Chapter 25
Echo: saan ang magiging kwarto ko??
Malaya: ha?? Ahh ano.. Dun ka nlang sa kanang kwarto katabi nung samin ni baby.
Echo: okay( at deretsong pumanhik sa hagdan at pumunta sa magiging kwarto nya.) Akala nya maiisahan pa nya ako ha. Hindi ko na sila pakakawalan ng anak ko. Lahat gagawin ko para di na kayo mawala sakin.( napangiti sya sa naisip)
Narinig nyang umiyak si layrric kaya bigla syang napatayo at tumakbo sa kwarto ng bata.
Echo: hi baby ko, tahan na dito na si daddy..(pagaalo nya dito. Inihehele nya ang bata nang umakyat si malaya)
Malaya: ahh,, andyan ka na pala. Antok pa ba??
Echo:(tumango nalang. Nang maramdamang nahihimbing na ulit ang bata ay inilapag na ulit nya sa higaan.) Aayusin ko lang ang mga gamit ko.
Malaya: si- sige.. Magluluto lang ako kasi magtatanghalian na eh. May gusto ka bang ulam??
Echo: ikaw na ang bahala.( at pumasok na sa kwarto) humanda ka ngayon sakin.. Hmmp!! Pero namiss kita ng sobra mahal..hhhmmmm..(pagkausap nya sa sarili)
Malaya: mas gumwapo sya ngayon.( napangiti) iba talaga nagagawa pag sikat na..hihi!!
Pagkatapos magluto ay tinawag na ni malaya si echo upang kumain.
Pag akyat nya nakita nyang nakikipaglaro na si echo sa anak. Hindi sya napansin ng mag ama, naisipan nyang kuhanan ito ng picture kaya kinuha nya ang cp at kinuhanan sila pero hindi nya alam na may flash pala ang camera nya kaya napatingin ang dalawa sa kanya at muntik na nyang mabitawan ang cp.Echo: kinukuhanan mo ba kami?(nakangising sabi nya)
Malaya: ha?? Hi- hindi ahh.. Na- nakita ko kasi na may ilaw ung cp ko ka-kaya kinuha ko tapos iyon yung nakita mo. Akala mo lang flash pero pinatay ko yung ilaw.
Echo: sinungaling, patingin nga ng cp mo kung hindi ko kami kinukuhanan..
Malaya: ha?? Hindi nga anu ka ba.(ngunit nung itatago na sana nya ang phone bigla nalang nakuha ito ni echo.)
Echo: so let’s see..( at naghanap ng ebidensya)
Malaya:wag na(pilit kinukuha ang phone nya kaso inangat ni echo ang kamay nya kaya hindi nya makuha iyon.) Akin na kasi yan.. Ibigay mo na .
(natalisod si malaya dahilan upang mabunggo sya sa dibdib ni echo, nalanghap nya ang pabango nito at di naiwasang mapapikit, nung iangat nya ang mga mata ay Nagkatitigan ang dalawa dahil sa lapit ng mga mukha nila. Unang nagiwas ng tingin si malaya kaya nahanap ni echo ang picture.)
Echo: aha!! Sinasabi ko na nga ba pinicturan mo kami ni layrric. Oh, see baby your mommy is not telling the truth. She took a picture ohh, (at pinakita sa anak. Tumawa naman ito na tila ba naiintindihan ang sinasabi ng ama.)
Malaya: amina nga yan.(hinablot ang cp nya at itinago sa bulsa)
Echo: naku, alam mo bang bawal kumuha ng pictures ko nang hindi ka nagpapaalam?? Pwde kita kasuhan.( sabay ngisi. Binalingan nya ng tingin ang anak at binuhat ito.) Let’s go baby kain na tayo.
Malaya: masama ba kuhanan ng picture ang magama ko.( pabulong)
Echo: may sinasabi ka??
Malaya: wala, sabi ko kain na tayo.
-Sa hapagkainan-
Tinikman ni echo ang lutong sinigang na hipon ni malaya.
Echo: (paghigop ng sabaw. Napatigil)
Malaya: hindi ba masarap??( nakangiwing tanong nito.)
Echo: pwde nang pagtyagaan ng taong nagugutom.(at tuloy - tuloy na sumubo ng pagkain.)
Malaya: ganun ba, teka dahan dahan sa pagsubo baka mabulunan ka nyan.
Layrric: (kinalabit si malaya) mama, ahh.. Ahh.. Ahhh..(senyales na nagpapasubo ito.)
Malaya: ohh, baby gutom ka na din.. Here na ang food.( at sinubuan ang bata. Inuna na muna nyang pakainin ang anak bago sya kumain, nang matapos pakainin ang anak ay inilapag nya muna ito sa mini playground upang maglaro tska sya kumain.)
Echo:(pinagmamasdan ang kilos ni malaya at kung paano nya asikasuhin ang anak nila.) Mother material ahh.(pabulong na sabi nya.) Hi baby let’s play na.(nakipagharutan sya sa anak nya, hindi nya rin inaksaya ang pagkakataon na kuhanan ng picture ang kanyang anak.)
Malaya: ahh.. Echo, ikaw muna ang bahala kay layrric ha. Maliligo lang ako.
Echo: (tumango lang.)
Pumasok na sa banyo si malaya at naligo.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ito ng nakatapis, napatingin naman si echo at natulala sa nakikita. Halos gusto na nya itong takbuhin upang halikan pero pinigil nya ang sarili at nagkunwaring walang nakita.Nang makaakyat si malaya ay kinausap nya ang kanyang anak.
Echo: baby, gusto mo ba na maging kuya na?? Miss na miss ko na kasi ang mommy mo ehh.. Kaso may tampo pa ko sa kanya, ayos lang ba sayo?( tumawa lang ang bata na parang sumasangayon din sa ama.) Talaga baby?? Secret lang natin yun ha, wag mo sabihin kay mommy.
(Pinatunog lang nito ang laruan sabay ngiti. tila tumugon kay echo.-KINAGABIHAN-
Habang pinapatulog ni malaya ang anak ay pumasok si echo sa banyo upang maligo.
Nang makatulog ang baby ay agad inakyat ni malaya sa kwarto. Bumaba din sya dahil hindi pa sya inaantok. Nung malapit na sya sa huling baitang nakita nya si echo na nagpupunas ng basang buhok at katawan, nakasando naman ito ngunit iba parin ang impact nito sa kanya. Natitigan nya ang buong mukha ni echo na sobra na nyang namimiss ang basang buhok nito na nagpadagdag sa appeal nya. At ang mga braso nitong nakalabas dahil sa suot nitong sando. Bumalik lang sya sa katinuan nang biglang nalaglag ni echo ang twalyang nasa bewang nya. Kaya napatalikod ng di oras si malaya.
Echo:(pagpulot ng twalya at habang ibinabalik ito) ohh, andyan ka pala. Kala ko natulog ka na.
Malaya:( hindi parin humaharap) ha?? Ano di pa kasi ako inaantok ehh. Manunuod pa sana ako.
Echo: ahh.. Kaya pala nandyan ka, so ano papanuorin mo?? Ako ba?? Nageenjoy ka ba sa nakikita mo?? Bakit ka nakatalikod?? Kanina nakatulala ka pa ehh..( pang aasar nya dito)
Malaya: (pulang pula sa hiyang napatingin kay echo) ako?? Pinapanuod ka?? Assuming ka ahh..
Echo: e bakit ka namumula.(lalo pa nyang inaasar) tska tumalikod ka pa nga nung nalaglag ung towel ko e nakita mo na naman to di ba??
Malaya: nakakadiri ka!! Makaakyat na nga lang nawalan na ko ng gana manuod. Bwisit!!(padabog na umakyat ng hagdan. Hiyang hiya sa inasal) nakita nya pala yun.. Tanga tanga mo talaga malaya.. Nakakainis pa tong baklang to, kelan pa sya natutong maging presko..
Echo:( tatawa tawa nalang sa inasal ni malaya.) Hahaha!! Kala nya ha, di ko sya titigilan. Alam ko mahal mo pa ko eh.. Papaaminin kita..
--itutuloy po😘
BINABASA MO ANG
My BEKI Boyfriend (EDITING)
FanficAno kayang mangyayari kung ma inlove ang isang beki sa isang tunay na babae? Si Malaya ay isang simpleng babae, gusto lamang nya na may isang taong magmamahal sa kanya ng tapat ngunit sa kasamaang palad lagi na lamang syang naloloko. She always suff...