Entry #5: Dilusyon by WriterInTheDark

42 3 0
                                    

Flashback:

Hija?” nakita ko kung paano tumitig sa akin si papa. Doon ko unang nakita ang nag-aalab na tigin nya. Alam ko na, noon pa man na pinagnanasaan na nya ako. Minsan ay pasimple nya akong nahahawakan sa maselang bahagi ng katawan ko. Minsan naman ay nakikita ko ang titig nya na sobrang nakakatakot. Napansin ko na tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Nakalimutan ko, nakatapis nga lang pala ako dahil galing ako sa banyo.

A-ah, papa. Magbibihis po muna ako.” At tinalikuran ko sya. Kailangan kong magmadali. Inihakbang ko na ang paa ko pero bago pa ako makatapak sa hagdan, bigla nya akong hinawakan ng mahigpit sa braso. Doon na nagsimula ang pagkakaroon ko ng kaba. Mabilis na tumibok ang puso ko at agad nabalot ng takot ang buong katawan ko. Agad nya akong iniharap sa kanya. “Papa, a-ano pong gagawin—“ pero agad nya akong sinibasid ng halik na labis kong ikinagulat. Itinulak ko kaagad sya.

Bastos ka!” Tumakbo ako pataas. Kailangan kong maikandado ang pinto. Agad akong pumasok sa ikalawang kwarto at ini-lock ko yun. Umupo ako sa kama ko na sobrang takot. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Ayokong mabahiran ng dumi ang pagkatao ko.

Angela! Buksan mo ang kwarto!” agad kong narinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko. Ang boses nya, tila isang pagbabanta. Ang nangyayari ngayon, tila isang bangungot. Napaka-walanghiya nya. Paanong magagawa nya ‘to sa sarili niyang anak?! Kailangan kong umisip ng paraan. At mula sa kama ko, nakita ko ang bintana. Agad akong tumakbo doon ngunit napakataas nito. Tuloy-tuloy lang sya sa pagkatok. Napaisip ako na gamitin ang kumot. Tama! Kailangan kong magamit ito! Agad kong itinali ang mga kobre kama na nakita ko ngunit nagulat ako sa lakas na nanggaling sa labas ng kwarto ko. Nakita kong nasira ang pinto at ang mas nakakagulat pa ay ang dalang palakol ni papa. Halos panghinaan ako ng loob. Nakita ko sya. Pawisan at galit na galit. “Sa tingin mo makakatakas ka?!” at agad syang pumasok sa kwarto ko at hinawakan ang magkabila kong braso.

Papa! Wag!” Umiyak na ako ng malakas. Walang pwedeng sumaklolo sa amin. Magkakalayo ang bahay dito at sigurado ako na kung walang tutulong sa akin, baka hindi na ako umabot ng buhay bukas. “Parang awa nyo na!” Naramdaman ko ang nag-iinit niyang labi sa leeg ko. Pwersahan nya akong inihiga at nakita ko kung paano nya tanggalin ang pang-ibabaw na saplot nya. Sinibasib nya ako ng halik sa labi ngunit kinagat ko ang dila nya dahilan para dumugo ito. Nalasahan ko pa ang dugo nya dahil ang ilan ay napunta sa bibig ko.



AAH!” Napabalikwas sya at doon na ako nakahanap ng tiyempo para makatakas. Tumakbo ako pero bigla nyang hinigit ang buhok ko. “Saan ka pupunta?! HA?!” Nagpumilit akong makawala pero sadyang malakas sya. Iniuntog nya ang ulo ko sa gilid ng kama at nahilo ako. “Akin ka na.” Pero bigla syang napasigaw.



Wag na wag mong gagalawin si Angela, papa.” Napatingin ako sa nangyari. Nakita kong napahawak si tatay sa balikat nya at ang kuya ko. Si Kuya Joseph! Hawak-hawak ang isang bread knife. Gigil na gigil ang mukha nito na parang makakapatay. Agad nyang inundayan ng saksak si papa sa dibdib. Wala siyang pakialam sa mga tumatalsik na dugo. Bumalik na lang ako sa ulirat ng makita ko ang sarili kong may mga dugo at si papa na walang malay. Napaiyak na lang ako ng sandaling iyon.

SW BeagleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon