CHAPTER 8

87 4 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula ng nangyari ang isang kahihiyan. And Ghad! I cannot believe what happened! Ba't pa kasi ako uminom inom?! Ang tanga ko naman, well slight lang. Sabado ngayon, at wala akong ginagawa. Buryong-buryo ako!

Nakatambay lang ako sa kwarto ko at nanonood sa loptop ko ng love story kemerut. Pero naboringan ako, kaya nag laro na lang ako ng ML. Napaka ano naman ng mga kasama ko! Rank to eh! Mababawasan na naman ang stars ko! Ano ba yan! Tapos na akong maglaro. Pinatay ko na lang ang loptop at nagtungo sa kusina para mag luto ng fries.

So ayun nandito ako ngayon nakaupo, tumatambay sa harap tv at nanonood ng Wrong Turn Chapter.... ewan? At dahil bored na bored ako napagdesisyunan kong lumabas. Siguro nagtataka kayo kung ba't wala yung lima noh? Busy sila eh.

I decided to go to the mall. Alone. Eh ano naman ngayon kung mag-isa ako? Sanay naman na ako eh! Tamang lakad lakad lang. Alam ko na bibili na lang ako ng ice cream! Yey! Cookies and cream! Uhuh!

Lakad ulit tapos tamang tingin tingin lang ng mga damit. Actually may mga nabili na rin akong mga damit. Nag beep ang phone ko at tiningnan ko kung ano yun habang naglalakad. Ng biglang nabangga ako sa isang pader. Yung phone ko! Dali dali ko itong pinulot.

"Miss tingnan mo naman dinaraanan mo" may nagsalita. Ay akala ko pader eh? Ang tigas kasi. Wow! body builder ata ito ah. "ay sorry po! sorry!" pag papaumanhin ko at laking gulat ko ng tumingala ako at makita ko ang..... lalaking nakipag churvahan sa Cr.

Agad akong naglakad papalayo. "Miss!" tuloy pa din ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa ito. Ay shit! Naabutan pa ko! "miss naman pinagod mo ako! ibibigay ko lang sayo to! nahulog mo" sabi nito at inilahad ang wallet ko. Shit! buti na lang ibinalik kundi! ay ewan ko na lang! baka maglalakad ako pauwi!

"Salamat." pag katapos kong magpasalamat ay naglakad ako papalayo sa kanya. Parang di niya ata ako nakikilala ah. Well, mas okay na yun. Parang ako pa kasi nahihiya na nakita sila eh. Pumunta lang ako sa grocery store para bumili ng mga kakailanganin ko sa bahay. I bought some milk, noodles, chips, at iba pa. Ng makapagbayad ako ay agad ako nagpunta sa parking lot. Nilagay ko na lang sa passengers sit ang mga pinamili.

Tahimik lang akong naglalagay ng pinamili ko ng may marinig ako
"Stop right there Lenox! Don't you dare mess with us again. Or else I will break your neck. And you don't know what I can do." narinig ko sigaw ng lalaki. San ba nanggaling yun? "Ah talaga lang ha? Anong kaya mong gawin ha? Sige nga! Bring it fucking on!" sigaw din ng isang lalaki. Kinain ako ng kyuryusidad at inalam kung saan ito nanggagaling. Ng makita ko sila ay agad akong nagtago sa isang kotse. Pinakatitigan ko yung mga lalake. Yung isa nakatalikod at yung isa naman namaharap sa gawi ko. Yung lalaking nakaharap ay maraming kasama samantalang ang lalaking nakatalikod ay nag-iisa lang. 4 vs 1?

"Oh come on Lennox. We both know na wala kang kayang gawin. You know me, bruh. I can do anything that I want to do. And I can also make your life miserable." kampanteng saad ng lalaking nakatalikod. Woah! powerful si kuya! He can make your life miserable daw. Medyo pamilyar ang boses nito saakin. Ngumisi lang ang lalake na siyang nakaharap.

"Wag na nating patagalin pa Cloudius." Ilang saglit lamang ay sumugod ang grupo ng lalaking nakaharap. Pamilyar saakin ang lalaking yun at ang mga ka grupo niya, parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang alam kung saan. Nevermind. Akmang susuntukin na ng isang lalaki ang lalaking nakatalikod sa akin pero agad niyang nahawakan ang kamao niya at pinaikot ang kamay nito hanggang sa mabali. Napamura at napadaing ang lalaki. Ang sakit nun! Tumakbo ang dalawa pang natitirang lalaki at sinugod iyong Cloudius yun yung nakatikod rito sa gawi ako at bago pa masuntok ng dalawang susugod na lalaki ay tumalon ito at sinipa sa ulo ang dalawa habang nasa ere. Tulog yung dalawang lalaki. Shit! Ang galing niya!

Marrying The Playboy GangsterWhere stories live. Discover now