Tuwing naaalala ka
Nadarama'y lungkot at ligaya
Ako'y napapangiti ng 'di sinasadya
Ngunit may lungkot sapagka't iba ang iyong nadarama
Kanina lang ikaw ay nakasama
Ngunit agad ay hanap-hanap kita
Kapag ika'y tinititigan
Pagsampal ng reyalidad ay akin napagmamasdan
Kitang-kita ang napakalayong agwat
Kaya't napopoot sa pusong 'di maawat
Alam ko naman na hindi dapat
Kaya't ililihim na lang ang lahat
Ang totoo'y nahihirapan na
Habang tumatagal, nararamdamang lumalalim pa
Puso't isipan ay nagmamatigas
Kahit 'di ko nais ang mangahas
Hindi mapigilan ika'y ikwento sa iba
'Pag naiisip ka, ako'y sumasaya
Kahit ako lang ang nagpapahalaga
Sa mga alaalang kailan man 'di mo maaalala
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryAng aking lihim na nadarama, idinaan na lamang sa mga tula. *Plagiarism is a crime. Do not copy or reproduce without the Author's permission. **The photo used as book cover was downloaded from an application (Themes) on my cellphone.