Betrayal 8

8.2K 92 5
                                    

Betrayal 8

 

Jade’s POV

            Siya si Kareen? Yung kinakatakutan ni Jarvis? Haha nakakatawa, parang kanina lang ikinikwento palang niya sa akin yung tungkol sa babaeng ito at ngayon nasa harapan ko na siya. Well siguro kailangan ko nang magtrabaho ngayon, bilang girlfriend kuno ni Jarvis. Muli akong kumuha ng kwek kwek at kahit na alam kong ayaw niyang kumain nito at pilit kong isinubo sa kanya in the sweetest way iyong kwek kwek.

            “Honey, sige na isubo muna.” Medyo baboy pakinggan pero okay naman. Lumapit yung Kareen sa aming dalawa medyo umatsa sa likod ko si Jarvis, halatang takot na takot siyang malapitang ng babaeng ito.

            “Hey bitch,” rinig ko pang sabi niya. Hindi ko siya hinarap, una sa lahat hindi bitch ang pangalan ko, at pangalawa hindi ako bitch duh!

            “Hey ichy bitch!” saka niya hinila ang buhok ko, kinuha ko muli ang buhok ko sa kanya at tinignan siya ng masama.

            “Kareen stop it!” sigaw pa ni Jarvis sa kanya saka niya ako inilayo sa babaeng iyon.

            “Ano ba? Kaya ko siya,” sabi ko kay Jarvis.

            “Hindi mo alam ang kaya niyang gawin Jade.”

            “Well, I don’t care buwisit siya hinila niya ang buhok ko, hindi ako papaya na hindi ako makaganti,” tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ako at muli kong nilapitan ang babaeng mukhang tilapiang mabaho ang hasang na ito.

            “Your’e back,”

           

            “Yes I’m back.” Then I slapped her face which make her so gulat. Hinaplos pa niya ang mukha niya dahil feeling ko nasaktan siya sa ginawa kong pagsampal.

            “Nasasaktan ka pa pala? Sa kapal ng mukha mo, akala ko sanay ka na sa mga ganito. Hindi pa pala, well magpapakilala muna ako. Ako lang naman ang Girlfriend ng lalakeng ito, at isa pa, hindi bitch ang pangalan ko, kundi Jade at kung sino ka mang kutong lupa ka. Maaari ka nang umalis sa harapan naming dalawa, kasi nakakagulo ka sa date namin.”

            “Yuck ito na ba yung sinasabe mong Date? Kadira ah? So cheap, I can’t believe na ipapalit mo ako Jarvis sa isang basurera, yuck!”

            “Basurera? Me? Omg!” doon na ako nangigil at hinila ko ang buhok niya at ningudngud ko ito sa putik ng kalsada ng minutong iyon. Wala na akong pakielam kung marami nang nanonood sa cat fight naming dalawa nitong si Kareen, pero ang ayaw ko sa lahat eh yung nilalait ako ng mga  tao at gumagawa sila ng mga tawag sa pangalan ko na hindi maganda. Putang ina! Patayan na lang oh!

            “Hey it’s hurt.” Bulyaw pa niya sa akin.

            “Masasaktan ka talaga kung hindi mo kami lulubayan ni Jarvis,” doon ko na siya binitawan may mga strands pa ako ng buhok na nakuha sa pagsambunot sa kanya. Ang buong akala ko ako itong madedehado kasi alam kong playboy itong si Jarvis, pero muling bumalik yung confidence ko. Hindi pala ako nagpapatalo.

BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon