Chapter 4
"Man, kung gusto mo sya, bakit may kasama kang iba? " Tanong ng lalake na nagpatigil kay Rexx. "Kung gusto mo sya at kahit wala syang nararamdaman sayo, sana naisip mo na masasaktan pa rin sya dahil may iba kang kasama imbes na gumawa ka ng paraan para mapamahal mo sya. " Sabi ng lalake habang bumabangon. Nanatiling tahimik si Rexx. Tinulungan ko ang lalake na tumayo saka sya inakay palabas ng karinderya. Sinabihan pa nya si aling Pasing na babayaran nalang daw nya utang namin bukas at humingi pa ito ng paumanhin sa nangyaring gulo.
Nang makarating kami sa labas ng karinderya ay pinaupo ko sya sa isang upuan na nakita ko sa labas sa ako pumunta sa drugstore at kumiha ng panggamot sa sugat nito sa labi. Nang makabalik ako ay agad ko itong ginamot at nang matapos ay umupo ako sa tabi nya.
"Kilala mo pala si Rexx? " Tanong ko kapagkuwan.
"Yeah. Bestfriend to be exact. Kilala kita dahil palagi nyang ini-stalk ang fb mo pati na ang ig mo kaya alam ko ang mukha mo. " Sabi nya.
"Eh bakit naman lumapit ka sa akin kanina? " Tanong ko.
"Alangan namang kina Rexx ako lumapit? Halata namang hindi ikaw yung kasama niya kanina. Ipapakilala nya sana ako sayo kanina pero iba ang kasama nyang babae at sakto namang nakita kita sa entrance ng karinderya kaya ikaw nalang ang nilapitan ko. " Sabi nya kaya napatango-tango ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mata ko nang malapit na ang oras ng klase namin.
"Fuck, una na ako. Malapit na ang klase ko. " Sabi ko pero pinigilan nya ako saka may ipinahawak na papel sa palad ko.
"Number ko. I-text mo ako pag may oras ka. " Sabi nya at dahil nagmamadali ako ay tumakbo nalang ako habang hawak parin ang ibinigay nitong papel.
Nang makarating ako sa classroom ko ay hingal na hingal ako habang nakaupo saka ako napatingin sa hawak kong papel. Napangiti nalang ako saka isinave sa phone ko ang number nito saka ibinulsa ko ang papel na yun.
Naramdaman kong may umupo sa gilid ko at hindi ko na lang pinansin dahil alam ko naman si Rexx yun dahil sa pabango nya.
"I'm sorry. " Narinig kong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at natawa ng walang emosyon.
"Okay lang. Wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Wala naman akong pake sayo. " Sabi ko at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito pero hindi ko na yun pinansin saka nag-concentrate nalang sa itinuturo ng prof namin. Nang matapos ang klase ay dali-dali kong inayos ang mga kagamitan ko saka papalabas na sana ako ng classroom kasi pinigilan ako ni Rexx.
"Vienn naman kausapin mo na ako." Sabi nya.
"Busy ako. Pupuntahan ko pa ang mahal ko. " Sabi ko at saka tuluyan na akong umalis sa classroom namin. Nakita ko pang dumaan ang sakit sa mukha nito pero umiling-iling nalang ako at agad akong pumara ng tricycle saka nagpahatid sa hospital. Nang makarating ako dun ay nagbayad na ako sa driver saka pumunta sa kwarto ni Denver.
Walang bantay si Denver. Mukhang may pinuntahan si tita o baka nasa canteen.
Agad akong lumapit sa kinahihigaan ni Denver saka umupo sa monobloc chair sa gilid nito saka ko hinawakan ang kamay nya na may swero.
"Hi Denver. Antagal mo nang natutulog wala ka bang balak gumising? Hahayaan mo na lang ba ako na masasaktan dito? " Malungkot na sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang sya kinausap dahil pag binibisita ko sya noon ay tinititigan ko lang sya. "Ano? Sasama ka na ba kay lord dyan? Dimo ba kami naiisip? O baka narinig mo na yung sinabi ni Rexx na ikaw ang mahal ko? Gago matagal na yun pero bestfriend lang naman ang kaya mong i-offer kaya hanggang kaibigan nalang ang label natin at hindi ko na iniisip na mahal kita. " Sabi ko habang nakangiti. Biglang sumagi sa isipan ko ang pagkakakilala namin ni Denver.
BINABASA MO ANG
Eighteen [Completed]
Teen FictionStory started: June 15,2019 Story ended: July 15,2019 Eighteen is one of the exciting part in our entire life. When we were eighteen, we cry, we hurt, we smile and laugh, we broke down and many more. We feel emotions that we didn't feel in our chi...