She wakes up

207 7 0
                                    

My BEKI Boyfriend

Chapter 41

Echo: (kausap ang magulang ni malaya) tito tita. Pasensya na po kung ganito po ang nangyari kay malaya. Hindi ko po ginusto ito.(umiiyak na paliwanag nya)

Tatay: wala ka namang kasalanan sa nangyari echo. Alam ko yun.

Nanay: anong wala? Dahil sa kanya kaya nandyan ngayon ang anak mo?? Hanggang kailan mo ba pahihirapan ang buhay ng anak ko ha? Dati okay naman sya nung magkaibigan palang kayo, pero bakit simula nang may namagitan sa inyo lagi nalang nalalagay sa alinlangan ang anak ko?

Tatay: wag mo naman pagsalitaan ng ganyan si echo, hindi nya kagustuhan ang nangyari. Tska alam naman natin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.  Hayaan nalang natin sila sa kagustuhan nila.

Echo: sorry po talaga.

Nanay: sorry?? Sa tingin mo magigising ng sorry mo ang anak ko?? Kung sa tingin mo magigising sya, pwes umpisahan mo nang magsorry nang magsorry . pero kung hindi, wag ka nalang magsalita. Kapag may nangyaring masama sa anak ko. Sinasabi ko sayo hinding hindi kita mapapatawad at si Layrric? Hinding hindi mo na rin sya makikita pa kahit kailan!! Tandaan mo yan. Ayokong pati ang apo ko ay mapahamak dahil sayo!!

Tatay: hindi naman yata tama ang mga sinasabi mo, tatay parin sya ng apo natin at karapatan nyang makasama ang anak nya.

Echo: wala po akong ibang kayang sabihin sa ngayon kundi sorry, kung pwde lang na ako nalang po ang nasa kalagayan nya gagawin ko.

Nanay: sana nga, sana nga ikaw nalang ang nakaratay doon.(hagulhol nya) ipagdasal mong magising na sya.(sabay alis)

Tatay: teka lang saan ka pupunta?? Echo anak, wag mo nalang intindihin ang mga sinabi nya ha, sadyang nasaktan lang ng husto yjm, syempre kahit naman ako masakit para sakin ito. Pero alam kong walang may kasalanan dito. Hindi talaga maiiwasan ang aksidente. Sana wag mo nang sisihin pa ang sarili mo. Ipagdasal nalang natin na sana magising na sya.

Echo: opo ipagdadasal ko po sya. Pasensya na po talaga.

Tatay: mauuna na ako at susundan ko muna ang nanay mo ha. Ikaw na ang bahala kay malaya. Uuwi na siguro kami para mabantayan din si Layrric.

Echo: sige po. Ingat po kayo. Miss ko na po si Layrric.

Tatay: kami na ang bahala sa anak mo. Ikakamusta ka nalang namin sa kanya ha.

Echo: opo.

Pagalis ng tatay ni malaya agad syang pumasok sa kwarto ni malaya at kinausap ito.

Echo: mahal, kelan ka ba gigising?? Mag 1week ka na dito. Please naman idilat mo na ang mga mata mo. Namimiss na kita, si baby lagi ka hinahanap. Yung nanay mo gusto na yata akong gawing bbq sa sobrang galit nya sakin. Maawa ka naman sakin magising ka na. Di mo ba ako namimiss?? Siguro way mo ito para sabihin sakin na ayaw mo ko pakasalan noh?? Kung matapang ka talaga sabihin mo sakin ng harapan hindi ung tutulugan mo lang ako ng tutulugan. Malapit na magstart yung sasalihan kong contest tapos ikaw tulog parin? Paano mo ako mapapanuod at susuportahan kung ganyan ka. Ang daya daya mo naman eh.( lumuluha paring sabi nya)

Maya maya pa gumalaw ang kamay ni malaya na hawak nya ng mahigpit.

Echo: (nagulat) bebe ko?? Magigising ka na ba?? Teka tatawag ako ng doktor..
Dok!! Dok!! Si malaya po dok..

Pagdating ng mga doktor at nurse ay agad syang lumabas upang matignan ng maayos si malaya.

Echo: Lord please pagalingin nyo na po sya, sana magising na po si malaya. Huwag nyo naman po sya kunin sakin kaagad. Nagsisimula palang po kami na bumuo ng pamilya ehh.. Ikakasal pa lang po Kami. Wag naman po muna ngayon parang awa nyo na lord.

Mukhang dininig ng maykapal amg dasal nya dahil nagising na si malaya.

Dok: nagising na ang pasyente. Pwde nyo na po sya kausapin.

Echo: thank you po dok.

Agad na pumasok si echo sa kwarto at nilapitan si malaya.

Echo: mahal kamusta ka na?? Kala ko di na kita makikita. Sobrang pinakaba mo ako grabe ka. Akala ko aatakihin na ko sa puso lalo na nung na cardiac arrest ka.
Miss na miss na kita bebe ko ehh..

Malaya:( nagtataka) teka, teka lang ha.
Kilala ba kita?? Sino ka ba??

Matagal bago nakapag salita si echo. Para syang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni malaya.

Echo: di mo ba ko natatandaan mahal?? Si echo ako. May anak tayo si Layrric. Bago tayo maaksidente nagpropose pa nga ako sayo ehh..(Naluluhang sabi nya)

Malaya: (seryoso ang mukha)  talaga ba?? Pumatol ako sa beki??

Echo: mahal, dati oo beki ako pero ngayon hindi na. Wala ka ba talagang naaalala??

Malaya: meron, ang naaalala ko lang, (matagal syang nanahimik at ngumiti)
Yung epic mong mukha nung sinabi kong sino ka... Hahahaha!! Ang tindi nun..

Echo: hala. Wala kang amnesia mahal?? Kilala mo pa ko??

Malaya:(tumitig ng matagal kay echo na para bang kinikilala ito) lapit ka nga dito.

Echo: bakit mahal.( inilapit ng konti ang mukha nya)

Malaya: lapit ka pa, konti pa.

Echo: ganito ba??

Malaya: (nung sobrang lapit na ng mukha ni echo sa kanya, agad nya itong hinalikan) syempre kilala kita. Ikaw ung taong mahal na mahal ko. Di kita pwdeng malimutan noh.

Echo: mahal naman ehh.. Akala ko nagka amnesia ka na.. Diba ganun nangyayari sa mga palabas.. Tinakot mo ako dun.(pinunasan ang nakawalang luha sa kanyang mata)

Malaya: wag ka na umiyak. Magang maga na yang mata mo.. Singkit na nga lalo pang nawala sa kakaiyak mo. Hindi pa naman ako patay eh.

Echo: miss na kita sobra( niyakap nya ng mahigpit)

---end of this chapter see you tomorrow😁😁

My BEKI Boyfriend (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon