Betrayal 2

10.8K 133 16
                                    

Betrayal 2

 

Jade’s POV

 

            Kinabukasan,

            Ewan ko kung bakit pagkagising ko ang sakit ng ulo ko. Tumayo ako sa hinigaan ko na masakit ang ulo at ginagalaw-galaw ito. Pagkalabas ko ng kwarto ni Jessy ay kulitang ng dalawang magkasintahan ang bumungad sa akin. Kinikiliti ni Ivo si Jessy sa gilid nito habang si Jessy naman ay tuwang-tuwa at tumatawa pa sa pangkikiliti sa kanya ng binata. Busy at kinukulit kasi ni Ivo si Jessy sa pagluluto nito ng umagahan. Tumingin ako sa orasan 6:30 am na pala. Natahimik at natigilan lang sila noong makita ako ni Ivo na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto ni Jessy na nakasandal ang likuran at pinagmamasdan silang nagkukulitan.

            “Oh? Bessy gising ka na pa?” napahinto si Jessy sa pagluluto, naghugas ng kamay nito at lumapit sa akin para makipag-beso. Bumawi din ako nakipagbeso din ako sa kanya.

            “Ano? Masarap ba ang tulog mo?” tanong pa sa akin ni Jessy. Napatingin ako kay Ivo na busy naman sa pag-aayos ng mga plato na siyang gagamitin namin sa pagkain ng umagang iyon. Ningitian ko si Jessy at sinabe kong… “Oo naman. Ang sarap-sarap ng tulog ko.” Kitang kita ko kung paano mag-iba ang galaw ng katawan ni Ivo ng minutong iyon na para bang kinilabutan sa pagkakabigkas ko ng ‘MASARAP’.

            Hinila na ni Jessy ang kamay ko at sumabay na ako sa pagkain sa kanila ng umagang iyon. Habang kumakain kami ay hindi ko parin maiwasang mahapwayan ng titig ang boyfriend ng bestfriend ko. Ewan ko ba? Pero kahit na sinusungitan niya ako parang ang hot hot kasi niya. Oo aminado ako, crush ko siya. Pero hanggang crush lang at kailangan kong itago yung pagkagusto ko sa kanya kasi, baka masira ang pagkakaibigan namin ng bestfriend ko lalong lalo na, na utang na loob ko sa kanya ang mga nangyayari sa akin ngayon.

            Pagkatapos kumain ni Ivo ay kaagad itong tumayo at nagpaalam na sa kanyang girlfriend. Hinalikan nito ito sa labi at saka na umalis, samantala ako patuloy parin ako sa pagkain. Ang bagal ko talaga kumain kahit kailan.

            “Oh? Bilisan mo.” Sabi pa sa akin ni Jessy. Kumunot ang noo ko sa biglang sinabe noon ni Jessy.

            “Bakit?” tanong ko sa kanya.

            “Diba? May interview ka ngayon?” halos matumba ako sa kinauupuan ko sa narinig k okay Jessy. I almost forgot. Oo nga pala ngayon pala yung job interview ko sa inaplayan ko online. Lagot! 9:oo am yung call time ko for interview, bilang receptionist sa isang malaking kumpanya.

BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon