Chapter 5

153 13 0
                                    

Chapter 5

Nang matapos kaming kumain ay ako ang nagpresentang maghugas ng pinagkainan pero at sabi naman ni Rexx ay tutulong daw kaya kami nalang ang natira dito sa kusina.

Abala ako sa paghugas habang ai Rexx ay nakaupo lang at nakatingin sa akin.
Sa inis ko ay tiningnan ko sya ng masama.

"Akala ko ba tutulong ka sa paghugas? Ba't ka nakatingin lang dyan? " Insi na tanong ko.

"Tumutulong naman ako. Tsaka ayaw mo ba nun? May tumitingin sayong gwapong lalake. " Sabi nya kaya napangiwi ako sa pagiging GGSS nya.

"Ba't ba puro ka sabi ng gwapo ka? Nakikita mo ba sarili mo? Parang gago. " Sabi ko.

"Ano ulit? Gwapo? " Nang-aasar na tanong nya.

"Gago yun. Gago! " Sabi ko. "Atsaka wag mo akong kausapin naiirita ako sayo. " Sabi ko saka nagpunas sa towel na nakasabit sa ref namin nang matapos akong maghugas.

Dumiretso ako sa kwarto ko saka nakadapang nahiga sa kama ko. Dahil wala namang homework ay nagfb nalang ako.

Habang nag-i-scroll down ay narinig kong may kumatok kaya binuksan ko ang pinto ko at bumungad sa akin si nanay at Rexx.

"Bakit nay? " Nakataas na kilay na tanong ko.

"Makikitulog daw dito sa bahay si Rexx. Wala namang ibang kwarto dito kaya dito nalang sa kwarto mo sya matutulog. Dati naman na kayong nagkakatabi kay siguro ayos lang naman sayo. " Sabi ni nanay saka umalis. Napanganga nalang ako sa frustation saka padabog na tiningnan si Rexx na nakangisi lang.

Sinamaan ko lang sya ng tingin saka humiga na ako sa kama ko. Nakita ko naman si Rexx na umupo sa gilid ng kama ko at tiningnan ako.

"Bakit ka nandito? " Tanong ko.

"Natatakot ako sa bahay eh. Wala yung mga maid at sina papa at mama." Sabi nya saka nahiga.

"Gago wag ako ang lokohin mo. Bakit ka nandito? Eh nung bata ka pa nga halos hindi ka na lumabas sa arcade room nyo dahil sa pagmamahal mo sa mga laruan mo. " Sabi ko saka sya inirapan.

"Kaso iba na ang mahal ko ngayon eh, pano ba yan? " Tanong nya pero nagtalukbong lang ako ng kumot ko saka natulog.

Dahil hindi pa naman malalim ang tulog ko ay naramdaman kong umalis sya sa kama nito at mukhang nag-aayos ng hihigaan nito sa sahig. Pagkatapos ay narinig ko ang pag-click ng on-off ng ilaw at napansin kong dumilim na saka ko naramdaman ang pagdampi ng labi nito sa labas ng kumot ko sa parte ng noo ko saka ko narinig ko humiga ito sa inayos nitong higaan nya.

Napangiti ako sa hindi malamang dahilan saka masayang natulog ng gabing yun.

~

Nang magising ako kinabukasan ay agad akong naligo at nagbihis saka bumaba. Mukhang wala na si Rexx dahil nakaayos na ang kamang hinigaan nya kagabi.

Pero hindi pa ako nakakarating sa kusina ay narinig ko na ang mga tawanan nila na nagmumula dito kaya dali-dali akong pumasok at nakita ko sya dun. Pagkapasok ko palang ay napatingin na sya sa akin saka ako kinindatan pero inungusan ko lang sya saka ako dumiretso sa timplahan ng kape. Hindi ko pa naibubuhos ang sachet ng 3 in 1 na kape ay may nagbuhos na sa tasa ko ng gatas. Tiningnan ko ito at hindi na ako nagulat nang makitang si Rexx yun.

"Don't drink too much coffee." Sabi nya.

"Yes, Sir. " Sabi ko nalang dahil tinatamad akong patulan sya ngayon. Dumiretso lang ako sa lamesa saka kumain ng pandesal na isinawsaw sa gatas. Wala kasi akong ganang kumain kaya iyon nalang.

Nang matapos ako ay agad akong lumabas at sumakay sa kotse ni Rexx dahil alam ko namang sabay kaming pupuntang school.

Nang makasakay ito ay agad na ngumiti nang makita ako saka nito pinaandar ang kotse. Habang patungong school ay nakapikit lang ako habang naka-headphone pero mahina lang ang volume.

Eighteen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon