Two months after...
7:56AM
Room 12-1207I was late, pero mas late ang aming professor. Hindi ko alam kung sinadya niya bang magpalate o binigyan kami ng oras para sa ngayong araw.
Nakikita kong nagkakagulo ang isip nila, tutok sa kani-kanilang notes. Nakakunot ang noo, nakanguso at nakapangalumbaba. Tinignan ko ang papel na hawak ko.
Nagdrawing na naman pala ako ng may kwentang bagay sa aking death note. Punong puno to ng drawing. Drawing kong paano magsuicide at ako ang babaeng nandito sa drawing. Para itong, tenth ways to die, kasi pang 10th na itong drawing ko. Nakita ko dito na tumalon ako sa building.
Basag ang bungo, nagkalat ang utak ko, at naliligo ako sa sarili kong dugo. Hindi ko maiwasang tumawa dahil nakabuo na naman ako ng isang art na ako ang bida. Paano kong ibenta ko ito sa museum, may bibili kaya?
"Tangina! Ang hirap naman ng pinapareview satin ni maam"
"Graded recitation pero parang final exam ang pinapagawa sa atin"
"Akala mo naman nagtuturo."
Nadidinig ko ang chismisan ng aking mga kamagaral. Pero hindi ko sila sinabayan sa pagrereklamo kahit tama naman sila dahil may sarili akong mundo.
"Hello bes!" Huminto sa harapan ko ang isang babae na katamtaman lang ang katawan. Kikay ang get up nito at laging nakangiti. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot at tinago ang notebook ko. Baka makita niya pa kung anong laman non, may lahi din kasi siyang chismosa.
"Sungit naman." reklamo niya at tumabi na sa akin. Wala akong choice dahil nakaseat plan kami na akala mo mga elementarya pa.
"Oh ano nakapag reveiw ka naba, kennedy sahara?" Pangungusisa niyang sabi kasabay ang buo kong pangalan. Tumingin ako sa kanya at inaabangan niya akong sumagot. Hindi ako titigilan nito hangga't hindi nakukuha ang gusto. Hindi naman kami friends o ano, pero kung umasta siya ay parang close kami. We're just a mere classmate.
"Hindi..." Matipid kong sagot at narinig ko siyang napabuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit "Kung sabagay, matalino ka naman kaya bakit pa?"
Natawa siya at nagbukas na ng notes. Hindi ko na siya pinansin pa at tumulala nalang sa problemado kong classmate. Wala naman akong paki sa kanila kaya magiging busy nalang ako sa pagtulala.
"Miss sahara, are you with me?!"
Napapitlag ako sa aking kinauupuan nang biglang may sumigaw sa mismong tainga ko. Lumingon ako kung saan galing yon at nakita ko ang namumula kong professor. Bakit siya namumula?
"Yes, maam?" sagot ko.
"Then, answer my question."
"I already answered your question maam. I am with you."
Nakita ko sa side ko ang pag facepalm ni Chiza Lopez o mas kilala bilang chichi, ang tumawag sa aking bes kanina, mukha silang dismayado sa sagot ko.
"You're not listening..." tonong natalo sa lotto ang pagkasabi nun ni maam. "Tatanongin ulit kita. Graded recitation ito miss sakura kaya sagotin mo ng maayos."
Ahhhh. Kung ganon, nagumpisa na pala? Ang tagal ko na palang tulala dahil napunta na si maam sa dulo kung saan ang pwesto ko. Walang presensya si maam, hindi ko naramdaman. Tumango lang ako.
"Bakit pinatay si socrates at sa anong paraan?"
Ah, about pala sa philosopher ang tanong niya. Tumayo ako sa aking kinauupuan at kasabay non ang pagsigaw sa isa sa mga classmate ko.
BINABASA MO ANG
PSYCHOLOVE
Mystery / Thriller'Why I have a feeling that I am responsible in someone's death? Did my unconscious mind did the killings?' She has a murderous thoughts and desperate for justice. The justice is on her hands. But could she give a justice behind the suicide incident...