IV.

11 2 0
                                    


Holy Heaven University.
12:09PM

Maagang natapos ngayon ang klase dahil last day ngayon ng final exam at sa susunod ay second sem na. Isang linggo lang naman ang bakasyon. Padadaanin lang ang araw ng patay at pasukan na ulit.

Maraming tao sa paligid baka natapos narin sila sa final exam.

Dumiretso ako sa library para ibalik ang librong nahiram ko sa buong sem at shempre ay matulog. Ayaw ko muna kasing umuwi dahil ayoko pa. Mahaba pa ang araw at hindi ko alam ang gagawin ko sa bahay.

"Miss sahara, signature."

Binigay niya sa akin ang isang ballpen at itinuro kung saan ako pipirma. Agad ko naman sinunod yon para mawala ang utang ko dahil sa panghihiram ng libro.

Pagkatapos non ay dumiretso ako sa dulong library sabay ko inilabas ang lapis at death note ko..

11th suicide idea.

Nagdrawing ako ng isa box at ginawa ko itong pool. Ginandahan ko yung desinyo para mas lalong chill sa paningin. Ginuhit ko ang sarili ko sa loob ng pool na hindi pa puno ng tubig, kundi papuno palang.

Lulunorin ang sarili. Ayan ang ika-labing isa kong ideya kung paano magpakamatay. Wala naman kaming pool sa bahay pero dito sa school meron. Kaya kung magpapakamatay ako gamit ang pang 11th, dito ko dapat gawin sa eskwelahan.

Hindi ko namalayan na nakatulogan ko na pala ang pagguguhit kaya nagising ako sa isang madilim na lugar. Sobrang dilim.

Wala na ako sa library na pinagtambayan ko. Nasan ako? Saan ako dinala ng tulog ko?

Luminga ako sa paligid at nakakita ako ng liwanag sa malayo. Maliit ito sa aking paningin. Parang pintoan at puro iyon liwanag.  Wala na akong choice kundi takbohin at puntahan ang liwanag, nagbabakasakaling ito ang daan palabas. Pero ilang minuto ko na yong binabaybay ang liwanag, hindi ko parin maabot parang sobrang layo.

"Ano ba ito.." tanong ko sa sarili ko at tumingin sa paligid. Huminga ako ng malalim at akmang tatakbo na ng may kumalabit sa akin sa likuran.

Kaya lumingon ako agad pero bago ko makita ang mukha niya ay hinampas niya ko ng matigas na bagay na nagpagising sa akin sa realidad. Tumunog pa ng bahagya ang aking kinauupuan dahil napatalon ako. Maingay din at nagmumula iyon sa bell hudyat na tapos na ang lahat ng klase kaya dali dali akong lumisan sa lugar at hindi na inayosan ang sarili. Baka kasi masarhan ako ng gate.

Daisy Village, Sahara's Residence XI
7:59PM

Naabotan kong busy ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Maraming men in black sa paligid at mukhang may bisita ang aking ama. Naamoy ko rin kasi ang pagkain, marami ata ang handa.

"Young lady, magpalit muna daw kayo pagtapos ay sumabay sa kainan." nangiti ang maid sa akin at tumango nalang ako. Mabuti parin naman akong anak.

Binihisan ako ng maid ng isang pormal na damit. Black dress ito, na backless pero hanggang talampakan ang haba. Mukhang tumutugma ang damit ko sa aking budhi.

Nakaayos din ang mukha ko. Nagtataka man ay hinayaan ko nalang. Wala rin naman akong mapapala sa pagrereklamo kung amahin ko na ang nag utos.

"Tara na, young lady."

Ginayak niya ako pababa ng hagdan. Hindi naman ako nakaheels pero kung alalayan nila ako ay para akong mamahaling babasagin. Gusto kong umirap pero nanatili akong walang emosyon.

Nakasuot din sa akin ang necklace na ibinigay ni daddy at makikita kumikinang ito kahit hindi sinagan ng liwanag. Nakapila ang black in men at maid sa dadaanan ko.

PSYCHOLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon