Chapter 1
"This is our lesson for today. Class dismiss." Sabi ni professor namin kaya humikab muna ako sandali saka dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at saka lalabas na sana ng classroom ko nang may pumigil sa akin.
"Bakit? " Tanong ko kay Matt. Sya ay isa sa gustong manligaw sa akin pero hindi ko ine-entertain. Well, lahat naman nang magtatangkang manliligaw sa akin ay hindi ko ine-entertain. Hindi ako choosy, sadyang ayaw ko lang talaga ng karagdagang lalake sa buhay ko. Masakit masaktan, right?
"Uhm, may pupuntahan ka ba? Aayain sana kitang manood ng sine. Or coffee maybe? " Nahihiyang tanong nya.
"Uh sorry pero may pupuntahan ako ngayon eh. " Sabi ko saka akmang aalis na pero nagsalita ulit sya.
"Maybe tomorrow? "Tanong nya.
"Sorry pero busy talaga ako. Pati bukas, the other day, the day after tomorrow, next next next day, sa sabado, sa linggo and so on and so forth. " Sabi ko saka dali-daling lumabas ng classroom saka pumara ng tricycle. Pagkatapos ay sinabi ko ang pupuntahan ko at nang makarating dun ay agad akong bumaba at nagbayad.
Dumiretso ako sa loob hanggang sa makarating ako sa isang pribadong kwarto. Pagkapasok ko palang sa loob ay tumuon na ang mata ko sa lalakeng nakaratay ngayon sa hospital bed.
Denver.
Naging successful ang operasyon but it's been two months since he fell into coma.
"Tita. " Sabi ko sa mama ni Denver na nakatulog sa sofa. Ilang segundo lang ay nagising ito.
"Oh nandito ka pala. " Sabi nito habang kinukusot ang mga mata.
"Opo. Wala po akong assignment ngayon, pwede po kayo munang umuwi sa bahay nyo. Dala ko na rin ang uniform ko para bukas. " Sabi ko habang nakangiti.
"Naku wag na, nakakahiya na sayo. Andami mo nang sinakripisyo para lang kay Denver. " Sabi ni tita.
"No. I insist tita. Hindi rin po magugustuhan ni Denver pag makita kayong kulang sa tulog." Sabi ko saka inalalayan si tita hanggang sa makalabas sya ng pinto. "Wag po kayong mag-alala tita, babantayan ko pong maigi si Denver. " Sabi ko at nang makaalis na si tita ay isinara ko na ang pinto saka umupo sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ni Denver.
Tahimik ko lang syang tinititigan. Ganun naman pag binibisita ko sya, tinititigan ko lang hanggang sa makaramdam na ako nang tulog.
Napabuntong-hininga nalang ako saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko nang maramdamang mag-ring ito.
Hindi na ako nag-abalang tingnan ang caller at sinagot ko na lang.
"Hello. " Sabi ko sa kabilang linya.
"Hi Xhia. " Sabi nang nasa kabulang linya. Napakunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa pandinig ko ito. Tiningnan ko ang caller's ID at nakita kong numero lang ang nandoon at hindi naka-save.
"Wrong number ang natawagan sorry. " Sabi ko saka pinatay ang tawag. Ilang minuto pa ay may tumawag na naman at nang tingnan ko ay iyon na naman kaya inis kong sinagot ito. "Hello?! "
"Hi i'm Rexx Villamor. You don't know me but I know a thing about you. " Sabi nang nasa kabilang linya. Nag-isip naman ako kung may kilala akong Rexx sa school na pinapasukan ko pero wala akong maisip.
"Hindi nga kita kilala kaya wag ka nang tumawag pa dito. " Sabi ko saka blinock ang numerong yun sa cellphone ko. Pagkatapos ay tumayo ako saka kumuha ng pampalit kong damit ngayong gabi saka dumiretso sa cr dito parin sa loob ng kwarto na to. Nag-halfbath lang ako saka nang lumabas ako ay may nurse nang nag-checheck kay Denver.
BINABASA MO ANG
Eighteen [Completed]
Teen FictionStory started: June 15,2019 Story ended: July 15,2019 Eighteen is one of the exciting part in our entire life. When we were eighteen, we cry, we hurt, we smile and laugh, we broke down and many more. We feel emotions that we didn't feel in our chi...