Betrayal 3
Jade’s POV
“What?” singhal pa sa akin ni Mr. Calpo. Kinilabutan ako sa pagsigaw niay sa akin. Para bang nagising ako sa kahibangan ko ng minutong iyon.
“Niloloko mo ba ako?” muli niyang sigaw sa akin.
“Bakit ka ba sumisigaw?” tanong ko sa kanya.
“Wala kang pakialam kung sumisigaw ako, at isa pa? sa puso? Anong kagaguhan yan Miss De Vera ah?”
“I’m sorry, kinakabahan kasi ako.”
“Well I don’t care kung kinakabahan ka, ano nga pala ang inaaplayan mo? Receptionist? And you are graduated of Computer Science? Sa tingin mo anong maitutulong mo sa kumpanya ko ah?” anong maitutulong ko? Hindi ko alam, malay ko ba? Anong kinalaman ko sa medicine? Kaya nga ako kumuha ng Computer science kasi nga magaling ako sa computer e, tapos tatanungin niya ako tungkol sa saan ba ang tanong niya?
“Wala,”
“Wala?” pagtataka pa niya.
“Opo, Wala. Wala akong ideya kung anong maitutulong ko sa kumpanya niyo kasi wala naman po akong alam sa Medicine, medicol lang ang alam kong gamot at Bio flu, idagdag mo pa yung paracetamol. At clusivol ara-araw.” Leche anog bang pinagsasabi mo Jade? Ano bang nangyayari sa iyo?
“Wala ka naman palang maitutulong, anong ginagawa mo dito ngayon?”
“Sa tingin mo dahil sa maganda ka tatanggapin kita?”
“Uy, sir ikaw ang nagsabi niya ah. Hindi ako.” Pabiro ko pang sabi sa kanya.
“Sumasakit ang ulo ko sa iyo, you can leave now.” Utos pa nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Betrayal
ChickLit"Handa mo bang iwan ang pagkakaibigan para sa panandaliang saya?" Warning: This story is not suitable for young ages/ readers. Kung ikaw ay 18 years old pababa ang edad ay wag nang hamakin pang basahin ito, ngunit kung malawak naman ang inyong...