?" Patay-malisya niyang tanong.

Napatiim-bagang ito. May lagpas isang minuto rin ang lumipas bago ito naglakad papunta sa kanya. Binitawan niya ang pagkakakipkip ng suot na damit.

Ledge's hands reached to finish unbuttoning her polo-blouse. She was looking up to him, but his eyes avoided hers. Nang matapos ito ay ubod ng ingat nitong hinubad ang damit mula sa mga balikat niya. She saw his gaze linger on her left shoulder, with its medical gauze and patches of blood still peeking through. He carefully lifted her left arm and slid-off the sleeve. Kung gaano ito kaingat sa kaliwang braso niya ay ganoon din ito sa kanang braso niya.

At dahil tanging bra na lamang ang natitirang saplot niya na pang-itaas, halatang-halata ang pagbilis ng paghinga niya. Napahigit pa siyang lalo ng paghinga ng hawakan siya ni Ledge sa bewang at iginiya siya nito para tumayo.

Halos isang dangkal lang ang layo ng mga katawan nila. Lalong bumilis ang paghinga niya nang unti-unting lumuhod si Ledge sa harap niya. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa dibdib niya, tiyan, puson, hanggang sa tuluyan na itong lumuhod sa sahig. Maingat nitong tinanggal ang butones ng pantalong maong na suot niya. She stopped breathing for a few seconds when Ledge got to unzip her jeans and with his two strong hands, gripped the jeans from waistline and slowly peeled them off her hips. Napahawak siya sa balikat ni Ledge para ibalanse ang sarili. Her thighs and legs quivered from his touch. When her jeans finally reached her ankles, Ledge lifted her one foot after the other. Tuluyan na nitong nahubad ang pantaong maong niya, at tanging underwear na lamang ang naiwan na nagtatakip sa katawan niya.

She felt gasping for air when she saw Ledge's eyes were fixated in front of her black lace panties. She waited for his next move. Ano ba pa ba ang gagawin ng isang lalaki kapag nasa harap ito ng isang babae na tanging underwear na lamang ang suot?

Her heart was beating too fast when Ledge finally stood up and met her gaze. Then all of a sudden, he turned around and walked away from her. Her jaws dropped as she saw him walk towards the door, turn its knob, and get out of her room without looking back at her.

Pabagsak siyang napaupo sa kama niya. Malakas siyang napabuga ng hangin. Seryoso? Iniwan lang talaga ako ni Ledge nang ganito ang itsura ko? Is he effin' serious?

Parang gusto niyang matawa na mainis na maiyak sa nangyari. Siya 'tong matapang na naghamon, pero siya pa ngayon ang naiwang talunan.

The Queen of Heralds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon