You're Officially MINE

387 11 0
                                    

Chapter 9
Nathimik silang parehas. Tanging mga ingay ng sasakyan at usapan lang ng mga taong dumadaan ang maririnig.

Ilang minuto rin silang nasa ganun nang maglakas loob na si Malaya na unang magsalita upang mawala ang tila isang malaking pader sa pagitan nilang dalawa.

Kamusta ka na? Bakit mo ako iniiwasan? Lahat ng tawag at texts ko hindi mo sinasagot.
Bagsak ang mga balikat na sabi nya habang nilalaro ang sabitan ng kanyang bag habang nakaupo sila ni Echo sa labas ng bar.

Wala naman nang dahilan di ba. I'm sure nagkabalikan na kayo ng ex mo. Kaya wala na akong kwenta sayo. Sagot nya na nasa kabilang direksyon nakatingin.

Huminga ng malalim si Malaya, saglit na nanahimik bago muling nagsalita.
Alam mo ang drama mong bakla ka. Pinangungunahan mo ko e noh. Hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag sayo. Ang dami dami mong kuda dyan.

Ewan ko sayo. Bakla ka dyan.
Naiiritang bulong nya na tama lang para marinig ng kausap habang nakatingin sya sa mga dumadaang tao sa kanilang harapan.

Aba bakit di ka ba bakla? Hahaha!! Di lang kita nakita ng ilang araw ganyan ka na. Wag ka nang mdrama dyan, hindi mo ba gusto malaman kung ano pinagusapan namin ni kenneth?
May halong pang aasar sa tono nya at nakatingin sa mukha ni Echo pinagmamasdan ang reaksyon nito.

Para san pa? "Masasaktan lang ako” pabulong na sabi nya huling pangungusap upang hindi marinig ni Malaya.

Huy? Ano? Anong sinabi mo?
May pagtataka sa boses na tanong ni Malaya.
At inilapit pa nya ng bahagya ang tenga sa mukha ni Echo.

Wala. Sige na ano ba pinagusapan nyo?
Kunwaring hindi interesado pero gusto nya rin talagang malaman ang pinag usapan ng dalawa makaraang umalis sya ng biglaan.

Ito na nga kinwento nya sakin na kelangan daw nya ko hiwalayan kasi kailangan na nyang pumunta sa canada para maalagaan yung may sakit nyang mama, then ang gusto ng mama nya bago mamatay e maikasal sya sa babaeng pinili ng mama nya pra sa kanya.
Masiglang kwento ni Malaya sa kanya.

Wow ahh. May ganyang awrahan pa pala sa panahon ngayon? So kelangan nya mamili between you and his mother?
Taas kilay namang sagot ni Echo sa kanya.

Tumpak! Plakak! Yun na nga, sabi nya sakin na handa daw nya ko ipaglaban kung papayag ako.
Pagpapatuloy nya sa kwento na medyo ikinainis naman ni Echo.

Oh e ano naman sinagot mo? Pumayag ka noh?
Halata sa boses nya ang pagka irita ngunit nakinig parin sya sa kwento ng kaibigan.

Syempre...
Naputol ang sasabihin ni Malaya nang biglang sumabat muli si Echo.

Tsk!! Sabi na nga ba ehh Bahala ka dyan desisyon mo yan, ayoko na makialam sa buhay mo. Bigla syang napatingin kay Malaya nang marinig nya sa sinabi nito.

Ano ka ba tapos na ba ko magsalita ha? Umeepal ka ehh. Patapusin mo muna ko.
So ayun na nga syempre... Napahinto sya sa pagsasalita at muling pinaglaruan ang sabitan sa kanyang bag.

Hindi na ko ano pumayag. medyo pabulong na sabi nya kasabay ng biglaang pagpaling ng kanyang ulo sa kabilang direksyon ni Echo.

Ano nga sabi mo? Napalingon sya kay Malaya gusto nyang alamin kung tama ang kanyang pagkakarinig.

Haay.. Sabi ko hindi na ko pumayag. Kasi ayoko naman na maging dahilan ako ng mabilisang pagkawala ng nanay nya noh. Di ako ganun ka sama. Mamaya bigla akong multuhin ng nanay nya. tska sabi ko kay kenneth na...
Muling naputol ang sinasabi nya. Iniisip nya kung tama ba ang kanyang sasabihin.

My BEKI Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon