Title: Helpful Tips for Writing a Good Short Horror Stories
Contributed by: Averruncus
Sasali ka sa contest. One-shot. Three thousand words ang limit or mas mababa pa don. Ngayon, anong gagawin mo?
Ano ba ang story goal mo? O 'yung tungkol saan ba ang ikwekwento mo? Wala ka pang maisip? Hmm. . . Maraming paraan para makahanap ng idea. Maaring kapag nasa banyo ka, habang naliligo or simpleng nagbabawas lang. Pwede ring habang nagluluto ka o kaya nama'y may nasaksihan kang pangyayari. Ang pinakamalala diyan ay 'yung gusto mo nang matulog pero ang utak mo ang kulit, ayaw pa magpahinga.
Sabi ni Stephen King ay mayroong tatlong uri ng terror:
1. The Gross-out: the sight of a severed head tumbling down a flight of stairs, it’s when the lights go out and something green and slimy splatters against your arm.
2. The Horror: the unnatural, spiders the size of bears, the dead waking up and walking around, it’s when the lights go out and something with claws grabs you by the arm.
3. The last and worse one: Terror, when you come home and notice everything you own had been taken away and replaced by an exact substitute. It’s when the lights go out and you feel something behind you, you hear it, you feel its breath against your ear, but when you turn around, there’s nothing there.
So, halimbawa ay mayroon ka ng naisip na ikukuwento katulad nito: Ginahasa ang babae at pinatay.
Paano mo iyon ilalahad? Tutulungan kita sa apat na madaling paraan. ICCR lang yan: INCITING EVENT, COMPLICATION, CLIMAX AND RESOLUTION.
Inciting event ito ay kung baga sa nobela ito ay 'yung prologue or chapter one. Ito ay ang unang mababasa ng judges kaya kailangang makuha ang kanilang atensiyon at mabigyan sila ng gana magbasa.
Ito ay ang pinakamadaling halimbawa:
Patuloy siya sa pagtakbo, kahit isang beses ay hindi siya lumingon sa kanyang likuran dahil sa takot ay baka nasa kanyang likuran lang ang lalaking iyon. Kung bakit ba kasi late na siya umuwi 'di sana hindi nangyayari ito sa kanya. Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa mga luha na dala ng kanyang nararamdaman habang patuloy na binabagtas ang makahoy na daan patungo sa kanyang dormitoryo. Napatid siya subalit hindi pa rin siya tumigil, natatanaw na niya ang mataas na pamilyar na gusali ngunit isang pigura ang tumambad sa kanyang harapan.
"Anong nangyari?" tanong ni Jenny habang nakikinig sa kwento ng kanyang boyfriend. Break-time nila ngayon at nakatambay sila sa ilalim ng puno ng sampalok kasama ang kanyang barkada.
"Ginahasa ang babae at pinatay ng jeepney driver. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang suspek," tugon ni Josh.
Napamura naman si Sophie sa kanyang isipan dahil sa kwentong iyon mula sa kanyang best friend. Gabi na kasi siya uuwi ngayon dahil may klase pa siya at wala siyang kasabay!
Sa inciting event na iyan maraming haka-haka na ang maiisip ng judges. Pwedeng si Sophie na ang next victim, or 'yung babaeng pinatay magpapakita sa kanya at hihingi ng tulong para magkaroon ng hustiya ang sinapit niya.
Pagkatapos ng inciting event na kukuha ng atensiyon ng judge o ng babasa ay isunod na ang conflict.
Ang conflict ay mga pangyayari na magpapabago sa mangyayari sa character or character ng story. Sa story na ginawa kong halimbawa, maraming paraan para magkaroon ng conflict:
