Betrayal 1

15.3K 168 15
                                    

×××××

Betrayal 1

 

Jade’s POV

 

            Hindi parin mawala-wala sa isipan ko yung nangyaring rebelasyon ni Maritone at ni Lian sa harapan ni Jessy sa akin.

            “Are you okay? Kung iniisip mo parin yung sinasabe ng mga kaklase mong iyon. Don’t worry hindi ako naniniwala sa kanila. Not unless…”

            “No! That’s not true,”

            “I’m just kidding. Kumain ka na nga, sige ka baka lumamig na yang pagkain mo.” Sabi pa sa akin ni Jessy. Nilibre niya ako sa isang sosyaling restaurant after ng graduation ko. Tinanong niya ako kung bakit wala ang mga magulang ko sa araw ng graduation ko. Malaman kung hindi siya dumating normal ko lang na ise-celebrate ang graduation ko sa apartment na tinutuluyan ko.

            “Nasa probinsya kasi sila, at wala silang pera para lumuwas sa araw na ito. Mamaya tatawagan ko sila para ipaalam na graduated na ako.” Walang ganang sagot ko sa kanya.

            “I’m sure, sobrang proud sa iyo ang family mo, hindi ba?” napatingin ako kay Jessy na masayang ngingunguya ang kinakain niya. Saka ako ngumiti, pinunasan ko ang gilid ng labi niya dahil may natirang pasta sa gilid nito. Nagulat siya sa ginawa ko. Saka kami nagtawanan. Dumating na sa wakas ang boyfriend niya. Halos tatlong pung minuto rin itong nawala, na sinabeng magbabanyo lang.

            “Yung totoo? Tumae ka?” asar pang tanong ni Jessy sa boyfriend niya.

            “Tumigil ka nga Jess, nasa restaurant tayo.” Suway pa niya sa kasintahan niya na parang batang umasal ng minutong iyon.

            “E ang tagal-tagal mo e, naubos ba ah?”

            “Shut up.” Bigla nalang tumayo ulit si Ivo at nagwalk out.

            “Are you guys okay?” tanong ko na may kasamang pag-aalala sa dalawa.

            “Yeah, we’re okay. Ganyan naman yan si Ivo, masyadong mainitin ang ulo. Pero don’t worry okay lang yun. Babalik yun, hindi niya ako pwedeng iwan dito no. bakit ba siya ang pinag-uusapan natin ah? Ikaw kamusta ka na?”

            “Okay naman, eto Masaya. Sa wakas nakagraduate na.” iinisip ko palang ang saya-saya ko na. O ako lang talaga itong nakakakita na Masaya akong talaga? Hindi ko kasi maramdaman na Masaya ang pamilya ko sa mga nararating ko. Kahit kailan hindi talaga nila pinapahalagahan ang mag nangyayari sa buhay ko.

            “Parang hindi naman. Kung masaya ka, dapat happy ka. Like this oh!” sabay nilawakan pa niya ang ngiti niya. Doon na ako napangiti ng husto. Hindi siya nagsasawang patawanin ako at pasayahin ako.

            “Thank you for being her today.” Sabi ko.

BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon