CHAPTER 44

57 3 0
                                    

"Hoy! Mga ulok! Ubos na naman ang mga pagkain sa ref! Mga patay gutom kayo! Wala kayong ibang ginawa kundi lamunin lahat ng laman ng ref namin!" sigaw ko habang naglalakad ako papuntang sala kung saan nakatambay ang mga magagaling na kaibigan ng kapreng yun.

Pero parang wala sila narinig dahil may kanya-kanya silang mundo. Yung iba nag cecellphone, yung iba naman nanonood ng tv.

Mga bwisit! "Hoy nasaan ba yung kapreng yun at ng mautusan kong mag grocery!" tanong ko sa kanila, pero walang pumapansin saakin. Nabwibwisit na ako sa mga ito!

"Hoy!" malakas kong sigaw at sinipa ang table kaya ito nabaliktad sa harapan nila. Napatigil sila sa mga ginagawa nilaat napatingin sa akin. Gulat na gulat pa ang nga tarantado.

"Nasaan si Gray?" tanong ko sa kanila. Yung iba nag kibit balikat lang.

"Dunno." sagot ni Xzean sa akin. Ba't ba nandito tong mga ito ngayon?

"I'm here." nakarinig ako ng baritonong boses sa likod ko. He's voice is so sexy. Tangina mo Vannah! Pull your shit together! Lumingon ako at pinaningkitan siya ng mata. Saan naman galing ito?

"Mag grocery ka, wala na tayong makakain." sabi ko sa kanya at naglakad papalayo mula sa sala. Ayokong magtagal na kausap siya, I'm disgusted. He maked out, at nakita ko pa. May asawa na nga lumalandi pa.

Oh! I forgot. Kasal lang pala kami sa papel. No more, no fucking less.

"Eh kung ayoko." napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Nakangisi ito na para bang nang-aasar. Ang sarap niya! Ay este ang sarap niyang kaltukan!

"At bakit naman ayaw mo?" naningkit ang mata ko habang tinatanong siya.

"Kasi ayaw ko." napaka simpleng sagot lang nito habang nakatingin sa akin.

Ayaw mo pa lang mag grocery ha? Edi fine walang kakain! Magutom kang bwisit ka! Bahala ka jan!

Nakangisi pa rin ito. Sige ngumisi ka lang jan. Tingnan natin kung sinong magugutom mamaya. Akala mo ha, tingnan ko lang kung makakangisi ka pa mamayang kapre ka.

"Edi walang kakain." wika ko saka tuluyang naglakad papalayo mula sa kanila at nagtungo sa kwarto ko. Sinuot ko lang ang black rubber shoes ko saka kinuha ang black cap ko. I'm just wearing a black t-shirt and denim high waist short.

I'm going to the grocery store. Napangisi na lang ako sa maitim kong plano. I'm sure hindi niya iti magugustuhan.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko, yup. New car again guys. Bumili ako ng bago, matadtad ba naman ng bala ang sasakyan ko nung nakaraang linggo.

"Hoy! Saan ka pupunta?" tanong ng pinsan kong abnoy na su Xzean. Inirapan ko lang siya, wala akong panahon para sagutin ang tanong niya.

I parked my car on the parking lot and entered the store.

Binili ko lahat ang dapat kong bilhin. May noodles, chips, biscuits at iba pa. Nang mapadpad ako sa meat section, kumuha ako ng medyo marami para may stock, kumuha din ako ng karne ng manok.

Nahagip ng mata ko ang isang padlock. Napangisi ako, kumuha ako ng isang malaking padlock saka tuluyang pumunta sa counter at nagbayad ng mga pinamili ko.

Nilagay ko sa compartment ng kotse ko ang mga pinamili ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom, kaya napagdesisyunan ko munang dumaan sa McDonald's para kumain.

Nasa mall kasi ako ngayon, hehe. Gagala lang ako saglit. Umorder lang ako saglit ng isang Mcfloat at fries.

Umupo ako sa isang table at tanaw na tanaw ko ang labas, hmm. Busy ako sa pagkain ng may biglang umagaw ng kinakain kong fries.

Marrying The Playboy GangsterWhere stories live. Discover now