VI.

6 0 0
                                    

Holy Heaven University
9:32AM

Kain at tulog.

Ayan ang nagawa ko sa buong sembreak. Para sa akin may kwenta naman ang nagawa ko ngayong sembreak. Mas natutukan ko ang sarili ko sa pagiisip.

Hindi ko narin nakasama si ate simula nung last naming pagsasama. Naging busy na ito sa trabaho at ang ingay tuwing gabi, nandoon parin. Naging madalang lang ngayong araw dahil mga tutok sa trabaho. I wish I can stop that fucking noise.

Nandito ako sa tapat ng isang malaking board para hanapin ang aking schedule pati narin ang aking room. Maraming tao kaya hindi ako makasingit sa kanila. Mamaya nalang siguro.

Akmang aalis na ako ng makita ako ni chichi pagkaalis niya sa nagkakaguluhang estudyante. Sabog ang magulo nitong buhok, malamang nakipagsisikan sa maramimg estudyante.

"BES! HOY SAHARA!" Sigaw niya sakin dahil parang wala akong narinig. Tumigil ako sa kinatatayuan ko at tumingin sa kanya.

"Classmate tayo..." Hinihingal niyang sabi. Kung ganon classmate na naman kami ng madaldal na ito? Wala na akong choice, nandito na eh.

"Pumasok na tayo." sabi ko at naunang maglakad sa kanya pero bago pa ako makalayo ay hinablot niya ako.

"Hindi diyan!" tarantang niyang sigaw. "Nagiba na, malapit tayo sa college building!"

Eh? Akala ko don parin kami sa dati naming building. Semester lang naman ang nabago hindi ang year namin.

"Damn it! Kung alam ko lang sana na katabi natin ang college, nagpaganda pa sana ako."

Maganda naman siya kahit hindi na siya magpaganda.

Nagpahila nalang ako sa kanya at hindi na pinansin ang sinasabi niya. Daldal parin siya ng daldal.

"Nabago yung building pero yung sched hindi?! 7am parin ang klase."

Naiinis na sabi niya. Mukhang alam niya narin ang sched namin, siguro pati room. Hayaan ko nalang siya sa gusto niya.

"Late na tayo..." sabay tingin niya sa relos. Kaya ngayon lang ako kasi first day pa lang naman, tingin ko hindi pa naman naguumpisa ang klase. Puro introduce yourself nalang para sa mga guro na gusto kaming makilala. Kung gusto ba talaga o naguubos lang ng oras.

"Takotin mo yung professor ah!" Natatawa niyang sabi sakin na ikinatingin ko lang sa kanya. Baka nahuhulaan niyang sesermonan kami pagdating namin sa room.

Hindi nga kami nagkakamali. Pagbukas pa lamang namin ng pinto, sumalubong na sa amin ang lumilipad na black board eraser. Imbis na si chichi ang tamaan ako, ako ang natamaan. Kaya puro chalk ang buhok ko.

"Mygosh bessy! Bakit ka nanunu-- motherfucker! What happen?"

Tinignan niya ang itsura ko at agad na pinagpag ang puting dumi sa ulo. Naatsing ako, kaya wala na akong nagawa kundi mabahing.

"Take this! Takpan mo yung ilong mo."

Inabot niya sa akin ang panyo niya at agad kong tinakpan ang ilong ko. Hindi ko talaga kaya ihandle ang chalk. Sa marker ako sanay. Pagkatapos niyang pagpagan ay humarap na siya kaya nakita ko ang gumawa non.

Isang terror professor. Nakalimutan ko pangalan niya, basta mahigpit siya.

"Ayan ang mapapala niyo kung hindi kayo papasok sa tamang oras." kausap niya ang classmate namin.

Ang matapang na si chichi kanina mukhang natuod na ata sa kinatatayuan. Hindi ko siya masisisi dahil nakakatakot mabato ng eraser.

"Introduce yourself here!" bulyaw niya kaya sumunod nalang kami. Naiinis man ay pilit na ngumiti si chichi.

PSYCHOLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon