CHAPTER 28

70 2 0
                                    

Nakaupo ako sa sala habang nanonood ng tv. Kakauwi ko lang kanina, I spend time with my friends. Mga lokang yun! Andami naming naubos na chips at softdrinks sa haba ng kwentuhan namin.

Magdamag pa kaming nag movie marathon. Nanood kami ng Fifty Shades of Gray. Puro sila hiyawan kagabi. Pagkatapos naming panoorin yun ay sunod kaming nanood ng horror, nag-agaawan pa nga kami ng kumot at unan na pantakip sa mga mukha namin eh.

Napatigil ako ng may kumatok sa pinto. Tumayo ako para tinginan kung sino ang kumakatok. Anong oras na ba? At sino ba 'tong kumakatok?

Naglakad ako papalapit at binuksan ang pinto nagulat ako ng muntik akong matumba sa sahig dahil sa taong muntik matumba sa harap ko.

"Hi I'm Kent! Cloud's friend. Hinatid ko na siya, di kasi makapag drive eh." sabi ng lalaking nasa harap ng pinto. Tumango lang ako at nginitian niya ako saka nagpaalam na aalis na siya.

"Gray?" inalalayan ko siya. Takte! Ang baho niya! Amoy alak! Ang sakit sa ilong, sumakit din yung ulo ko dahil ang baho talaga.

"Nakainom ka ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Bobo lang Vannah, may amoy alak bang tao na hindi nakainom? Tanga ko din minsan eh. Hindi lang minsan, baka kadalasan?

"Mga pwutwanginang manlolokoassfsuskks!"
sigaw nito. Pinagsasabi nito? Sa mukha neto, parang may problema to ah. Ewan? baka trip niya lang maglasing.

Ang bigat ng lalaking 'to! Inalalayan ko siya paakuat sa kwarto niya, at habang naglalakad kami ay may ibinubulong ito pero hindi ko maintindihan.

"Asdfghjkl" bulong nito. Iniakbay ko ang braso niya sa balikat ko at hapit-hapit ko ang bewang niya. Jusko! Ang bigat ng lalaking ito, sa laki ba naman ng katawan niya.

"Pinagsasabi mong kapre ka?" tanong ko. Para namang sasagot ito. Huminto ako saglit para ayusing ang kamay niyang iniakbay ko sa balikat ko.

Natigilan ako ng humarap siya saakin ng nakangiti saakin, laking gulat ko ng may bumulwak ba malapot na likido sa mukha ko.

"Yuck! Tangina!" sigaw ko. Sinukaan ba naman ako sa mukha! Takte! Ang pangit ng amoy, buti na lang at hindi tumalsik sa loob ng bunganga ko, kundi nasuka rin ako.

Binilisan ko ang pagkilos at ng makarating ako sa kwarto niya ay inihiga ko siya sa kama niya at tumakbo ako sa banyo niya para maghugas ng mukha.

"Walangya kapre yun! Susuka na nga sa mukha ko pa!" sinabunan ko na din ang mukha ko saka nagmumumog. Nakakadiri talaga! Maarte ako? Eh kayo kaya yung masukahan sa mukha!

Lumabas ako ng banyo niya at kumuha ng towel at maligamgam na tubig para pampunas sa kanya.

Pasalamat yung kapre na 'yun! Ba't ko ba ginagawa iti sa kanya eh sabi niya walang pakialamanan. Saka pinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya papakialaman at lalapit sa kanya.

Pero ang bigat naman sa konsensya kung hahayaan ko siyang nakahandusay sa sala na lasing.

Tinanggal ko ang suot niyang t-shirt. At todo lunok ako ng masilayan ko ang 8 pack abs niya. Vannah! Baka tumulo lawat mo jan! Wag kang ano jan! Lunok ako ng lunok, ayaw tumigil ng sarili ko sa kakalunok.

Sinimulan ko na siyang punasan sa mukha at pababa sa leeg, pababa sa matipuno niyang dibdib, pababa sa mga pandesal niyang ang sarap isawsaw sa mainit na kape. Yummy!

Tangina mo selp! Wag kang ganyan! Pinagnanasahan ko ba ito? Hindi! Napailing ako dahil sa iniisip ko. Halos malunok ko na lahat ng laway ko dahil sa kakalunok.

"Ba't ka pa kasi naglasing?" grabe naman to maglasing, buti na lang at hinatid siya ni Kent. Pag ito nag drive baka sa hospital bagsak niya.

Naghanap ako ng damit sa closet niya matapos ko siyang punasan. Isinuot ko ang sandong nakuha ko sa closet niya at kinumutan siya.

Ba't ko ba kasi 'to ginagawa? Dapat di ko 'to ginagawa kasi nga diba? Wala ng pakialamanan! Pero ba't ganto? Hindi ko din maintindihan kung ba't ako nagkakaganito? Parang may mali eh.

Papalabas na ako sa kwarto niya ng makarinig ako ng hikbi. Napalingon ako sa likod ko, lumapit ako sa kanya. Umiiyak siya.

"C-cylana." sambit nito sa isang pangalan habang humihikbi. Cylana? Pangalan ng babae yun ah. Baka yun yung girlfriend niya.

Napangiti ako ng mapait. "Ang swerte naman ng girlfriend mo. Iniiyakan mo pa." bulong ko habang nakatayo sa tabi ng kama at nakatingin sa kanya.

Bibihira na lang ang lalakeng umiiyak ngayon dahil sa babaeng mahal nila. Ang masasabi ko lang ay maswerte ang mga babaeng iniiyakan ng mga lalaking nagmamahal sa kanila.

Yung ibang babae nga yun yung hinahanap nila eh, yung lalakeng handa silang iyakan.

Mahal na mahal niya siguro yung babaeng yun kaya siya ganyan. Tuloy pa din ang pag agos ng luha mula sa kanyang mata. Kasabay nun ay ang mahina niyang paghikbi.

"M-mahal na mahal kita." bulong pa nito. Ba't ang bigat ng dibdib ko. Bakit parang nasasaktan ako pag nakikita ko siyang umiiyak. What the hell is happening to me?

Narinig kong nag ring ang phone niya sa table na katabi ng kama niya. Tiningnan ko iyon. Cylana? Ito yung binaggit niyang pangalan kanina. Hinayaan ko na lang na mag ring iyon. Ayokong makialam sa gamit ng iba.

Lumabas ako sa kwarto niya at dumiretso sa kusina. Napagdesisyunan kong magtimpla muna ng kape dahil hindi ako makatulog. Nakagawian ko na kasing uminom ng kape pag di ako inaantok.

Tumambay muna ako sa veranda. Habang sumimsim ako ng kape ay napapatingin ako sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin. Ang sarap nilang pagmasdan. Mula nung bata pa ako, I love looking at the stars. They make me smile.

Nabitin sa ere ang paghigop ko ng kape ng nag ring ang phone ko sa bulsa ng pajama ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"Hello haVannah oh nanana." bungad sakin ng taong tumawag. Ano na namang nickname yun? Sinumpong na naman 'to?

"Sup Moniknik." tumawa lang siya. Baliw ano bang kailangan nito, ba't siya napatawag. It's already late.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito. Tumawag lang ba ito para tanungin kong anong ginagawa ko? Napa poker face ako.

"Tumawag ka lang ba para tanungin kung anong ginagawa ko ha?" tanong ko sa kanya. "Andito ako sa veranda nag kakape." sagot ko sa tanong niya saka humigop sa kape ko.

"Can't sleep dear?" umoo ako sa tanong niya. Nagpaalam na siya. Tumawag lang pala para magtanong kung anong ginagawa ko. Abnoy talaga yung isang yun.

Humigop ulit ako ng kape saka huminga ng malalim at pumikit. Naalala ko yung mukha niya kaninang umiiyak siya.

Sana all iniiyakan. Yung ibang babae sila yung umiiyak. Nakaka touch kapag nakakakita ka ng lalakeng umiiyak.

Sana ganun din ako. Sana ako din yung iniiyakan hindi yung ako ang umiiyak. Kailan ko kaya mararanasan ang maiyakan? Mararansan ko pa ba yun? May nagmamahal pa ba saakin kahit hindi naman ako kamahal mahal?

Ang sarap siguro sa feeling pag ikaw yung iniiyakan noh? :>

Marrying The Playboy GangsterWhere stories live. Discover now