A 50-MILLION PESOS BRIDE (PART 3)

2.8K 56 0
                                    


SINAMAHAN NI Carol ang pinsang si Veniz sa powder ng room sa loob ng opisina ng dalaga.

"Veniz, I know how it hurts. Look at me, kahit ngayon lang ay kailangan mong ipakita na maayos ka. Think of Tito in heaven." Hinawakan nito ang magkabilang-balikat ng pinsan.

Hindi maitago sa hitsura ni Veniz ang nangyari at kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi makitaan nang kahinaan si Veniz na humarap sa bagong bahagi ng kompanya.

"Carol..." Nagsisimula na namang humikbi ang dalaga.

Halos apat na taon na sila ni Brendo at nakapanlulumong biglang nagbago ang lahat dahil sa nadiskubre niyang katotohanan.

Naalala niya ang isang kasabihan na madalas niyang mabasa noong estudyante pa siya, "People cannot change the truth, but truth can change people."

Napakabikis na nagbago si Brendo sa kanya.

"Sshhh...ako na ang naglalagay ng make-up sa iyo. Let the concelear do the work."

Nanghihinang tumingin si Veniz sa pinsan. Wala siyang lakas sa mga sandaling iyun. Nais niyang umuwi at humilata. Gusto niyang alisin agad ang sakit na nararamdaman sa mga sandaling iyun.

"Hindi ba p'wedeng sa ibang araw na lang ang meeting ko sa bagong miyembro ng kompanya?"

"Hindi p'wede, Veniz. He is a busy man at kung hindi mo haharapin ngayon ay mahihirapan na ulit siyang magkaroon ng pagkakataon."

"Bakit nataon pa ngayon, Carol?"

Namamanhid na ang kanyang puso pero gusto pa rin niyang umiyak nang umiyak dahil sa nangyari sa kanila ni Brendo. Hindi totoong pera ang habol niya sa dating kasintahan.

Gusto na niyang lumagay ng tahimik dahil alam niyang tutupad ang ina na babalik sa dati nitong sigla.

Sinimulan na ni Carol ang paglalagay ng concelear sa ilalim ng mata ng pinsan. " Hold your tears. Lalo tayong matatagalan. Hindu maganda ang imahe ng kompanya na pinaghihintay ang mga bisita. At kung talagang mahal ka ni Brendo ay maliliwanagan din ang isip niya at magkakabalikan kayo. Palipasin muna ninyo ang araw na ito bago kayo mag-usap."

Ilang ulit na nagbuga ng hangin ang dalaga para mailabas ang tensiyon na bumabalot sa kanyang pagkatao.

Tama si Carol. Masyado pang sariwa ang sugat sa nangyari ngayong araw. At ganoon naman talaga ang ugali ni Brendo kung pinaglilihiman ito. Ang hindi niya matiyak ay kung kagaya pa rin ng dati ang binata na madaling masuyo.

Walang kasiguraduhan ang nasa isip ni Veniz. Ibang usapin ang kinakaharap nila ngayon ni Brendo. Hindi lang basta misunderstanding dahil nakasalalay ang pera at ang kanilang career sa negosyo.

"Perfect. Masyadong halata ang lungkot sa mga mata. Anyway, I have contact lenses, gagamitin mo muna para maitago ang sadness sa mga magaganda mong mata. Your liptint is alluring so wear your smile, Veniz. Hindi naman magtatagal ang meeting ng board.

"Salamat, Carol. Kung wala ka sa tabi ko ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."

"Pamilya tayo kaya tayong dalawa ang magdadamayan, Veniz. Tara na sa conference room?"

Tumango ang dalaga.

ISANG MATAMIS na ngiti muna ang ipininta ni Veniz sa kanyang mga labi bago tuluyang pumasok sa conference area.

Naroon na ang apat na shareholders ng kompanya na natitirang nagtitiwala sa kanya. Sinalubong siya ni Carol. May dalawang bakanteng  upuan.

"Wala pa sila?"

A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon