Matapos ang gabing iyon, kamuntikan na akong 'di makapasok sa school. Ayaw na kasi sana akong papasukin ni dad, ako lang 'yung mapilit haays.
Kakagising ko lang at paalis na ako ng dormitoryo. Sa 'di kalayuan, natamataan ko si Hennecy na naglalakad mag-isa.
Ilang araw na akong nag aaral sa paaralang ito at next week na ang festival. Nakalimutan kong sabihin kay dad ang tungkol do'n dahil sa nangyari kagabi. And I'm pretty sure mas lalo 'di niya ako papayagan.
I called out her name but it was inaudible. Ang ingay kasi dahil sa mga estudyanteng sabay-sabay na nagsasalita.
Hinabol ko siya at nakikipag siksikan sa mga estudyante sa hallway.
Tinawag ko ulit siya. Narinig naman niya siguro ako dahil napahinto siya pero . . . hindi niya ako nilingon.
Napahinto ako nang masilayan ang mukha ni Seve ng gumalaw ng bahagya si Hennecy. Kaya pala siya huminto dahil nakasalubong niya si Seve pero ba't parang ang ganda ng pag uusap nila? Seve was cold after all? Ni-hindi ko nga makausap siya ng maayos dahil sa sobrang cold niya dito sa school. Halos sa Club na lang namin kami nagkikita at kahit do'n parang ayaw din niya akong kausap. Kaya nakapagtataka lang na parang sarap na sarap siya sa pakikipag-usap kay Hennecy.
Humanap ako ng pwede kong pagtaguan. Sa isang katamtamang laki na halaman ako nag tago. Hanggang baywang ko lang ito kaya umupo ako. Kahit 'di ko rinig ang pinag-uusapan nila, I squeezed my eyes half para i-lip read si Seve.
'May pera ako dito sa pitaka'. Ha? Ba't naman niya inaalok ng pera si Hennecy?
Ha? Ano raw? Ang bilis niya mag salita 'di ko masyado malip-read. Teka isa pa nga.
Hmm, 'Ang gan-da ni Klea?'.
HAHAHA ayiie. Alam ko naman 'yon Seve! 'Di mo na kailangang ishare. Parang tanga 'to.
"Klea?" Isang boses ng lalaki ang gumulat sa akin.
"ANG GANDA KO!"
Nilingon ko siya.
"Jusko naman Sir! Aatakihin naman ako sa puso eh!"
"Uhm, anong ginagawa mo riyan?" Tanong niya.
Tumayo ako na parang walang nangyari. Chin up, stomach in, butt out. Ngayon nag mukha na akong pato. -_-
"Wala." I smiled.
A frown of confusion marred his forehead at ibinaling ang tingin sa dako nina Henney at Seve.
"Aahh ok. Nagtatago ka no?" Panunukso niya.
"Huh? Ako nagtatago? Ba't naman ako magtatago. Like duh? Ako? Tss." I rolled my eyes.
"Eh anong ginagawa mo d'yan kung 'di ka nagtatago? Ha?"
"Ano. Uhm, naghahanap ako ng gagamba."
Napatawa siya ng mahina. "Walang gagamba d'yan. Aanhin mo ba?"
"Educational purposes. Bakit ba? Ano bang pakialam mo?" Singhal ko sa kanya.
"I'm your teacher." He spread his arms wide.
Kainis talaga 'to. Palagi na lang niyang dinadahilan na teacher ko siya. Ni-hindi man lang ako makaganti ng mga pasaring niya.
"Aalis nako. Excuse me." Ika ko sabay alis.
"Teka! 'Di d'yan ang exit!"
"Alam ko!" Sagot ko sa kanya.
* * *
BINABASA MO ANG
VSU (On-Hold)
VampirgeschichtenVampire State University. A school located somewhere inside your dream. A school where every blood-sucking beast became one with human beings. In a world where darkness and hatred almost overcome light, and seemed giving up is the only way to surviv...