Betrayal 5

9.5K 113 13
                                    

Betrayal 5

 

Jade’s POV

 

            Hindi ako pinatulog ng gabing iyon dahil kumakapit parin sa aking alaala ang mga nangyari. Ni hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa bestfrind ko yung bagay na nakita ko na ginawa ng kasintahan niya. Isang malaking buntong hininga ang iniwan ko sa sarili ko bago ko muling ipikit ang mga mata ko. Hindi lahat ng mga bagay ay maaari mong sabihin, may mga bagay na dapat mo nalang ilihim at kalimutan. Para hindi na lumaki pa ang issue. Sana nga! At sana magbago na si Ivo, pero I bet to disagree kung magbabago siya.

XXXXX

            “Goodmorning…” isang malakas ang sigaw ang bumungad sa akin ng umagang iyon. Sa lakas ng sigaw na iyon ay kaagad na patayo ako sa kinahihigaan ko.

            “Araaaayyy…” sabi ko sa sarili ko habang sinasapo ko ang ulo ko, ang sakit talaga kasi medyo naparami din kasi ang inom ko ng alak ng gabing iyon.

            “Hihihi, Goodmorning bessy,” niyakap pa ako ng maghigpit ni Jessy ng minutong iyon.

            “Anong nangyayari sa’ yo? Anong meron Bessy?” pagtataka kong tanong sa kanya.

            “Wala lang, Masaya lang ako kasi okay na ulit kami ni Ivo.” Masayang sabi niya sa akin.

            “Bakit may problema ba kayo ni Ivo?” doon na niya kiniwento sa akin ang problema raw nilang dalawa.

            Base sa kwento ni Jessy, nitong mga nakaraang araw parang ang lamig lamig raw ng pakikitungo ni Ivo sa kanya. Ni hindi raw ito mag-tetext kung hindi raw si Jess yang unang magtetext sa kanya, tapos kapag tinatawagan naman raw niya ito ay laging busy raw ang sagot nito sa kanya. Pero kagabi nagkita raw sila, oo bigla nalang umalis itong si Jessy pagkadating na pagkadating namin sa unit. At sabi nito ay may pupuntahan lang daw siya.

            Hindi na niya naikwento yung ibang parte kasi kinikilig raw siya.

            “Nga pala bessy, pupunta lang ako nang office ngayon kasi may meeting kami kasi may malaki kaming event na pupuntahan ngayon week. Ikaw muna ang bahala dito ah? Kung nagugutom ka may mga groceries pa naman diyan magluto ka nalang ah? Sige,” sabay hinalikan ako sa pisngi ni Jessy at saka na ito lumabas ng unit.

            Nag-unat ako ng katawan ko at saglit na nag-exercise. Saka pumunta sa kusina upang ihanda ang umagahan ko para sa araw na iyon. Tinali ko pa ang buhok ko, suot suot ko ang maluwang kong damit at nakashort lang ako ng minutong iyon, hindi pa ako naliligo kasi pagkatapos ko nalang kumain doon ako maliligo. Tumingin ako nang mga recado sa loob ng ref. ni Jessy marami stocks ang loob ng Ref na iyon, may baboy, manok, hotdog, porkchop, at iba pa. may mga gulay rin sa loob ng ref niya. Napangiti ako sa nakita ko ang sarap, naisip ko na ang lulutuin ko. Menudo.

            Kinuha ko ang baboy at hinugasan ito, saglit ko lang siyang binabad sa running water sa may sink upang mawala yung crystal niya dahil sa yelong kumapit dito. Para hindi mahirap hiwain. Hinugasan ko rin ang iba pang rekados gaya ng carrots, patatas, sibuyas, at iba pa. pagkatapos kong hugasan ay nagsimula na akong maghiwa ng bawang at sibuyas, pagkatapos ay sinunod ko naman ang carrots at iba pang gulay na siyang gagamitin ko sa menudong lulutuin ko. Ang sabi ni Jessy saglit lang raw ang meeting nila kaya susupresahin ko siya pagdating niya dito, sana magustuhan niya ito kahit sa simpleng bagay man lang na ito may magawa ako sa kanya. Mapangiti ko man lang siya sa sarap ng luto ko.

BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon