CHAPTER 47

126 8 1
                                    

Nagising akong basang basa ng pawis at hindi makahinga ng maayos. Sumasakit ang ulo ko at umiikot ang paningin ko.

Napatingin ako sa laylayan ng sando ko, punong puno na ito ng dugo. I tried to move, but I can't. Hinang hina ako dahil sa rami ng dugong nawala sa akin. Kumirot ang sugat ko dahil sa pilit kong pag bangon kaya nanatili na lamang ako sa kama ko.

Mabibigat ang bawat paghinga ko. My phone rang, at pinilit ko itong inabot sa beside table malapit sa kinahihigaan kong kama. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag.

"H-hello?" pabulong na saad ko. Dala ng pagkahina ko ay hindi ako makapag salita ng maayos. Tila nanginginig ang labi ko at nanunuyo ang lalamunan ko.

"Zeicka? Are you okay?" It's Cloud.

"I-m fine-e." pinilit kong ayusin ang pananalita ko.

"No you're not. Where are you? Pupuntahan kita." bakas sa boses niya ang pag-alala na siyang ipinagtataka ko. Hindi na ako nagsalita at pinikit ko na lang ang mata ko.

"Zeicka, hey wake up." marahan kong iminulat ang aking ng makarinig ako ng isang malalim at malumanay na boses.

Nakaramdam ako ng malambot na pag haplos palad sa mukha ko. Nagulat ako ng makita ko kung sino iyon. Paano niya nalamang nandito ako?

I'm confused. Wala siyang kaalam alam kung nasaan ako, paano siya nakarating dito?

"Ask me later, just stay still and eat this." kinuha niya ang tray na may lamang pagkain sa mesang malapit sa kama. Mushroom soup?

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Sino namang nagluto nito? Sa pag kakaalam ko hindi ito marunong magluto, ni maghugas nga ng pinggan di siya marunong.

"Don't look at me like that. I cooked that." may pag mamalaking sabi nito saakin. Umirap lang ako at di na nagsalita saka ko kinuha ang nakahaing soup sa tray.

Hinipan ko muna dahil mainit init pa ito. Ng ma absorb na ng dila ko ang lasa nito ay parang gusto ko na lang dumuwal. Bakit ganito ang lasa?!

Fuck! Mabilis kong kinuha ang tubig na nasa baso at ininom lahat ng laman non.

"Bakit?! Anog meron? Does it taste bad?" nakangiwing tanong nito.

Tumingin ako sa kanya ng masama. Saka pinunasan ang bibig ko.

"Balak mo ba akong purgahin ng asin Cloud?!" naiinis kong sabi. Bwiset! Ang alat! Eh baka isang kutsarang puno ng asin ang nilagay niya sa soup!

Baka mag ka kidney stone pa ako pag kinain ko lahat ng yon.

"Ilang kutsarang asin ba nilagay mo don?!" nagkamot siya ng batok saka umiwas ng tingin.

"Maybe 4 or 5, I'm not sure." napatampal naman ako ng noo. Jusko hindi ba tinuruan ni Tita at Tito ang lalakeng ito na magluto,ni hindi niya ata alam na masama pag nasibrahan ng alat ang katawan.

"Di ka pa nakuntento, sana nilagay mo na lang lahat ng asin na nasa lalagyanan." nagugutom pa naman ako. I tried to stand up, medyo kumirot ng kaunti ang sugat ko. Pero kinaya ko parin namang tumayo.

Napahawak ako doon, at naramdaman kong may bandage ng nakalagay. So he cleaned my wound?

"Where are you going?" tanong nito. Saka tumayo at inalalayan ako.

"Magluluto ako ng soup na may madaming asin, sama ka?" I answered his question sarcastically and he just rolled his eyes.

"Magluluto ako ng pagkain." dahan dahan akong naglakad at nakasunod lang ito saakin, balak pa niya akong alalayan pero tinatanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kaya ko naman ang sarili ko eh.

Marrying The Playboy GangsterWhere stories live. Discover now