Sino nga ba ang pumapatay? Multo o… demonyo?
“Tigilan mo na ako! Parang awa mo na!” Sigaw ni Nikki habang tumatakbo na parang may humahabol sa kanya.
Hingal na hingal siyang pumasok sa kwarto at mabilis na sinarado ang pintuan. Nanginginig siya sa takot at tagatak ang pawis niya sa buong katawan. Maya maya ay napasigaw siya nang may malakas na kumatok sa pinto.
“Tigilan mo na ako! H-hindi ako ang pumatay sayo!” Nauutal na sigaw ni Nikki na halos nagmamakaawa na. Biglang tumigil ang tunog ng katok ng pinto. Tahimik ang nangibabaw sa buong bahay. Napahinga siya ng maluwag.
Akala niya ay tinigilan na siya nang unti unting bumukas ang pinto. Ni-lock niya ito di ba? Nanlaki ang mata niya sa takot at lumayo rito at pumunta sa kama at nagtakip ng kumot. Pumikit siya. ‘Panaginip lang to. Panaginip lang.’ Usal niya sa sarili niya.
Maya maya ay may naramdaman siyang may tumabi sa kanya. Napapikit lalo siya sa takot.
“Sinungaling.” Napamulat siya nang marinig niya ang malamig na boses nito. Pero… nagkakamali siya! Dahil…
Unti unti siyang humarap sa taong iyon pero sana hindi niya na ginawa yon dahil sinaksak siya nito sa kaliwang mata! Napasigaw siya sa sakit at nangisay ang buo nyang katawan sa gulat.
Napairit siya nang marahas nitong kinuha ang kutsilyo kaya napasama ang mata niya na nakaturok pa rin sa kutsilyo. Napaiyak siya nang naramdaman niyang umagos ang masaganang dugo mula sa mata niya. Tinakpan niya ito at pilit na lumayo sa kanya pero hinila siya nito sa paa at tinaga sa ulo kaya nanlabo ang paningin niya. Napangisi naman ang gumawa nito sa kanya at walang awang pinagputul-putol ang katawan nito kahit wala nang buhay. Nang natapos na siya ay pinunasan niya ang dugo sa mukha niya at tumawa nang napakalakas na parang gustung gusto ang nangyari. Ilang saglit ay tumigil na ito at sumilay sa mukha nito ang nakakatakot at misteryoso nitong ngiti..
---
Nagbabagang balita:
Isang dalaga ang natagpuang patay na nagngangalang Nikki Santiago sa bahay nito. Napakamaselan ang pagkamatay nito dahil wakwak ang tiyan nito at ang ibang bahagi ng katawan niya ay putul-putol na. Nawawala rin ang isa nitong mata at labas pa ang utak nito sa kaliwang bahagi ng ulo niya. Napagdesisyunan na lamang ng media na huwag ito ipakita sa publiko. Napag-alaman ng mga pulis na may pumatay sa dalaga pero hindi alam ang motibo. Hanggang ngayon ay pinag-hahanap ng pulis ang pumatay pero walang ebidensya na ginamit sa pagpatay ang dalaga.
Napaiyak na lamang ako sa nakita kong balita. Si Nikki… patay na?
Nanginginig na kinuha ko yung cellphone at tinawagan si Harvey. Ilang ring lang ay sumagot na ito.
“Oh Summer, napatawag ka?” Bungad niya sa tawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/24210814-288-k607445.jpg)