Synopsis

779 14 0
                                    


Eighteen.

Habang nasa ganyang edad tayo, maraming nangyayari. Minsan masaya, minsan masakit.

Pero kahit maraming nangyayari, isa rin ito sa pinakamahalagang taon ng ating buhay na kung saan mararanasan natin ang iba't ibang emosyon sa ating sarili.

Minsan nararanasan nating,

Umiyak.

Sumaya.

Malungkot.

Tumawa.

Masaktan.

Magalit.

Magkagusto.

Makipag-away.

At higit sa lahat,

Magmahal.

Sa tanang buhay natin, hindi lang dapat tayo naka-focus sa pagiging successful, dahil walang taong successful kung hindi muna ito umiyak at bumagsak.

Minsan ka lang mabuhay sa mundo kaya dapat mong i-enjoy ang kung ano ka ngayin dahil hindi mo na mararanasan ang mga ito pag nawala ka na sa mundo.

Kung iiyak ka, iiyak ka lang hanggang sa wala ka nang mailuha at muli kang ngingiti kung kaya mo na.

Kung mababagsak ka, wag mong damdamin dahil madami ka pang oras sa mundo para maging successful ka.

Kung makikipag-away ka, siguraduhin mong may rason ka at siguraduhin mong pagkatapos nang away nyo ay makikipag-ayos ka na o kahit magpanggap na lang na hindi mo sya kilala.

At kung magmamahal ka, kahit nasasaktan ka na, wag kang gagawa ng paghihiganti dahil kahit anong paghihiganti ang gawin mo kung may nararamdaman ka pa rin, ikaw rin ang talo.

YOLO... stands for 'you only live once' at wag mong sayangin ang pagkakaton mong libutin ang mundo dahil lang sa mga walang kwentang bagay. At habang nasa disi-otso ka na, pwede ka nang maglibot nang mag-isa dahil kahit anong tanggi mo pa, hindi na tayo bumabata pa.

~~~~~~~~

Eighteen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon