Featured member: HannahRedspring
Contributed by: Lilsaint25
Q: Tell me about your story?
A: *hinga malalim*
Tatagalugin ko nalang, kinakabahan ako gosh!!!
Kwento ito ng magkakaibang tao, sa totoo lang lahat ng nakasama sa CASTING ay bida. Ang ibig sabihin ng L.I.F.E ay Love, Infatuation, Friendship and Exploitation. Actually lesson namin yan nung highschool ako.
Mahirap maghanap ng title para sa right genre ng story at sa story ko, oo may pagka-cliche kasi anjan ang Romance pero hinaluan ko ito ng Slice of Life. Nung nadiscuss sa class namin ang mga role ng tao sa buhay ng ibang tao, jan lumabas ang ibig sabihin ng LIFE, at voila may title na ako sa gusto ko maging story.
Kwento ito ng 13 na tao. (oo lahat sila ay bida sa story na'to kasi ayaw kong magfocus tayo sa story ng isang tao lang. Sa natural na buhay natin, lahat tayo ay bida, iba't iba lang ang roles, pero bida tayong lahat.)
13 na magkakaibang tao na gaganap sa buhay ng ibang tao, kung ano ba sila, bakit sila ganun; lahat tayo may back story kung bakit tayo 'kung sino tayo ngayon' agree ba kayo?
Alam mo ba kung anong role mo sa buhay mo? Eh sa buhay ng ibang tao, alam mo ba kung gaano ka nakakaapekto sa kanila?
Ayun, heto po ang pinaka-backbone ng story ko. *bow*
Oh, BTW, trivia lang, I tested doing a manga version of this, kaya lang tamad ako---mali tinamaan ako ng katamaran. Ayun. kaya naging light novel nalang po ang dating nito. [Actually makikita niyo'to sa pinaka-unang part, yung Author's Note Taglish Section]
Q: Sino or Ano ang nagtulak sayo para gawin ang L.I.F.E?
A: Sino at Ano ang nagtulak sakin para gawin ang L.I.F.E, actually ang mga tao sa paligid ko; some good friends and of course my family, plus the fact na gusto ko sana balang araw maging Anime ang story ko na'to. AYUN. Pero dito muna ako sa wattpad.
Q: Inspirations mo sa story?
A: Personal experience in real life mapa-first person or 3rd person. Basta involved ako.
Q: Bakit English ang ginamit mo instead of Filipino/Tagalog? Hindi ka ba nagworry na baka walang magbasa ng story mo, lalo na sa mga Filipino Readers?
A: Iniisip ko i-taglish ang story ko sa una, default kasi sa wikang ingles ang story ko na'to since nung sinulat ko 'to sa kadahilanang gusto ko makilala ito hindi lang ng Filipino readers. Isa pa, gusto ko nga maging Manga or Anime ang story na'to. (Ambisyosya lang ang peg ko pero SANA. <3)
Anyway English is our international language, hindi din naman ako gumamit ng mala-shakespeare na words noh ^_^V
Tsaka hindi naman language ang basehan eh, yung content ng story ang mahalaga. ^_^
Q: Ano naging pakiramdam mo nang makatanggap ka ng first vote and comment sa story mo?
A: Motivated, lalo na kapag yung comment ni readeray kulang nalang at ibuod niya ang nangyari sa isang chapter---nakakaoverwhelm yun. Ayun, mas ginaganahan ako kapag nakakakita ako ng comments, lalo na kapag yung comments ay regarding sa typo or grammatical error--kasi di naman ako perfect na tao, syemre RAW pa yan kasi wala pang edit edit.
Q: Ano yung reaction mo kapag nagcocomment ng "Nosebleed" sa story? How do you deal with it? Same goes to criticism? Constructive and destructive?
A: Nosebleed, nung una kakatampo lang, I mean, ayaw ko maging harsh, pero ganun ba sila nahirapan sa language? Masyado bang mahirap unawain ang English? Pero habang tumatagal naisip ko nalang na yan ang mga readers na gusto lang magparating na nagcomment sila. AYUN.
About sa critiques, generally on both sides constructive and destructive---sabihin na nating sensitive ako, as in. Syempre matagal ko na sinulat ang story na 'to at alam kong kinakalawang na ang utak ko plus nagwowork pa ako. Minsan I consider a critique's way of writing his/her feedback, yung iba kasi pabara bara lang eh. Lam niyo yun? Yung dapat makatulong ka, pero mas nakaka-down.
Looking at the bright side, narerealize ko din na it's their way of helping you out. Kaya nga critiques eh. Tulad nga din ng sinabi ko, wala pang edit edit ang story ko, hilaw pa yan kung igragrade nila via grammars and typos. Ang pinaka gusto ko lang maunawaan nila ay ang kaganapan sa bawat update. *bow*
Q: Message mo para sa authors na gustong gumawa ng story in English?
A: Pwede ba ako magmention ng mga Filipino authors na nagsusulat din ng english tulad ko? Sina @youngbloodprincess @alem0007 @eryxmyrthillus at @thetheatrefloor lang ang friends ko sa watty na nagsusulat din ng english novels...at ang masasabi ko sa kanila---keep up the good work guys!!! Keep inspiring!!!
Sa mga filipinos na nagsusulat ng english stories---I salute you, really. You guys inspire me, you point out my strengths and weakness sa writing and I thank you for helping me :)
Q: Words of encouragement para sa lahat.
A: Para po sa lahat, keep up writing and inspiring people!!! Don't ever give up sa story na nasimulan niyo na. Have yourself a notebook or soft copy para hindi ninyo malimutan ang story ninyo. [Based on experience]
> 'Write to express, not to impress.' Oo common na yan, pero I'd say it any other way, like most authors do.