Chapter 8
'Gising na si Denver, Xhia.'
Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni tita sa phone. Nasa tricycle ako ngayon habang patungong hospital.
Ilang minuto lang ay nasa hospital na ako kaya dumiretso ako sa room nito. Nang makarating ako roon ay merong kalalabas lang na doctor at nurse sa kwarto nya kaya dali-dali akong pumasok. Naabutan ko si tita at Denver na magkayakap kaya tahimik akong pumasok saka sila tiningnan.
Ilang saglit lang ay dumako ang tingin ni Denver aa akin dahil nakaharap ang pwesto nya sa kinaroroonan ko.
"D. " Nakangiting sambit nya kaya tiningnan ako ni tita. Ako naman ay lunapit kay Denver saka niyakap sya ng mahigpit.
"Pinag-alala mo ko, fuck you ka. " Bulong ko sa kanya pero tumawa lang sya.
"Ilang months na akong tulog hindi mo parin inaalis yang pagsasalita mo ng bad words. " Sabi nya.
"Hay naku nak, pag binibisita ka nyan dito, minumura ka pa. " Rinig kong sabi ni tita kaya natawa ako.
"Gago naman ho talaga sya. Hindi sya naka-attend ng birthday ko kaya hindi ko na ho sya kaibigan. Yun kasi ang deal namin noon eh. " Sabi ko saka inirapan si Denver na tatawa-tawa lang.
"Sus! As if naman kaya mo akong abandunahin nuh. Andami mong babayarang utang pag nagkataon. " Natatawang sabi nya.
"Tch. Yung girlfriend mo, ni isang araw nung na-coma ka hindi naman bumisita." Sabi ko saka umupo sa gilid ng hospital bed nito. Si tita naman ay lumabas muna para daw bumili ng kakainin ni Denver.
"Girlfriend? Eh ikaw lang naman ang kaibigan kong babae." Sabi nya kaya binatukan ko sya.
"Nobya yung sinasabi ko. Sweetheart, you know. Sweetheart. " Madiing sabi habang nakangiwi pero tumawa lang ito.
"Eh ba't ka nakangiwi? " Nang-aasar na tanong nya.
"Walang may pake. " Sabi ko saka inirapan sya. Tumawa lang sya at ilang saglit lang ay sumeryoso ito.
"Babawi ako sa hindi ko pagsipot sa debut mo. " Sabi nya.
"Talaga? Saan naman? " Tanong ko.
"Saan mo ba gusto? " Tanong nya.
"Eat street food with me. " Sabi ko at nakita ko namang napangiwi sya kaya natawa ako. "Joke lang haha. " Tumatawang sabi ko.
"Tch. You're bullying me again. " Nakangusong sabi nya kaya natatawa kong tinampal ang nguso nya.
"Joke lang naman kasi yun. Tsaka gusto ko lang naman na maging maayos ka kaya kahit hindi ka na bumawi." Sabi ko. Kumunot ang noo nya.
"May problema ka. " Sabi nya na parang alam na alam nito na meron.
"Meron naman talaga. " Nakangiting sabi ko.
"Lovelife ba? " Tanong nya.
"Hindi. Pinoproblema ko lang yung kung bakit nakakahinga ang mga isda sa tubig. " Sabi ko kaya tinampal nya ang noo ko.
"Baliw. " Sabi nya saka tumawa.
"Bumalik na pala si Rexx. Kilala mo yun diba? Bestfriend mo din dati. " Sabi ko pero ngumiti lang sya.
"Ngayon alam ko na kung bakit ka malungkot. " Nakangiting sabi nya kaya taka ko syang tiningnan.
"What do you mean? " Tanong ko.
"Wala. " Nakangiting sabi nya saka kinuha ang phone nito na nasa gilid nya lang. Meron itong ginawa kaya pumunta ako sa sofa at nahiga habang nakaharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Eighteen [Completed]
Novela JuvenilStory started: June 15,2019 Story ended: July 15,2019 Eighteen is one of the exciting part in our entire life. When we were eighteen, we cry, we hurt, we smile and laugh, we broke down and many more. We feel emotions that we didn't feel in our chi...