Betrayal 6
Jade’s POV
Trabaho na ang lumalapit sa iyo Jade aarte ka pa ba? Siyempre hindi na! ito ang sagot ko sa sarili ko habang inaantay ko ang mokong na ito na sabi magkikita kami pero halos kainin na ng puwitan ko ang inuupuan ko sa loob ng café na ito at kanina pa napapansin ng crew sa café na iyon na hindi pa ako umoorder ningingitian ko lang siya kapag dumadaan siya sa aking harapan. Buwisit na Jarvis ito, ang kapal ng mukha niyang pag-antayin ako.
“Miss oorder ba kayo o hindi?” tanong pa nito sa akin.
“Uhm, wait lang may inaantay lang talaga ako, saglit nalang po. Please.” Pagmamakaawa ko pa sa babaeng ito.
“Kilala ko mga karakas niyo, kaya kung ako sa inyo umalis na kayo bago ko tawagin ang manager ko,”
“Kahit tawagin mo pa ang nanay mo, hindi ako aalis dito, at isa pa. wala naman gaanong tao ah? Bakit mo ako pinapaalis, gusto mo bumili ako? Bibili ako.” Saka ako tumayo at pumila sa counter upang bumili ng…
“Bottled water, meron ho kayo?” umiling yung cashier sa tinanong ko sa kanya. Shemay ang mamahal naman kasi ng mga tinda dito. Kinuhaan nalang niya ako ng isang baso at nilagyan niya ng tubig at muli akong bumalik sa inuupuan ko. Nag-iinit na talaga ang ulo ko, kanina pa ako nandito at nagugutom na ako. Hindi kasi ako gaanong nakakain kanina dahil sa nangyaring iyon kanina sa bahay. Hanggang ngayon hindi ko maisip na nagawa na naman iyon ni Ivo sa pangalawang pagkakataon. Sa totoo lang? natatakot ako na baka, gawin at mawili siyang gawin iyon sa akin. Isang mahabang buntong hininga nalang ang isinagot ko sa sarili ko nang biglang may isang lalake ang huminto sa aking harapan.
“Sorry,” isang lalakeng matangkad nga ang biglang lumapit sa akin. Noong una hindi ko siya nakilala kasi sa suot niyang shades, pero noong tinanggal na niya ito doon ko siya nakilala.
“Pogi ba?” pagmamayabang pa niya sabay pogi pose.
“Gago ba? Oo! Ang kapal din ng mukha mong pag-antayin ako ng matagal na oras?” nagulat nalang ako nang biglang lumapit ang manager ng Café na ito.
“President Calpo, nandito na po ang kontrata.” Sabi pa nito sabay inilagay ang isang kulay puting folder sa lamesa na may kasamang isang sign pen sa gilid nito.
“Anong kontrata yan?” tanong ko sa kanya. Imbes na si Jarvis ang magpaliwanag ay yung manager ng Café na ito ang siyang nagpaliwanag instead of him.
“Ang kontrata pong ito ay nagsasaad na kayo na po ang mag-mamay-ari ng Café Blanca.” Mag-mamay-ari? Tama ba ang naririnig ko? Hinampas ko si Jarvis ng minutong iyon.
“Baliw ka ba?” singhal ko sa kanya.
“Ano ako baliw bakit?”
“Ibibigay mo lang sa akin ang café na ito? Tanga ka ba? Kilala mo ba ako?”

BINABASA MO ANG
Betrayal
ChickLit"Handa mo bang iwan ang pagkakaibigan para sa panandaliang saya?" Warning: This story is not suitable for young ages/ readers. Kung ikaw ay 18 years old pababa ang edad ay wag nang hamakin pang basahin ito, ngunit kung malawak naman ang inyong...