Betrayal 7
Jarvis’s POV
Alam kong ito lang ang paraan para lubayan na ako ni Kareen, na hanggang ngayon ay hindi parin ako pinipigilan sa pag-iilusyon na boyfriend ako. Tang-ina kasi sila Mommy bakit kasi sa dami-rami ng pwede ireto sa akin yung babaeng baliw pa na iyon. Noong unang beses ko siyang nakita iba na talaga ang pakiramdam ko, maganda naman siya kaso walang ibang salitang madedescribe ka sa kanya kundi OBSESSED. Yung isang beses nga na dumalaw ako sa Mommy ko, na sa kawalang palad ay nas aibang bansa pala ng araw na iyon. Dahil sa medyo malayo ang batangas ay nagpahinga nalang ako, naligo ako sa swimming pool na naka-brief lang. Maya-maya ay nakita kong inaamoy ni Kareen yung damit at pantalon inilagay ko sa isang gilid ng pool halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko. Malakas ang pakiramdam ko na baliw, noong naramdaman niyang nakita napansin niya na nakikita ko yung ginagawa niya, doon niya dahan-dahan ibinaba ang mga damit ko. Yung akala ko na aalis siya dahil sa kahihiyan na ginawa niya. Mali ako! Hindi siya umalis bagkus, naghubad siya sa harapan ko. At ako? WTF anong ginagawa niya?
Lumusong siya sa swimming pool at lumapit sa akin. Noong nakalapit na siya sa akin ng husto ay nilock niya ang kanyang dalawang kamay sa aking leeg, and the minute she want to kiss me, doon ko na siya tinulak palayo sa akin. Binasa ko ang mukha niya ng tubig at umalis na ako sa swimming pool, hindi na ako nagbalak na tignan ang reaksyon niya sa ginawa kong iyon. Wala akong pakielam kung nabastos ko siya, binastos niya rin ang araw ko na ito. Dapat mag-a-unwine ako sinira niya.
Sa sobrang inis ko umalis nalang ako sa resort naming iyon, pinipigilan ako ng guard namin na sumakay sa kotse ko, hindi ko maintindihan kasi ayaw niyang magsabi kung anong meron sa loob ng kotse ko kaya binuksan ko ito. Noong nabuksan ko na ito, halos mapamura ako sa nakita ko. Nakapanty at bra lang si Kareen.
“Ano na namang kabaliwan ito Kareen?”
“Gusto ko sana makisabay sa iyo Babe.” Saka binasa pa niya ng laway niya ang labi niya, nakakasuka! Kadiri! Hindi man lang ako nalilibugan sa kanya, nasusuka pwede pa. hinila ko siya palabas ng kotse ko.
“Dumihan mo na ako, wag lang ang kotse ko.”
“Gusto mo bang dumihan kita Babe?” mapang-akit pa niyang salita sa akin.
“Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo, at please wag mo akong tawagin babe kasi hindi ako baboy. At isa pa, walang tayo. Kahit kailang walang tayooooooooooo….” Sigaw ko pa ng malakas sa kanya saka ako pumasok sa loob ng kotse at pinaharurot kaagad ito palayo sa kanya.
XXXXX
“Yun lang iyon?” Anong yun lang iyon? Kung alam niya lang kung paano ako nagtiis ng isang araw para lang sa Mommy ko, kahit na ayaw ko at ayaw ko talaga pinilit ko makasama ko lang yung babaeng iyon, pero pinagsisisihan ko. Minolestya niya ako.
“Anong ayun lang iyon?”
BINABASA MO ANG
Betrayal
ChickLit"Handa mo bang iwan ang pagkakaibigan para sa panandaliang saya?" Warning: This story is not suitable for young ages/ readers. Kung ikaw ay 18 years old pababa ang edad ay wag nang hamakin pang basahin ito, ngunit kung malawak naman ang inyong...