CHAPTER 16

68 2 0
                                    

Buti na lang di pa ako late. Agad akong naupo sa isang bakanteng upuan sa bandang likod. Iilan pa lang kaming estudyante rito sa loob.

Kala ko ba ayaw niyang malaman ng iba na mag-asawa kami, eh ba't niya ko sinalo kanina? Aish! Mabuti na yun! Para di ako sumalampak sa sahig kanina.

30 minutes later. Marami na ang tao sa loob. Pumasok ang tatlong sopistikadang babae at lahat ng estudyante ay natahimik at naagaw ang kanilang pansin. Sino naman tong mga toh? It girls? What the fuck ever. As if may pake ako.

"Hey you! Get out of that chair! It's my chair." maarteng sabi ng isang babae habang pinapaalis ang nakaupong estudyante sa upuang iyon.

Tumayo ang babae. At hinarap yung babaeng nag papaalis sa kanya. Nag crossed arms ang babae at tinaasan ng kilay yung estudyanteng pinapaalis niya.

"At bakit naman ako aalis?" matapang na sumbat ng estudyanteng pinapaalis nila. "Oh by the way, sige na nga. Dito ka na maupo. Nakakaawa ka kasi eh. Hays, Olivia. Ikaw talaga, mahilig kang umangkin ng pag mamay-ari ng iba." sabi ng babaeng pinapalis nila sa upuan. At naiwang nakanganga yung babae at dalawang alipores niya.

Kawawang babae, napahiya. Nang aangkin kasi eh. Anyways, she deserves it, ba't kasi siya nag papaalis. First come, first serve kasi.

Naglakad ang babaeng pinaalis kanina at nag pahiya sa babae papalapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Hays! mang-aagaw talaga yun! Pati upuan ng may upuan inaangkin." naiinis na sabi nito at saka bumaling sa akin at ngumiti ng pag katamis sa akin.

"Hi! I'm Syne Zuephoria Fuentez! 18! from Philippines!" pagpapakilala nito sa sarili and she makes me laughed. Tumawa na rin siya, she's a jolly person huh. "Zue for short." sabi pa nito.

"Zavanah Zeicka Liaño. Vannah for short!" masayang pag papakilala ko sa sarili.

"Hmm. Liaño? Quite familiar." napahawak siya sa baba nito na parang iniaalala ang isang bagay. "Oh! I know who you are! Mag business partner ang mga magulang natin." she said. Ahhh.

"Oh I see. So ba't ka pinapaalis ng mga babae dun kanina?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya ng masama sa harap kung nasaan ang tatlong babae kanina.

"Ah yun! Nothing! Sa mga nasabi ko kanina. May meaning yun. She's a snake. Lahat inaagaw niya." sabi niya at umirap sa hangin.

"Ahh. Snake huh. " I said.

Uwian na namin. Dumiretso ako sa parking lot at tiningnan ko kung nandito na si kapre. My personal driver. Napangiti ako sa pumasok sa isip ko. Driver! May driver na pala ako.

May isang humaharurot na kotse at tumigil sa tapat ko. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto nito at nakita ko si kapre.

"Hop in. Bilis! Fuck! Don't just stand there!" sigaw nito. Dali-dali akong sumakay sa kotse niya. Agad niya itong pinaharurot. Halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa sobrang bilis nito. Bakit ba nag mamadali to?!

"Ba't ka ba nag mamadali! Dahan dahan naman!" sigaw ko habang nakakapit sa seat belt. Buti na lang at nakapag seat bealt ako. Bullshit! Ang bilis ng takbo niya!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagmura. "What the fuck Kapre! Ba't ka ba nag mamadali?!" malakas na sigaw ko, pero ni isang sagot wala akong narinig.

"Hoy! Kapre! Sumagot ka!" sigaw ko ulit at tumingin sa kanya. He's really focusing on driving. Bwisit na yan!

"Isn't it obvious! May humahabol sa atin!" sagot niya. Humahabol?! Tumingin ako sa likod. Shit! Tatlong kotse ang humahabol sa amin. Bakit may humahabol sa amin?!

Marrying The Playboy GangsterWhere stories live. Discover now