A 50-MILLION PESOS BRIDE (PART 2)

3.2K 60 0
                                    


A simple beige sheath dress and a blazer with a high-heel black shoes completes her outfit of the day.

"Good morning, Carol! Any good news?" Nagtuloy-tuloy si Veniz sa kanyang opisina. Sumunod ang kanyang pinsan.

Inilapag ni Carol ang mga newspapers and newly released business magazines.

"Apat ang nagbenta ng kanilang shares sa ibang tao, Veniz. That will be a total of thirty nine percent of shares."

Inalis ni Veniz ang blazer at isinuot sa swivel chair nito. "Wait, you told earlier na dalawa o tatlo yata ang gusto nang umalis sa kompanya. Paanong naging apat?"

"Well, nalaman niya ang ginawa ng mga kasama kaya sumali na rin. As of now, apat na lamang ang natitirang shareholders at ikaw."

"Fine! Ipapamukha ko sa kanila na hindi sila kawalan sa kompanya. Who are the new shareholders of my company?" Nakataas ang mukhang tanong ng dalaga.

"Inaayos pa ang appointment sa mga buyers, Veniz."

"Great. I want to meet them. Any names you might know?"

Umiling ang dalaga. "Wala pa akong siguradong impormasyon sa kanila dahil hindi ko pa nakakausap ang in-charge. Pero nabanggit niya sa akin si Jasmin Valdez."

Bahagyang tumahimik ang dalaga na abala sa pag-iisip. Sounds familiar at natitiyak niyang parehong industry ang kanilang ginagalawan.

"She is the heiress of Valdez Developers, Veniz.   They own the famous Silent Hill Dynasty in Laguna. Ang negosyo ng kanilang pamilya ang may pinakamaraming subdivision sa bansa. The former Miss Philippines 2014 and First Runner up for Miss Universe 2015 pageants."

Veniz snaps. "Yeah, right! Sabi na nga ba at kilala ko rin ang pangalan. It will be an edge and honor to the company of having her."

Nawala ang masayang ngiti ni Veniz dahil sa napansin kay Carol. "Wait...why?"

"A friend of her is the new shareholder. Hindi siya mismo."

"What? Anyways, if they are really closed friends, magandang publicity pa rin iyun sa VE Supermarket. Can't wait to meet her and them." Ang mga iba pang buyer ang tinutukoy ng dalaga sa huling sinabi nito.

"Veniz, how about closing atleast one or two branches?" tanong ni Carol.

"No, new sets of shareholders will regain everything, Carol. Besides, nakita ko ang sales last week at tumaas na ng three percent. This is a good start unlike last month na halos negative signs lahat nang nakikita ko sa financial reports."

Iniwan ni Carol si Veniz. Kapag ganitong tumutok na sa laptop ang dalaga ay hudyat na iyun para walang mang-iistorbo sa kanya o kaya hindi na ituloy ang kanilang pinag-uusapan.

Palihim na sinulyapan ni Veniz ang papalayong pinsan. Nahihiya ang dalaga na pati si Carol ay hindi pinapansin ang mga ideya nito.

Gustuhin man niyang sumunod sa gusto sinabi ni Carol na magsara ng branch ay ayaw niyang gawin ito. Siguradong magkakaroon ng issue at hindi siya titigilan ng mga press na tanungin kung ano ang dahilan. Sapat nang may iilan lamang na nakakaalam sa kinalalagyang krisis ng Villaluz Empire. At umaasa ang dalaga na bago malaman ng karamihan ay naisalba na ito at magmimistulang isyu na lamang ang usapin kung nagkataon.



"ALL IS DONE, Engineer Travis Sebastian!" Inilapag ni Jasmin ang mga papeles sa harapan ng dalaga.

"Good job! So, I owe you a lot and you can ask anything you want!"

Umakbay si Jasmin mula sa likuran ng binata. "Tulad ng palagi kong pakiusap sa iyo, Travis. Ilakad mo na ako kay Kier. Alam mo naman na patay na patay ako sa lalaking iyun!"

A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon