Chapter 15

135 12 0
                                    

Chapter 15

"Tsaka hindi naman kasi porket gusto ko eh liligawan ko na. Ang mga bagay na mabilisan ay ang mga panandalian lamang. Dapat kasi kinikilala mo muna at dapat pareho kayo ng nararamdaman dahil ikaw rin naman ang masasaktan. " Sabi nito kaya nginiwian ko sya.

"Ano yan? Hugot? Tch. " Sabi ko saka tumayo. "Kakain na mamaya. Wag ka nang maglaro sa computer. Maawa ka naman sa mata mo kahit ngayon lang " Sabi ko saka lumabas ng kwarto nito. Pumunta ako sa kwarto ko at nahiga sa kama habang tintawagan si Denver. Ilang ring pa bago nito sinagot ang tawag ko.

"Babe. Why? I'm driving. " Sabi nito.

"Sama ka ba bukas? " Tanong ko.

"Saan ba? " Tanong nya.

"Kina Zyrich. Party daw eh. " Sagot ko.
"That fucker already here? Binisita ka ba? Anong ginawa nya? " Tanong nito kaya natawa ako.

"Binigay lang naman yung pasalubong ko, babe tsaka binisita na rin nya si tita. " Sagot ko.

"Okay. Sasama ako bukas, babe. Anong oras ba? " Tanong nya.

"Hindi ko alam babe. Tanungin mo nalang sa kanya." Sagot saka nagpaalam na dahil tinatawag na ako ni nanay.

Nang matapos ang tawag ay bumaba na ako saka dumiretso sa kusina. Sabay sabay kaming kumain kasama si yaya at nang matapos ay pumunta ako sa likod ng bahay na kung saan may hammock. Naupo ako dun saka nag-soundtrip lang.

Nang medyo inaantok na ako ay pumunta na ako sa loob at dumiretso sa kwarto. Naligo muna ako at nang matapos ay nag-blower ng buhok. Habang inaalis ang saksakan ng blower ay hindi ko namamalayang nahulog na pala ang picture ni Denver na nasa side table ko kaya gulat akong napatingin dun.

Biglang kumalabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan at dahil natataranta ako ay agad kong napulot ang mga bubog kaya nabubog ang daliri ko.

Huminga muna ako ng ilang beses saka pumunta sa cr para hugasan ang dumudugo kong kamay saka ginamot gamit ang first aid kit na nasa kwarto ko lang. Nang matapos ay ginamit ko na ang dust pan at walis pang pulot sa mga bubog. Nang matapos na ay nahiga na ako sa kama ko saka pinilit matulog hanggang sa hinila ako ng antok.

~

Nang magising ako ay agad akong bumangon at naghilamos lang at nagsipilyo. Bumaba ako saka dumiretso sa kusina at naabutan ko dun si yaya Dina na abala sa pagluto ng agahan.

"Oh gising ka na pala. Pupunta ka bang hospital? " Tanong ni yaya.

"Hindi po. May pupuntahan po ako mamaya." Sabi ko at tumango naman ito saka ipinagpatuloy ang pagluluto. Ako naman ay nagtimpla lang ng kape saka naupo sa dining table saka hinitay na magising sina nanay.

Habangvumiinom ng kape ay abala ako sa pag-cellphone hanggang sa napatingin ako sa isang post about sa diagrasya. Nabilaukan ako nang makitang si Denver yun!

"Fuck! Na naman! " Sambit ko saka tumayo agad. Nakasalubong ko pa si nanay na bagong gising pero hindi ko na pinansin at dumiretso na sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nang matapos ay bumaba ako saka pumunta sa kusina. "Nay, may emergency. " Sabi ko.

"Eh pano yung party kina Zyrich? Hindi ka na ba pupunta? " Tanong ni nanay.

"Tingnan ko kung makakapunta ako nay. " Sagot ko saka nagpaalam na at pumunta sa garahe. Sumakay na ako sa kotse ko saka pinaharurot hanggang sa makarating sa hospital.

Habang naglalakad ay tinawagan ko si Zyrich buti nalang ilang ring bago nito sinagot.

"Zy, I don't know if I can atted to your party tonight. There is an emergency and it's urgent. " Agad kong sabi.

Eighteen [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon