CHAPTER 4

116 4 0
                                    

Hays. Jusko naman oo! Nakakapagod mag-aral ayoko na ata mag-aral. Pero tangina naman gorl! Pero ano kaya magiging future ko pag tumigil ako? Baka mamaya niyan nagtitinda na lang ako ng taho jan. Jusko naman.

Aish! Ano bang pinag-iisip ko! Walang titigil sa pag-aaral. Baka pagalitan pa ko ni Mommy eh. Parang machine gun pa naman yun.

Makaligo na nga lang at mamaya mag luluto na ko ng makakain ko. Wala naman akong katulong na magsisilbi saken. Kaya ko naman kasi sarili ko eh. Saka I want to be independent. Wow! Independent daw. Napailing na lang ako sa mga naiisip, parang tanga lang kasi ako eh.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at dumiretso sa banyo. Kailangan kong maligo noh! Ang init-init saka, di ako nakakatulog ng di naliligo.

Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis para makapagluto na din. What should I cook for my dinner? Hmmm. Ano bang pwedeng lutuin dito na laman ng ref ko? So I have here, a chicken and pork. Hmmmm. I'll cook CPA. Well CPA, stands for chicken pork adobo.

After 30 minutes, tapos na akong magluto. Hulaan niyo kung anong susunod kong gagawin? Ano pa? Edi kakain. My super duper favorite food!

Pagkatapos kong kumain agad akong nagtungo sa kwarto ko. Manonood muna siguro ako. Boring ng buhay ko noh? Well magtiis ka binasa mo to eh.

"Hoyyy! Vanah! Gising! walangya ka! gumising ka na hoy!"

Sino bang manok yung pumuputak? Kainis! Ang aga-aga pa eh! As far as I know sabado ngayon! May karapatan akong gumising kahit kelan ko gusto! An'ba naman si Monique!

"Hey Bitch! Wake up! We're going some where!"

Sigaw naman ni Quira. Anong ginagawa ng babaitang ito dito? Mga istorbo! Kainis naman yan! Kumuha ako ng unan at tinakip sa mukha at tenga ko.

"Zavanah Zeicka Liaño! Gumisinggg ka!"

Napakalakas na sigaw ni Caxie sabay tanggal ng unan na nakatakip sa mukha ko. Ba't andito tong mga toh! Saka ang aga-aga pa eh! Napaupo ako. At hinawi yung mga hibla ng buhok kong naka ano sa mukha ko.

"Ano ba yon? Ha? Umagang-umaga ginugulo niyo ko mga piste! Ba't kayo nandito ha? You guys are disturbing me!"

Reklamo ko napabaling ako ng tingin sa kanilang lahat. What's up with this ladies? Ba't sila bihis na bihis sila? As far as I can remember, wala kaming napag-usapan na pupuntahan namin ah.

"Hoy lokaret! Maligo ka na hoy! Where going somewhere!"

Sabi ni Liana. Hays. Gusto ko pa matulog! matulog ng matulog ng matulog! Tong mga to kasi eh! Pagbigla-bigla ng dating!

"Where are we going?"

Tanong ko sa kanila. Inirapan lang nila ako. Ay! Sila na nga nambulabog parang sila pa galit ah. Kahiya naman po, ako yung inistorbo eh!

"Wag ng madaming tanong Bitch. Go and take a bath."

Tsssk. May pa bitch bitch pang nalalaman tong si Quira tokang-toka na ata ito sa pagtawag sakin ng bitch ah. Ayos lang naman.

I choose to wear simple red off shoulder dress. Then white flat shoes. Ayoko mag heels. Baka matapilok pa ko and di ako masyadong comfortable sa pagsusuot ng heels eh.

"Buti naman at tapos ka na. Pa VIP ka pa eh."

Nalapoker face na saad ni Monique. Inirapan ko na lang siya. Dzuh! Binulabog lang kaya nila ako, malay ko bang may lakad kami ngayon? Hays.

"Tse! Ano? Tuloy yung lakad o hindi?"

I asked them. Lumabas na kami ng apartment sumakay lang kami sa iisang sasakyan. Gamit namin yung sasakyan ni Caxie. Habang nasa daan kami nakinig na lang kami ng music.

Marrying The Playboy GangsterWhere stories live. Discover now