A 50-MILLION PESOS BRIDE (PART 8)

3K 66 0
                                    




"TRAVIS, HINDI ako papayag sa binabalak mong ito! Bigyan mo naman kami ng kahihiyan. Hindi dahil wala na ang magulang ni Veniz, ay gagawin mo kung ano ang gusto mo."

Magkakaharap silang apat. Nasa bahay ng mga Sebastian si Veniz at katabi niya ang binatang naka-akbay sa kanya.

"Nanay, alam ninyo kung gaano ko kamahal si Veniz. At hanggang ngayon ay gusto ko siyang alagaan. Hindi rin ako mapakali kapag sa ibang lalaki siya mapunta at baka mapabayaan lang."

Nahuli ng dalaga na nakatingin sa kanya si Aling Pepita. Sinalubong ni Veniz ang mga iyun at pinilit na ngumiti sa ginang.

"Anak, hindi sa ayaw naming maniwala sa sinasabi mo," saad ni Mang Kanor. "Alam kong mahal mo si Veniz hanggang ngayon kaya hindi ka pa nakikipagrelasyon sa iba. Mahirap lang para sa amin ang maniwala lalo na at hindi naman kayo masyadong nag-uusap noong magkalayo pa kayo."

"Tatay, bakit hindi si Veniz ang tanungin ninyo?"

"Tama po kayo. Wala pong sapilitan ang naganap sa pagyaya sa akin ni Travis ng kasal. I feel that I still love him. At kahit medyo nahihirapan akong mag-adjust dahil matagal din kaming nagkalayo ay nanatili pa rin ang pagmamahal ko sa kanya."

"Sweetheart, hindi pa rin yata naniniwala sina Nanay at Tatay. Wala tayong magagawa kundi patunayan sa kanila."

Nagtatanong palang ang mga mata ni Veniz nang hawakan ni Travis ang kanyang baba. Ilang saglit pa ay naglapat na ang kanilang mga labi. Sinuklian ni Veniz ang halik na iyun ng binata.

"I love you, sweetheart."

"I love you too, sweetheart."

Sinuklian ni Veniz ang ngiti ng binata sa kanya. Mahinang tumawa ang dalaga nang muling harapin ang magulang ni Travis.

Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa kanilang nakikita.

Why not? Travis and her are good actors.

"Thank you for saving me," bulong ni Travis.

Iniwan sila ng mag-asawa. Ayon kay Aling Pepita ay maghahanda ang mga ito ng meryenda.

"No worries. Pareho naman nating ayaw mabuko."

"Of course. I need to show how much I love you. Ngayon palang ay gusto kong malinaw ang lahat. Pakakasalan mo ako dahil naninigil ako sa malaking pagkakautang mo sa akin, Veniz. You are my possession now. At ako ang magsasabi kung kailan ako magsasawa sa marriage natin."

Kiming ngumiti ang dalaga. Tuwing sinasabi ni Travis ang dahilan ng kanilang pagpapakasal ay gusto niyang takasan ang nararamdaman.

Tila binibiyak ang kanyang puso at nahihirapan siyang huminga.

Pero imposibleng mahal pa niya si Travis!

A big, big no!

Hindi niya mamahaling muli ang lalaking hindi man lang siya ipinaglaban at binalikan. Naghintay siya ng taon para balikan siya ng binata pero wala siyang napala.

Ito ang nag-udyok sa kanya para ibaling ang damdamin sa iba. At si Brendo ang dumating.

"BRENDO, BAKIT ka nandito sa opisina?"

Nasa parking lot ang dalaga. Isinara niya ang pinto ng kanyang sasakyan.

"Totoo ba, Veniz? You are getting married? Bakit ganoon kabilis?"

Hindi mabasa ng dalaga ang totoong ekspresyon ng mukha ni Brendo. Kung nagtataka ba ito o nagagalit sa paraan ng kanyang pagtatanong.

Planong iwasan na lang ng dalaga si Brendo pero humarang ang binata sa kanyang daraanan.

A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon