CHAPTER 24

65 3 0
                                    

Naglalakad kami ngayon, pupuntahan namin si Leandro. Uhuh. Mas mataas ang posisyon niya kesa kay Cerex.

"Akala ko ordinaryong tao lang yung mga nabangga natin." saad ni Monique habang nakatingin ng diretso. Ako din akala ko. Pero miyembro pala sila ng Alpha Mafia na yun.

Agad kaming pumasok sa office niya ng makarating kami doon.

"Hi girls!" bati nito saamin.

"Sup!"

"Yo!"

"Sup Fucker!" bati ko sa kanya. Oo, mataas ang posisyon niya. But I don't care. Kaibigan ko na naman eh.

"Fucker huh? Mrs. Monterios." tiningnan niya ako ng may halong panunuya. Bwisit talaga to!

"Cut that shit off! Mrs. Monterios my ass!" I said and I rolled my eyes.

Umupo siya sa swivel chair niya at tiningnan niya kami. Dumako ang tingin niya kay Zue. Medyo nagtagal ang tingin niya sa kanya. Napangisi na lang ako.

"Syne Zuephoria Fuentez right?" baling niya kay Zue. Tumaas ang kilay ni Zue at ngumisi.

"Yap. Zue for short." sabi niya at nag cross arms.

"I just want to tell all of you that, may bagong assignment kayo." agad naman kaming nagreklamo sa sinabi niya.

"Oo na! Tuloy pa rin ang leave niyo. Kahiya sa inyo no?" sarcastiko nitong sabi. Agad naman kaming napangiti sa sagot niya.

Aba dapat lang nuh! Kailangan pa naming mag bakasyon bago sasabak sa assignment namin. And I'm mahirap na naman ito.

"Ano nga pa lang assignment iyon?" tanong ko sa kanya at may ibinato siyang folder saakin hindi ko nasalo agad kaya tumama sa mukha ng nasa likod ko. Si Quira ang tinamaan.

"Putanginang yan! Ang sakit! What the fuck!" sigaw nito habang nakahawak sa parte ng mukha niyang tinamaan ng folder. Napatayo si Leandro.

"Tangina mo talaga Leandro!" sigaw ni Quira at akmang susugurin si Leandro hinayaan lang namin si Quira.

"Pigilan niyo siya!" tumatakbong sigaw ni Leandro habang hinahabol siya ni Quira sa loob ng kwarto kung nasaan kami.

"Pigilan niyo siya! That's an order!" utos niya at agad naman naming inawat si Quira.

Hawak-hawak ni Liana at Caxie ang magkabilang braso niya. Panay pa din ang pag waksi niya sa mga nakahawak sa kanya.

"Bitawan niyo ako!" sigaw niya habang sinusubukang iwaksi ang mga kamay na nakahawak sa kanya. Tumatawa lang si Caxie at Liana na nakahawak sa kanya.

"Sorry Quira. It's an order." natatawang saad ko. Napatingin ako kay Leandro na nakatayo sa likod ng swivel chair niya.

"Wag na wag niyong bibitawan ang amazonang yan. That's an order." he ordered. Wah! Takot siya kay Quira. Lanyang Leandro.

"Bwisit ka Leandro Garcia Jr!" bwisit na sigaw ni Quira. "Bitawan niyo ko! Kakalbuhin ko talaga yang kapatid kong yan! Wala akong pake kung superior natin siya! Ngina ka!" sigaw ulit nito at akmang susugurin si Leandro buti na lang at nahawakan ulit ni Liana at Caxie ang mga braso niya.

"Wag na wag niyo siyang bibitawan!" utos ulit ni Leandro. Tawang-tawa kaming lima sa pag-aaway ng magkapatid. Yes, magkapatid nga sila.

"Walanya kayo! Bitawan niyo ko sabi eh!" hindi pa rin binatawan ng dalawa si Quira.

"Itatapon ko yung mga collection mo'ng cd lalo na yung mga cd ng paborito mong cartoons na spongebob!" pagbabanta ni Quira sa Kuya niya.

"Subukan mong pangit ka!" sigaw din ni Leandro ang sakit sa tenga ng magkapatid na to. Kala mo naman nasa magkabilaang bundok.

"Ako pangit?! Baka ikaw! Palibhasa kamukha mo si Squidward! Mukha ka pang tubol! Half pusit! Half tubol! Ang pangit mo!" panlalait niya sa kuya niya at tawang-tawa kami sa mga pinagsasasabi ni Quira.

"Baka ikaw! Ikaw nga kamukha mo si Majimboo eh!" panlalait pabalik ni Leandro sa nakababatang kapatid niya na si Quira. Nakakatawa yung reaksyon ni Leandro. Halos lumaki pa butas ng ilong niya. Kasya na ata hinlalaki ko dun eh!

"Aba! Majimboo mo mukha mo! Ikaw hindi mo lang kamukha ito, kundi ikaw na ikaw ito! Ikaw si Barney! Baklang Dinosaur!" tawang-tawa kami sa sinabi ni Quira na si Leandro daw ay si Barney.

"Kamukha mo din si yung nasa Dawn Of The Planet Of the Apes! Mukha kang aso! Ano laban ka ba bwisit ka! Sumbong kita kay Daddy eh!" halos hindi na kami makahinga sa kakatawa. Tangina laugh trip tong magkapatid na to!

"Mag sumbong ka lang samahan pa kita. Ikaw nga mukhang insekto eh." nakangising saad ni Leandro habang nakatingin kay Quira na may halong pang-aasar.

"Ikaw mukha kang paa! Kamukha mo pa si Lord Voldemort! Tangina mo! Pakyu! Pango!" sigaw ni Quira saka nakatingin kay Leandro ng may ngisi sa labi.

"Ikaw nga kamukha mo si Donald Duck! Lalo na pag nag pa pout ka!" pagkasabi ni Leandro nun ay natawa siya. Kami naman mamatay na konting-konti na lang.

Hindi pa rin binibitawan ng dalawa si Quira.

Mahirap na baka parusahan kami ni Leandro na siyang superior namin. He said that it's an order.

Napailing na lang ako. At umupo sa sofa dun pati na rin si Zue at Monique naupo na habang pinapanood yung dalawang nag-aaway.

"Langya ka talaga Kuya!" sabi pa ni Quira kay Leandro na siyang may ginagawa sa table niya.

"Ilabas niyo nga yan!" utos niya at agad namang ilalabas ng dalawa. Nag sisisigaw pa din si Quira.

"Ipapa salvage talaga kitang Junior ka! Humanda ka saken gago! Tatanggalin ko lahat ng buhok mo sa katawan! Bwisit ka!" sigaw niya habang iginagaya siyang lumabas ng dalawa.

"Oh come on I'm scared!" pekeng natatakot na saad ni Leandro sa kapatid niya.

Binuklat ko ang folder na binato ni Leandro kanina saakin na lumanding sa mukha ni Quira.

Gago kasi eh, pwede namang iabot ng maayos ibinato pa, tuloy tinamaan si Quira. Pag buklat ko ng folder ay may nakita akong mga litrato. Litrato ng mga lalaking mag mga edad. Tatlo sila, tinginan ko pa ang mga laman ng folder at nakita ko ang mga litrato nila habang nakikipagtransakyon sa mga kasama nila. Hindi nga ako nagkakamali, sila ang natimbog namin sa last assignment namin.

Nakikipag palitan sila ng droga.

"Those are drug lords and you guys need to investigate them, again. Kailangan niyong malaman kung sino ang pinuno nila. Dahil sila ang isa sa pinaka makapangyarihang drug lords at kailangan niyo silang matimbog at kailangang mahuli ang namumuno sa kanila. And here, yan ang kailangan niyong manmanan. Sila ang gustong pumatay sa inyong anim, at baka madamay ang pamilya mo Vannah, dahil nadawit sila sa ingkwentro at kalaban ng mga magulang mo yan sa negosyo niyo. Ayon sa nakalap kong impormasyon ay, gusto nilang angkinin ang kumpanya niyo pero hindi pumayag ang Daddy mo. Hindi lang basta pamilya mo ang gusto nilang mawala Vannah, kundi lahat tayong mga agents. Sila ay mahigpit nating kalaban simula pa noon. Isa itong utos mula sa kataas-taasan."

Sabi nito sabay bato ulit ng folder, buti na lang nasalo ko, muntik na namang lumanding sa mukha ng katabi kong si Monique.

"Walangya ka Leandro, pag di nasalo ni Vannah yung folder at tumama sa mukha ko. Babalian kita buto." sabi ni Monique habang nakatingin kay Leandro. Nag peace sign lang si Leandro.

Binuklat ko ang ikalawang folder na ibinato niya at nakita ko ang mga litrato ng mga kailangan naming imbestigahan.

"Wag na wag nilang idadamay ang pamilya ko. Magkakamatayan kami." seryosong kong sabi habang nakatingin sa litrato ng mga taong gusto ilagay sa panganib ang buhay ko, at buhay ng mga magulang ko.

Marrying The Playboy GangsterWhere stories live. Discover now