Chapter 21
Hindi mawala sa isip ni echo ang mga nasaksihan nya sa cebu.. Binabagabag sya ng damdamin sa mga nalaman, may kung ano syang nararamdaman sa batang kasama ni malaya na hindi pamilyar sa kanya. Pakiramdam na ngayon nya lang naranasan.
Francis: bakla.. Hoy!! Bakit tulala ka dyan?? Malapit na tayo sa manila.
Exho: ha?? Ahh.. Oo sige.
Chad: para kang naengkanto dyan.. May nangyare ba??
Echo: nagkita kami ni malaya nung time na humabol ako sa inyo. Nakita ko sila ni kenneth, pati na rin ung baby nila..
Chad: ha? Nagkita na kayo?? Paano?? Saan??
Echo: nagkabangga kami sa labas ng hotel. Kasama nya ung baby nila ni kenneth??
Francis: sure ka bang baby nila ni kenneth yun??
Chad: oo nga, wala namang dimples ni kenneth noh.( nagulat sa sinabi at napatakip sya ng bibig)
Echo: bakit?? Nakita mo na ba ung baby??
May hindi ba kayo sinasabi sakin ha??Francis: sabihin mo na bakla.. Ikaw kasi ehh,,(hinampas si chad sa braso)
Chad: e kasi echo, nung bago tayo mag show, naalala mo ba nung sinabi kong lalabas ako para maghanap ng jojowain??
Nung lumabas din kasi ako ng hotel nakita ko sya.. Inaway away ko pa nga sya eh tapos nakita ko ung junakis nya..
Alam mo ba ikaw agad naalala ko nung makita ko ung bata. Kaya tinatanong ko kung sigurado ka bang kay kenneth nga si jugets..
May duda ako dun lalo na’t bago sya nag m.i.a(missing in action) e may nangyare sa inyo diba?? O e pano kung nabuo..Echo: bakit di nyo sinabi sakin agad?? Pinatagal nyo pa??
Francis: inalala ka lang naman namin. Baka hindi ka na naman makapagfocus sa performance natin nun..
Echo: kahit na.. May alam na pala kayo pero hindi nyo agad sinabi sakin. Ano ba yan.
Chad: sorry na. Ikaw lang din naman inaalala namin syempre ayoko na habang nagpeperform ka dun at pinapasaya mo ung mga tao ikaw naman hindi masaya. O edi apektado din kami kasi kaibigan mo kami.
Francis: oo nga inaalala ka lang namin.
So ano nga? Sure ka bang kay kenneth yun??Echo: sabi ni malaya. Sya na mismo nagsabi ehh..
Chad: hay naku, kahit naman ako pwde kong sabihin un. Eto oh, "francis anak kita ako ang tunay mong ina”. O diba?? Ang tanong maniniwala ka ba??
Francis: syempre hindi tignan mo nga hulma ng muka mo sakin??
Chad: exactly the point. Hindi tayo magkamuka. Kaya ikaw echo simulan mo nang pagisipan yan, juscolored dimples palang ikaw na ikaw na yung bata.. Para kayung pinagbiyak na inidoro..
Echo: grabe ka hinambing mo talga sa inidoro.. Oo inidoro tapos ikaw ung laman.. Tapos ipa flush kita gaga..
Chad: hahaha!! Ang akin lang naman kamuka mo ung jugets..
Francis: oo nga friend. Baka kasi sinabi lang ni malaya yun.
Echo: bakit kelangan nya pa magsinungaling?? Ayaw nya ipakilala sakin ung anak ko ganun?? Ang sama naman nya.
Chad: baka naman may reason sya.. Pakinggan mo muna yung side nya once na magkita kayo ulit.
Francis: oo nga, baka di pa sya ready. Ganun..
- Hanggang sa makauwi si echo binabagabag parin sya sa mga sinabi ng kaibigan.
Echo: sana masagot na po lahat ng katanungan ko lord. Kayo na pong bahala sakin.( taimtim syang nanalangin sa panginoon)
Lumipas ang ilang linggo, balik na din sa dati ang lahat maliban sa araw na ito.
-Habang papalabas si echo ng isang mall may natanaw syang pamilyar na tao. ngunit umusbong ang galit sa kanyang dibdib nang makita nya itong may kasamang iba.
Echo: kenneth!! ( sigaw nya sabay salubong ng isang malutong na suntok) hayup ka nasayo na si malaya pero nagawa mo parin syang lokohin?? Anong klaseng lalaki ka?? At ikaw babae,(baling nya sa kasama ni kenneth) hindi mo ba alam na may asawa na tong gagong to)
Lyka: oo alam ko.
Echo: tsk!! Alam mo and yet pumatol ka dito??
Lyka: excuse me?? Oo alam kong may asawa sya kasi ako yun.( sabay pakita ng wedding ring)
Echo: ano?? Kenneth asawa mo sya tapos inasawa mo din si malaya?? Anong klaseng tao ka??
Kenneth: magpapaliwanag ako.
Lyka: malaya?? Bat nman nasali si malaya dito?? Hon anong sinasabi ng beki na to??
Kenneth: pwde ba echo huminahon ka muna.. Pag salitain mo ako.
Echo: o sige anong paliwanag mo dito aber??
Kenneth: si lyka sya ang asawa ko.
Si malaya kaibigan ko lang, sa totoo nyan magkakilala sila ng asawa ko.
Nagsinungaling si malaya sayo. At yung batang kasama nya?? Anak mo yun.. Hindi ka ba nagtaka sa pangalan ng bata..
Pinaghalo nya yung names nyo. Sinabi nya lang yun para tumigil ka na.
Haaay.. Sinabihan ko na si malaya na mgiging gulo to ehh..
Basta echo ikaw nalang kumausap sa knya. Wala akong kinalaman sa paghihiwalay nyo, masaya na ko sa pamilya ko.( umalis na sila ni lyka)Echo: ( lalong naguluhan sa mga nalaman nya)
--Next chap nlang.
BINABASA MO ANG
My BEKI Boyfriend (EDITING)
FanfictionAno kayang mangyayari kung ma inlove ang isang beki sa isang tunay na babae? Si Malaya ay isang simpleng babae, gusto lamang nya na may isang taong magmamahal sa kanya ng tapat ngunit sa kasamaang palad lagi na lamang syang naloloko. She always suff...